Epilogue

1.6K 53 8
                                    

Hi, so TTP is now done! Hope you enjoy Si and Iska story! Thank you for reading.

I also want to say na don't take sexual harassment, sexual abuse or sexual assult lightly. Every gender can experience that so if someone open up to you, take it seriously, it's not something you can joke about. Hope you learn from Silas experience.

And for all those people who keep on chasing after their dreams kahit na sarili mo lang ang nagtitiwala sa'yo, keep on dreaming. Ipagpatuloy ang paghakbang, malay mo nasa hangganan ka na pala... Padayon, mga laham, kaya niyo 'yan! Hehe!

Epilogue
Silas’ POV

“Hey, how’s my little one?”nakangiti kong tanong kay Shai.

“I’m fine, Dad.”aniya bago ako nginitian. Binuhat ko naman siya kaya agad itong napangiti.

“Are you still mad at Daddy? I’m sorry, bawi ako…”sambit ko dahil naudlot ang trip dapat namin, naging abala kasi bigla sa shoot.

“Hmm, it’s fine. Mommy already explain it to me… I understand.”aniya kaya napangiti na lang ako, she’s just sweet as her Mom.

“Where’s Mommy?”tanong ko. Tinuro si Iska na siyang nakatulog na lang sa sofa. Ang laptop niya’y nakatabi lang sa isang gilid. Ang dami ring papel na nakakalat sa gilid niya.

“You should sleep na rin, baby, we’re going to Maui early in the morning tomorrow…”nakangiti kong saad sa kaniya. Tumango naman siya bago humikab. Napangiti na lang ako bago siya dinala sa kaniyang kwarto. Nang maiayos ko na siya’y lumabas ako para puntahan si Iska.

Binuhat ko naman siya patungo sa kwarto, hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitignan siya. 

She was the type of girl that will push you to dream high and to chase after your dream. I still remember when we are in girlfriend-boyfriend stage. Everytime na uuwi ako sa bahay na pagod sa pagkuha ng pilot license ko, she’s always there. May dalang pagkain o kung ano. They said she was just using me dahil sa pera pero pakiramdam ko ito pa ang nauubusan ng pera dahil sa akin.

“Hi, bought you some pares! How’s your day?”tanong niya at tinaas pa ang pares na binili niya.

“Painit ko lang para masarap.”sambit niya pa, napatango naman ako. Nang makita niyang aalisin ko ang suot kong longsleeve, agad siyang nagsalita.

“Mamaya ka maligo, pagod ka, pahinga ka lang sandali or mamaya ma kapag katapos kumain.”sambit niya sa akin.

“But I want to hug you.”ani ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Edi yakapin mo?”patanong na saad niya.

“Hindi ka naman bumabaho bakit nag-aalala ka riyan?”natatawa niyang saad bago siya na mismo ang yumakap sa akin. Natawa na lang ako ng isiksik niya pa ang sarili sa akin.

“I’m sorry if I don’t have time to date you…”pabulong na saad ko sa kaniya.

“Para kang tanga. Naiintindihan ko naman na busy ka, nagtatatrabaho ka tapos inaasikaso mo pa license mo. Ayos lang ‘yon.”aniya na hinalikan pa ako sa labi. Nagtagal lang kami sa pwestong ganoon hanggang sa itulak niya ako dahil mainit na ang pares. Mahal ko ang pares pero panira.

Tumayo na rin ako para tulungan si Iska sa pag-aayos ng lamesa.

Damn, I can’t wait to marry her and made her mother of my child. Ang ganda.

“Lintik na pag-ibig~”pakanta kanta pa si Kuya nang daanan niya ako habang nakatitig ako kay Mama at Iska na nagtatawanan sa isang gilid. Talagang nagkakasundo silang dalawa.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now