Chapter 3

1K 28 0
                                    

Chapter 3
Iska’s POV

“Wala na bang tawad ‘yan, Miss?”tanong ko sa may kagandahang babaeng nasa harapan ko. Ang itim at kumikintab niyang buhok ay sinasabayan ang sayaw ng hangin. Nakakadistract tuloy.

Bed space lang ang hinahanap ko dahil wala naman akong ganoong kalaking pera para magsolo.

“Te, hindi ‘to palengke, te.”aniya sa akin kaya bahagya akong natawa.

“Marami naman kami dito, Te, hindi ba pwedeng tumawad kahit tatlong daan lang?”tanong ko pa sa kaniya.

“Sige na nga, 250.”aniya kaya hindi ko naman mapigilang mapangiwi. Sana pala’y nilimang daan ko na ang tawad.

“Sige.”sambit ko sa kaniya at tumango.

“Aling Nora! Okay na, 250 ko ahh.”nakangising saad no’ng babae kaya napaawang ang mga labi ko nang mapagtantong hindi siya ang may-ari ng apartment at halatang nautakan ako dahil dalawang libo lang ang renta pero 2250 ang pinauna kong ibinigay.

“Gago ‘yon ahh.”bulong bulong ko pa habang nakasakay sa bus pauwi ng laguna. Pupwede na akong lumipat kahit kailan ko gusto, baka lilipat na ako sa huwebes para aralin kung saan ako dadaan kung sakaling magtutungo ako sa media star.

“Ano, Ate? Kumusta ang paghahanap ng matutuluyan sa manila?”tanong sa akin ni Chico nang makauwi ako.

“Ayos naman. May nahanap na ako, lilipat na siguro ako sa huwebes.”sambit ko sa kaniya at nahiga sa sa upuang kahoy namin.

“How about your foods, Ate? Kakayanin ba budget mo?”tanong sa akin ni Lebon at naupo pa sa tapat ng upuan ko.

“Saka transpo, Ate? Masiyadong delikado sa manila, baka mamaya’y pagtapak mo pa lang doon, wala ka ng phone.”saad naman ni Chico.

“Huwag nga kayong mag-alala sa akin, ang alalahanin niyo ‘yang pag-aaral niyo. Kayang kaya ko ang sarili ko.”sambit ko na napakibit pa ng balikat sa kanila.

“We?”sinamaan ko naman ng tingin si Chico, kukurutin ko na sana ‘to kaya lang ay agad na nakatakbo.

“Baka naman kapag bumalik ka rito’y mas lalo ka lang maging pariwara.”sabi ni Mama na siyang kukuha nanaman ata ng pera para pangsugal sa labas. Isa naman sa kagandahan kay Mama, hindi niya kinukuha ang pera ko, kahit paano’y alam niya pa rin ang responsibilidad niya bilang ina kaya hindi rin nagugutom ang mga kapatid ko. Katunayan ay ginagawa niya naman ang makakaya niya para makapag-aral ang mga kapatid ko. Sa akin lang naman masama ang ugali nito. Or should I say, sa akin lang ‘to walang tiwala?

“Ma, hindi naman pariwara si Ate.”sambit ni Lebon na siyang tinupi ang libro niya.

“Huwag mong kunsintihin ang kapatid mo, Lebon.”sa akin pa rin ang masamang tingin nito kahit na hindi naman talaga ako ang nagsalita. Nailing na lang ako at hinayaan ‘yon.

Mabuti na lang ay tinatawag na rin siya sa labas ng bahay dahil magsusugal na sila. Tumulong na lang kaming dalawa ni Lebon sa pag-aayos ng mga lamesa dahil tinatamad nanaman si Chico.

Papasok na sana kami nang nagsalita si Aling Susa. Hindi ko alam kung hilig lang ba talaga nito ang makipagchismisan o hilig lang talaga ang pakikialam.

“Baka mamaya’y bago ka pa makagraduate, Lebon, matulad ka sa pariwara mong kapatid.”sabi ni Aling Susan kay Lebon.

“Hindi po… dahil hindi naman po pariwara ang kapatid ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya pariwara gayong nakakapagtrabaho naman po siya at may pangarap din po. Kung ikukumpara po siya kay Kuya Totoy na tambay lang sa kalye at paalak alak lang, hindi po ba’y mas mukhang pariwara ang anak niyo?”hihilain ko na sana si Lebon dahil paniguradong magagalit si Aling Susan at tama nga ang hinala ko.

Tumayo ito para sana pagsabihan si Lebon ngunit agad humagalpak ng tawa si Mama.

“Oh, wala kang narinig sa akin kanina, Susan, subukan mong pagsalitaan ‘yang anak ko.”ani Mama kaya masama na lang ang loob ni Aling Susan na naupo muli sa kaniyang upuan. Napangisi na lang ako dahil gustong gusto nilang tinitignan ang mali sa kapwa ngunit kapag pinuna na ang mali sa kanila? Ikaw pa ang masama.

“Sana hindi mo na pinatulan.”sambit ko nang pumasok kami sa loob ni Lebon. Napanguso na lang siya at hindi na nagsalita pa.

Mabilis lang din lumipas ang mga araw at agad dumating ang huwebes na pinakahihintay ko.

“Mag-iingat ka roon, Ate, lagi kang tatawag, huh?”tanong pa sa akin ni Chico.

“Oo naman, saka ang dali dali lang umuwi rito kung miss niyo ako.”natatawa kong biro sa kaniya.

“Sige, tatawag ako kapag miss kita, uwi ka agad.”ani Chico kaya pinitik ko lang ang noo niya at natawa.

“Ingat ka, Ate, huwag kang magpalipas ng gutom.”sambit naman sa akin ni Lebon. Malapad naman ang naging ngiti ko sa kanila.

“Ma, alis na po ako.”paalam ko kay Mama kahit na madalas kaming mag-away, hindi niya naman ako pinansin dahil abalang abala siya sa kung ano. Napangiti na lang ako ng mapait bago ako nagpatuloy sa paglabas ng bahay. Naging matagal naman ang byahe dahil sa sobrang dami kong iniisip. Sana naman ay maging maganda na ang kapalaran ko rito.

“Nandito ka na pala, Hija, sa baba ng pinakadulong kama ang iyo.”sabi sa akin ni Aling Nora. Inayos ko naman na ang mga gamit ko roon. Ayos lang ako sa kahit saan, basta may matuluyan.

Marisa:

Nandiyan ka na? Good luck sa work mo bukas!

Ako:

Oo, salamat, sis!

Naging abala lang ako buong araw sa pag-aasikaso ng mga gamit ko. Marami akong stock ng cup noodles na binili dahil hindi naman ako agad agad na sasahod, kailangan ko munang magtipid. I want the experience in that field, baka sakaling makaahon ako. Baka sakaling hindi ko na kwestiyunin pa ang kakayahan ko.

“Hi!”halos mapatalon ako sa gulat habang inaayos ang polo ko nang may sumilip mula sa taas. Ngayon ako tutungo sa star media, ngayon ang simula ng panibagong buhay ko.

“Ay puki mo!”malakas kong sigaw. Sinamaan ko pa ng tingin ang babae. Napatawa naman siya dahil do’n. Bumaba siya para lapitan ako.

“Nakalipat ka na pala, ganda.”aniya sa akin habang malapad ang ngiti. Tinatali nito ang mahaba niyang buhok. Agad nanliit ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ‘to. Ito ‘yong babaeng nang-uto sa akin.

“Gago ka. Ibalik mo 250 ko.”mura ko sa kaniya kaya mangha pa siya habang nakatingin sa akin.

“Saka na, pautang muna.”aniya at nagawa pang tumapat sa akin habang malapad ang ngiti.

“Ganda mo.”sambit niya.

“Sorry pero may pepe rin ako.”ani ko kaya naguguluhan siyang napatingin sa akin, maya-maya ay napahagalpak siya ng tawa.

“Hindi ako tibo!”natatawa niyang saad.

“Leolita,”pagpapakilala niya sa sarili. Naglahad pa siya ng kamay sa akin.

“Pero Leo na lang,”saad niya at malapad na ngumiti.

“Iska.”sambit ko naman at tinanggap ang kamay nito.

“Next time huwag kang masiyadong uto-uto.”aniya sa akin.

“Next time huwag kang manloko.”balik ko naman sa kaniya.

“Siya, see you when I see you.”aniya sa akin at malapad na ngumiti bago umalis para magtungo sa cr. Nagawa niya pang makipag-unahan sa isang babaeng papasok na sana roon. Kita ko namang napasimangot ang babae at halos wasakin na ang pinto kakakatok. Nailing na lang ako. Mabuti na lang pala’y hindi ako gaanong nakatulog dahil siguro’y namamahay kaya maaga akong nakapag-ayos. Mahirap na ring malate sa trabaho lalo na kung kabago bago ko pa lang.

Nagawa ko pang suotin ang sandals ko na ang tagal kong hindi nagamit para lang magmukhang presentable sa paningin ng mga kasamahan ko. Nang matapos ako’y lumabas na rin. Mabuti na lang ay may google kaya alam ko kahit paano ang sasakyan ko.

“Iska, saan ka?”tanong nang bagong ligong si Leo.

“Sa media star.”sambit ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

“Doon din punta ko!”aniya at malapad ang ngisi.

“So?”tanong ko naman.

“Sakay ka na.”aniya at tinapik pa ang motor niya.

“Anong trabaho mo roon?”tanong ko naman. Napatikhim naman siya at napakibig ng balikat. Mukhang ayaw sabihin.

Nagdalawang isip naman ako kung sasakay ba o hindi ngunit sa huli’y napagpasiyahan na lang din na sumakay. Pagkaupong pagkaupo ko’y agad niyang pinaharurot ang motor niya, isama mo pa ang mahabang buhok niya na sumasampal sa pisngi ko.

“Papatayin mo ba ako?”tanong ko nang makababa sa motor niya. Napatawa naman siya ng mahina.

“Saka ‘yang buhok mo, punyeta, sabihin mo lang kung gusto mong ipalamon.”sambit ko pa kaya mas lalo lang siyang natawa.

“Sorry, bakit ka galit?”natatawa niyang tanong.

“Una na ako, bye!”aniya at kumaway pa bago pinaharurot muli ang motor niya. Tuloy tuloy naman na akong pumasok sa loob, pinakita ko pa ang id ko bago nagtungo roon. May mga kasama rin akong production assistant na mukhang magsisimula pa rin. Tahimik lang naman kaming lahat bago dumating ang isang may katandaang babae. Napatayo kami ng diretso lalo na nang sabihing ‘to ang maghahandle sa aming lahat.

“Ms. Iska Sumilang, si Ms. Baltazar ang magtuturo sa’yo.”ani Mrs. Madrigal. Agad naman akong napatango roon at lumapit din kay Ms. Baltazar. Medyo kinakabahan ako ngunit nangingibabaw ang excitement sa akin.

“Tara.”malamig na saad ni Ms. Balatazar. Alam kong bumabasa ng nararamdaman ng isang tao at alam ko agad base sa tingin nito na ayaw niya sa akin. Pinilit ko na lang ilayo ‘yon sa isipan. Huwag kang magoverthink, Iska.

“Sa production tayo ng Dusk nakaassign.”ani Ms. Balatazar. Tumango namam ako roon. Agad inisip kung sino nga ba ang cast and crew ng Dusk. Ang alam ko lang ay nandoon si Mr. Tan, batikang producer din. Hindi ko maiwasang maexcite dahil ang pinakagusto kong makita sa lahat ay ang screenwriter na si Ms. Salazar. Fan na fan ako ni Ms. Eva, bukod sa maganda na, matalino pa at higit sa lahat magaling na manunulat. Saka ang sabi nila’y nag-aaral pa rin ito para maging isang doctor. Nakakamangha lang.

“Niel.”tawag ni Ms. Baltazar sa isang babaeng hindi katangkaran nang makarating kami sa isang building pagkatapos naming sumakay sa kotse na mukhang para sa mga errand ng ilang crew.

“Ikaw na sumama rito sa loob.”sabi niya kaya napatango naman ang babae.

“Hi, I’m Niel. Ikaw?”tanong niya habang nakangiti. May dala dala ‘tong mga inumin. Tinulungan ko naman siya sa pagbubuhat.

“Iska.”pagpapakilala ko rin.

“Siguro naman may background ka na sa trabahong pinasok mo.”aniya sa akin habang naglalakad kami papasok sa loob.  Napatango naman ako roon. May background naman ako rito kahit paano.

“Una sa lahat, kailangan marunong kang makinig, siguradong hindi ka magtatagal kung tatanga tanga ka.”saad niya pa sa akin. Nakinig lang naman ako sa kaniya.

“Lalo na rito sa Dusk, ang mga tao’y medyo sensitive kaya nga medyo maraming bago, maging responsible, kapag nagkamali?”sambit niya at umarte pa na akala mo’y kikitilin ang buhay.

“Ingat ingat ka sa mga tao rito, sinasabi ko sa’yo, nangangain ng buhay.”aniya pa.

“Medyo exag ka.”gusto ko namang pitikin ang bibig ko dahil sinasabi nanaman ang kung anong gustong sabihin. Iska, makisama ka, please lang. Magtiis ka.

“Medyo nga.”aniya at tumawa.

Pumasok naman na kami sa loob habang dala dala ang ilang inumin.

“Ms. Sumilang, come here for a sec.”ani Ms. Baltazar, nakahilera ang mga bago kaya agad akong sumunod.

Nakayuko lang sila habang pinapakilala sa mga higher ups. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanila isa isa. Hindi ko maiwasang mamangha dahil fan na fan talaga ako nina Mr. Tan. May nagsalita naman na isang lalaki, kung hindi ako magkakamali’y si Silvano Lucas Herrera ‘to for short ay Silas. Sikat na sikat ‘to noon pa lang 17 siya, paano’y youngest director na nakapasok sa media star. Hanggang ngayon ay kilala pa rin siya sampung taon pagkatapos siyang makilala.

Ang sabi nga’y pupwede pa siyang mag-artista dahil talaga namang gwapo. But I kinda despite him. Siguro dahil kapag nakikita ko ang mukha nito sa internet, hindi ko maiwasang mainggit. Sa murang edad niya naabot niya na ang pangarap niya samantalang ako’y 25 na ngunit wala pa ring nararating. Ang unfair lang.

“Iska po.”sambit ko, masiyado akong focus sa paghahanap kay Ms. Eva Salazar kaya ‘yon ang naging sagot ko kahit hindi naman narinig ang tanong niya. I mean ano pa bang dapat niyang itanong maliban sa pangalan, ‘di ba?

“I’m asking about the drinks, where is it?”bahagyang nakakunot ang noong tanong niya.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now