Chapter 18

739 29 0
                                    

Chapter 18
Iska’s POV

“Ang aga aga pa, Silvano!”reklamo ko nang sagutin ang tawag ni Silas. Ilang ‘shh’ naman ang narinig ko mula sa mga kasama ko rito sa apartment dahil alas quatro pa lang pero nangungulit na si Silas.

“You promise me that we’re going to the gym together today. Ilang linggo mo na akong tinatakasan.”aniya kaya napairap ako. Isang linggo lang, ang daming alam nitong si Silas, oa e.

“Sa susunod na, nag-aadjust pa lang ako sa trabaho.”sabi ko sa kaniya.

“Just wake up, nandito na ako sa tapat ng apartment mo.”aniya kaya inis na inis naman akong tumayo. Wow, ikaw pa ang nainis, Iska, gayong ikaw ‘tong pumayag na mangako. Ilang araw ko na itong iniindian, noong nakaraan ay talagang nainis na siya sa akin kaya pumayag na ako.

Nagbihis lang sandali ako bago pahikab hikab na bumaba, anong oras na akong natulog dahil nagsulat ako kagabi.

“Good morning!”malapad ang ngiti niyang saad. Hyper na hyper na agad gayong ang aga aga pa lang.

“Morning.”matamlay kong bati kaya pinaningkitan niya ako. Natawa na lang din siya sa itsura ko.

“Let’s go. Jogging na rin tayo papunta sa gym.”aniya sa akin.

“Bukas na ba? Ang aga naman.”tanong ko na nagtataka.

“Bukas, 24/7 ‘yon,”sambit niya na napakibit pa ng balikat. Napairap na lang din ako at nagsimula ng tumakbo na siyang pinagsisihan ko dahil nagpauto nanaman ako rito.

“Scam ka! Sabi mo malapit lang!”reklamo ko na hingal na hingal na. Huminto naman siya para abutan ako ng tubig.

“Malapit lang. Malapit na tayo.”sabi niya naman na natawa pa sa akin. Masamang tingin lang naman ang ibinigay ko sa kaniya kaya natawa na lang siya bago ako sinabayang tumakbo. Maya-maya lang ay nakarating nga kami roon. Halos abutin din kami ng isang oras dahil pahinto hinto ako sa pagtakbo. Talagang malayo ang gym na pupuntahan namin, scam lang talaga si Silas.

“Sa wakas! Punyeta! Parang ayaw ko na tumuloy.”sabi ko dahil pagod na agad ako sa ginawa naming pagtakbo. Bahagya lang akong tinulak paloob, marahan lang naman ‘yon. Hindi naman kailanman rumahas ‘yang si Silas. Suplado lang, oo.

“Good morning.”bati sa kaniya no’ng isang sexy’ng babae. Hindi ko mapigilang mamangha sa katawan niya.

“Ang ganda niya.”pabulong na saad ko kay Silas, nilingon niya lang naman ako.

“Seriously, do you have something with girls?”pabulong na tanong niya sa akin.

“I won’t judge.”pabulong na muling saad. Madalas niyang akong kinukulit kung may namamagitan daw ba sa amin ni Leo, parang sira amp. Leo’s just a friend and we both like guys.

“I’m not, kulit mo.”sabi ko na tinulak pa siya dahil kita ko ang tingin sa amin no’ng babae. Bahagya namang napaawang ang labi ko nang makita ko ang pag-irap nito sa akin. She’s pretty kaso mukhang suplada kaya napakibit na lang ako ng balikat at hindi na lang binalik ang tingin. I’ll end up disappointed lang din dahil I like girls with pretty personalities. Hindi talaga ako compatible sa mga suplada.

“You’re here pala, Silas, sabi ko na nga ba madadatnan kita e.”lumapit na mismo ‘yong babae dahil mukhang walang balak lumapit si Silas.

“Let’s have breakfast after this.”aniya pa kay Silas.

“I still have a job. I don’t think I can join you.”tipid lang ngumiti si Silas bago niya ako nilingon muli.

“Oh, you’re already here. Wait, who’s the pretty girl with you?”tanong niya kay Silas.

“Hi, I’m Red.”aniya na naglahad pa ng kamay sa akin.

“Iska.”nakangiti ko ring saad sa kaniya bago tatanggapin na sana ang kamay niya ngunit nagsalita si Silas na nasa tabi ko.

“No need for formalities, do your job, Gomez.”tinawanan naman ni Red si Silas na siyang sumimangot lang.

“Hindi mo naman sinabing may gwapo ka pala rito sa gym, edi sana inagahan kong gumising.”bulong ko ulit kay Silas na siyang masama ang tingin sa akin dahil sa sinabi ko. Pinagtaasan ko lang naman siya ng kilay doon. Mas lalo lang siyang napasimangot.

“Let’s go, Iska?”nakangiting tanong sa akin ni Red. Ngumiti rin naman ako sa kaniya at tumango. Mukha namang mabait ‘to. Mukha rin siyang nasa twenties lang, siguro’y kaedad lang ni Silas.

“How did you manage to know, Si? Gagong ‘yon hindi nagkukwento.”natatawang saad ni Red habang nagtuturo ng instruction. Siningit lang talaga ang tanong habang nagtatrabaho.

“Wait, you’re that girl! ‘Yong dinala niya sa bar tapos inuwi na bagsak na!”aniya na nanlalaki ang mga mata. Bahagya naman akong nahiya dahil do’n. Marami kaming nadaanan no’n at marami ring kumakausap kay Silas, hindi ko na matandaan kung sino sino ‘yon.

“No not that, straigthen your back a lil bit.”aniya na kahit na kikichismis, nagagawa niya pa rin ang kaniyang trabaho ng maayos.

“That’s my girlfriend you’re holding there, Gomez.”masamang tingin ang ibinigay ni Silas kay Red na siyang nakahawak sa likod para ituro ang proper way.

“Ano? Suntukin kaya kita? Pakialamero ka na? Ikaw ‘tong nagsabing maggym tapos reklamo ka riyan ngayon?”binalik ko rin ang masamang tingin niya. Saka bakit ba bigla bigla niya na lang akong pinapakilalang girlfriend niya, hindi ba pwedeng friends muna hanggang sa girlfriend para hindi naman mabiglas si Ms. Eva kapag nabalitaan niya?

“You can teach her without touching her, Gomez.”sabi niya pa kaya natatawang tinaas.ni Red ang kamay niya.

“Easy ka lang, Lodicakes. The great Silvano Lucas Herrera is getting mad because her girl is getting touch, huh? Ganiyan ka kapatay na patay, Si?”natatawa niya pang tanong.

“Shut up, Red.”aniya na umirap pa. Nagpatuloy naman na si Red at halatang nang-aasar lang talaga kay Silas na siyang lumapit pa sa mga gym material na malapit lang sa amin para makichismis sa usapan namin ni Red. Parang tanga. Nailing na lang ako dahil do’n. Natapos naman kami na hingal na hingal na ako at pagod na pagod na rin. Pakiramdam ko nga’y nabigla ako dahil sa sobrang daming tinuro ni Red kahit pangbeginners lang naman. I’m not fond of exercising, ang akin hate ko talaga ‘yon.

Mas gusto ko pang magjogging na lang sa panaginip ko kaysa tumakbo talaga.

“We’ll get going, see you around, Red.”sambit ko at ngumiti sa kaniya.

“See you, Iska!”aniya at kumaway pa sa akin.

Paalis na sana kami nang hinarang kami no’ng babaeng bumati kay Silas kanina. Nang tinignan niya ako ay para siyang nabghuhusga habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pasimple ko namang nilingon ang sarili sa salamin. Tinignan ko kung mukha ba akong haggard. Pawis na pawis nga ako at hindi rin maiayos ang kulot kong buhok. Bahagya na lang akong napanguso at nahiya sa sarili.

“Is she really your girlfriend, Silas?”tanong niya kay Silas na siyang kinakausap lang ako kanina. Napatingin naman siya sa babae dahil sa tanong nito.

“Yeah.”aniya na inakbayan pa ako habang palabas kami. Agad ko naman siyang siniko dahil ang lagkit lagkit ko. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa kaniya dahik hindi ko na talaga alam ang plano nito. Hindi pa namin nakikita si Ms. Eva dahil kabilang siya sa isang teleserye ngayon.

“Just stay still. Nakatingin pa.”aniya kaya iritado na lang ako habang naglalakad.

Kahit no’ng makaalis kami’y hindi pa rin niya inaalis ang kamay, nang lingunin ko siya’y halatang nang-aasar na lang talaga.

“Alis na, Silvano, ang init init.”sabi ko na masama ang tingin sa kaniya. Saka niya lang inalis ng mapikon niya na ako.

“Sungit.”natatawa niyang saad.

“Why do we even need to pretend that we are together in front of your friend saka roon sa babae mo?”tanong ko sa kaniya.

“I don’t have girls and why are you asking? Hindi ba’t ‘yon naman talaga ang nasa kontrata. We’re going to pretend that we like each other hanggang tatlong buwan? Don’t tell me you like my friend kaya ayaw mong pasabi?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Hindi ko naman maiwasan ang pagkunot ng noo ko sa kaniya.

“Luh, gawa gawa ‘yarn? Of course not! Nakakapagtaka lang na hanggang ngayon, hindi ka pa rin gumagawa ng paraan para pagselosin si Ms. Eva. Minsan tuloy ay nakokonsensiya na ako dahil parang ako lang ang nakikinabang sa ating dalawa.”pagpapaliwanag ko naman. Hindi naman siya nagsalita roon.

“Let’s have dinner later.”aniya kaya agad nanliit ang mga mata ko.

“Kita mo na.”sabi ko pa.

“Eva will be in that hotel, that’s our first plan. Wear something nice. Susunduin kita after your work.”aniya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya roon.

“Now, let’s jog nang parehas na tayong makapasok.”sambit niya kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

“Ano? Isang oras pa muli tayo tatakbo?”tanong ko na masama ang loob.

“Hindi na, sasakay na akong jeep. Mag-isa mo.”sabi ko dahil hindi ko na talaga kayang takbuhin pa ‘yon pabalik. Pinilit niya pa akong kaunti ngunit sa huli’y sinundan din niya ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, papara na sana ako ng jeep na dumadaan kaya lang ay nahinto lang ako nang makitang may beef pares sa gilid.

“Kain tayo, libre ko?”nakangisi kong saad sa kaniya.

“I thought nagmamadali kang umuwi dahil may trabaho ka pa?”tanong niya sa akin na nakataas ng kilay.

“Well, kakain din naman ako bago pumasok, anong gusto mo mamatay ako sa gutom at pagod?”tanong ko naman pabalik at dumeretso pa sa ale na siyang nagtitinda. Umorder lang ako ng dalawang order. Mukhang hindi naman sanay si Silas na kumakain ng ganito ngunit sinabayan pa rin ako.

“What do you think?”tanong ko sa kaniya.

“It taste good but I won’t eat that much.”aniya ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng pag-ubos ng akin. Ubos na ang kaniya at mukhang gusto pa. Natawa na lang ako bago siya ipinagorder muli.

“You won’t eat that much, huh?”nakangisi kong tanong sa kaniya. Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagkain. Natawa na lang ako dahil do’n. Nang matapos kami’y inaasar asar ko pa rin siya pero wala lang ‘yon sa kaniya.

“Let’s come back there in another day, after gym.”aniya.

“As if naman sasama pa ako. Para akong mamamatay sa sobrang pagod.”reklamo ko sa kaniya.

“You’re exaggerating again, Iska.”natatawa niyang saad kaya napairap na lang ako.

Nang makasakay kami sa jeep, hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo ko lalo na nang makita kong dikit na dikit sa kaniya ‘yong isang babae kahit na sobrang dami pa namang bakanteng upuan. Si Silas naman ay mukhang walang paki dahil abalang abala siya sa pakikipag-usap sa akin. Hindi ko naman magawang magfocus dahil kita ko talagang sinisiksik niya ang sarili kay Silaa.

“Love, are you comfortable with your sit?”malambing kong tanong kay Silas kaya kunot noo niya akong tinignan, medyo malakas din kasi ang tinis ko. Nagtataka sa biglaang pagiging malambing ko. Napangisi pa siya nang mapagtanto. Bahagya namang nahiya ‘yong babae kaya umusog siya ng kaunti. Buti naman.

Ayos na sana kaya lang ay pinamulahan ako ng mukha dahil sa hiya. Kita ko kasi ang mga tingin ng ilang pasahero sa jeep. ‘Yong iba’y mukhang nairita dahil sa malanding tono ko. ‘Yong iba naman ay nagsasana all habang si Silas naman na siyang katabi ko’y mapang-asar akong tinitignan at kita kong gustong gusto niya na akong asarin.

“Para po, Love!”gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil nagsitawanan ang mga pasahero ng jeep dahil sa sinabi ko. Sa sobrang lutang ko’y kung ano ano na lang ang nasasabi. Nakakahiya!

Si Silas na kasabay kong bumaba, pulang pula na ang mukha kakapigil ng tawa. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa makarating kami sa kanto papasok sa loob patungo sa apartment.

“Hindi ka pa ba uuwi? Umuwi ka na, malelate ka pa.”sambit ko sa kaniya.

“Hatid muna kita, Love.”talagang pinagdiinan niya ang salitang love.

“Hindi ka titigil?”tanong ko na masama ang tingin sa kaniya.

“Titigil na po, Love.”aniya naman at tumawa pa. Halos patayin ko na siya sa tingin ngunit hindi pa rin siya huminto.

“Isa, Silvano Lucas,”banta ko. Tumango naman siya ngunit pigil na pigil pa rin ang tawa.

“Hatid na kita.”seryoso niyang saad ngunit naroon pa rin ang ngiti. Napairap na lang ako at hinayaan siyang ihatid ako sa apartment. Narito kasi ang kotse niya sa labas. Hindi niya naman dinala.

“Sunduin kita mamaya… Love…”dugtong niya pa kaya agad na sinamaan ko siya ng tingin. Malapad lang naman ang ngisi niya roon.

“Change my nickname. I’m not HB anymore. Ikaw ang mas high blood sa ating dalawa.”aniya kaya napairap na lang ako. Ang tagal niya kayang nalaman na highblood ang meaning ng HB. Hindi ko alam kung kanino niya nalaman pero nang malaman niya ay kinulit niya akong palitan ‘yon.

“See you, Love.”aniya at kumindat pa bago ako marahang tinulak papasok.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now