Chapter 48

942 27 0
                                    

Chapter 48
Iska’s POV

“Ate! Manliligaw mo nandito na!”sigaw ni Chico kaya nagmadali akong magbihis.

“Hi,”Napatanga naman ako nang makitang nandito rin ang mga kaibigan niyang sina Pulo. May mga hawak na gitara ang mga ito.

“Anong trip ‘yan?”natatawa kong tanong nang magsihelera pa sila bago nagsimulang tumugtog. Hindi ko mapigilan ang paghagalpak ko ng tawa nang magsimula silang kumanta habang si Silas ay dumaan sa gitna nila.

Akala mo’y mga high school student ang mga ito, ang lalakas ng trip. Parang hindi mga propesiyonal. Nailing na lang ako nang lumapit si Silas na may dalang roses.

Kaya pala nagchat sa akin si Leo na nagsasabing ‘ivideo mo si Pulo’. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang bunganga ng babaitang ‘yon. Paniguradong sira agad ang plano kapag siya ang sinabihan.

“Salamat.”nakangiti kong saad sa kaniya.

“Can we go out tonight?”tanong niya sa akin.

“Sure? After the shoot!”nakangiti kong saad sa kaniya. Ilang buwan na rin ata nang magsimula ‘tong manligaw. Halos araw araw niyang hinahatak ang mga kaibigan niya para lang pumunta rito sa condo. Natatawa na lang din ako dahil g naman ang mga ito. Palibhasa’y malaki ang talent fee.

“Oks na ba? Alis na ako, may date pa kami ng asawa ko!”sabi ni Pulo. Siya ‘tong CEO na ayos lang malate sa trabaho, huwag lang sa misis niya.

Kaniya-kaniya na ring paalam sina Red, kahit anong yaya nina Chico ay may mga lakad pa raw ang mga ito.

“’Yong payment, pakilagay na lang sa bank account ko, Pre!”sabi ni Pulo kay Silas bago nagmamadaling umalis. Hindi naman siya pinansin ni Silas. Napailing lang ‘to sa kaniya.

“Tara na?”tanong niya dahil parehas kaming may trabaho rin. Mabuti na lang ay hindi ko na binilhan pa ng kotse si Chico dahil hindi ko rin naman nagagamit ang kotse ko, madalas na sa kotse lang din ako ni Silas. Parehas lang din naman kasi kami ng pinagtatrabahuan. Nang matapos namin ang movie noon ay kami ulit ang nagkatrabaho dahil halos parehas naman kami ng theme. Action or fantasy.

“Good morning, Ms. Iska, Direk.”bati sa amin ng ilang nadadaanan namin. Binati ko lang din sila pabalik.

Kasama ko pa rin sina Jade at Leana, talagang nakakasundo ko naman sila sa maraming bagay kaya ayos talaga ‘yon para sa akin.

Maya-maya lang ay nagstart na rin ang shoot. Kahit na nanliligaw ‘yang si Silas, hindi pa rin mawawala na nagtatalo kami sa ilang scenes na gusto niyang alisin at gusto ko namang manatili. Well, kapag wala naman na kami sa trabaho, nakakalimutan na namin ‘yon. Naging hobby na rin ata namin na mamasyal sa kung saan saan.

Naging abala naman na kaming dalawa sa kaniya-kaniyang trabaho.

“Ms. Iska, pwede pong pacheck?”tanong ng mga kasama ko. Dinouble check lang naman namin ang ilang lines. Nang matapos ay may oras pa naman para magpahinga, imbis na magbreak ay nanatili lang akong nakaupo sa upuan ko habang pinapanood ang shoot. Seryosong seryoso lang ang mukha ng manliligaw ko.

“Cut.”seryoso niyang saad. Huminto naman sila at sinabi kung anong mali. Sanay na sanay na talaga si Silas sa kaniyang ginagawa. Napangiti na lang din ako habang nanonood sa kanila.

“Take two. Ready, set, action.”sambit ni Silas.

Kung ang buhay ay parang shoot lang sa teleserye na pupwede kang umulit kapag nagkamali, sobrang ganda siguro. Baka lahat ng tao’y pa reshoot reshoot na lang. Take two kapag gustong itama ang kung ano.

Sa buhay naman kasi natin ngayon, hindi ganoon kadali. Kapag nagkamali ka na, hindi lahat ng tao nabibigyan ng second chance para ulitin kung saang parte kayo nagkamali o minsan hindi mo sigurado kung dapat pa bang umulit dahil baka masayang lang muli.

Hindi ko maiwasang isipin ang relasiyong mayroon kami ni Silas ngayon. Napatitig na lang ako sa kaniya habang seryoso lang siya sa trabaho. 

Hindi ko alam kung dapat pa ba, baka sa susunod na pagkakataon, may mali nanaman, baka maulit nanaman pero ganoon naman talaga ang buhay ng isang tao, paulit ulit tayong nagkakamali at doon naman tayo natututo.

Napatingin ako kaniya, pinagmamasdan ko lang ang mukha nito.

Should I gave it a try? Paano kung hindi nanaman kami magkaintindihan at dumating nanaman sa hiwalayan? Anong gagawin ko? Baka biglang magdesisyon nanaman ako agad.

Pero hindi ka na rin tulad ng dati, Iska. You are willing to stay more than anyone else now. 2 years is not that short. Kung saan man kayo nagkamali noon, natuto ka namang maghintay. Maghintay na paupain muna ang galit bago magdesisyon.

Napangiti ako nang sa pangalawang pagkakataon na umarte si Sonya at Dave, nagawa nilang mas iayos ang pagbibitiw ng mga linyang kailangan nilang sabihin.

And that’s when I realize na I should definitely give it a try. Proseso ng pagkatuto. ‘Yan ang buhay ng tao. Ano naman kung magkamali ka ulit? Basta you’re willing to be better, baka sakali. Silas. He’s worth the try. Susugal ulit ako…

“Hey, lalim naman niya.”gulat naman ako nang mapatingin kay Clark na siyang nasa set ngayon.

“Clark!”nakangiti kong sambit ng makita siya.

“Kumusta?”natatawa niyang tanong.

“Hmm, ayos naman, anong ginagawa mo rito?”nagtataka kong tanong.

“Binibisita ka, lagi mo akong tinatanggihan e!”natatawa niyang saad.

“Sorry, medyo busy lang talaga.”sabi ko pero ang totoo’y madalas kasi kaming magkasama ni Silas. Siya lang ‘tong gusto kong kasama.

“Pupwede ka ngayon? Lunch niyo naman, ‘di ba? Lunch tayo, treat ko.”aniya. Napalingon naman ako sa gawi ni Silas. Hindi man namin responsibilidad pero nakasanayan na naming laging sabay na kumain ng tanghali.

“Please…”nakangiting saad sa akin ni Clark. Napatango na lang din naman ako dahil do’n. Tinext ko na lang si Silas na hindi ako makakasabay sa kaniya. Sa kotse lang din kami ni Clark sumakay, kwentuhan lang tungkol sa kung ano ano. Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa may resto.

“So how was your trip to Baguio? Kita ko profile mo.”nakangiti niyang saad sa akin.

“It was fun, nangabayo kami.”nakangiti kong saad. Ang dami rin kaya naming ginawa ni Silas doon. Ang saya, gusto ko ulit ulitin.

“You’re with Direk Silas?”tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at tumango.

“Nice.”aniya at ngumiti sa akin.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain, nahinto ako dahil nagsalita siya.

“Iska.”seryosong seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapatikhim dahil do’n. Pakiramdam ko’y may seryoso ‘tong sasabihin, sa shoot pa lang ay alam ko na, hindi naman ako ganoon katanga para hindi mapansin. May trabaho rin ‘yong tao, hindi naman pupwede bigla bigla na lang siyang magpunta ng wala lang. 

“Uyy, bakit? Kinakabahan naman ako sa ganiyang tingin mo, fren.”ani ko sa kaniya.

“The first time I saw you I know you’re the one. Tagal na nito… akala ko huhupa rin pero patagal ng patagal, mas lalo lang lumalala...”aniya kaya agad akong napatikhim.

“Gusto kita, Iska… noon pa man.”sambit niya. Nakaawang lang naman ang mga labi ko, hindi rin alam kung anong sasabihin sa kaniya.

“You don’t have to answer it, I already know… siya pa rin, ‘di ba? After how many years, siya pa rin talaga…”aniya na tumawa pa kahit kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.

“I genuinely want to thank you… salamat sa kakaibang feelings na sa’yo ko lang naramdaman.”nakangiti niyang saad sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita, nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Natawa naman siya kahit ang totoo, wala naman talagang nakakatawa.

“Sorry…”sambit ko.

“Huwag kang magsorry, hindi mo naman kasalanang wala kang nararamdaman para sa akin.”nakangiti niyang saad. Hindi ko na tuloy magawa pang magpatuloy sa pagkain.

“Can I have a wish? Last na,”aniya sa akin.

“Sayang kasi ‘tong ticket na ‘to kung hindi magagamit… Baka lang gusto mo akong samahan.”aniya at ipinakita ang ticket for movies. May trabaho pa ako pero matagal ko ring naging kaibigan si Clark. Kahit paano’y nakakaguilty din na nireject ko ito. Nagtext lang ako kina Leana na hindi na ako makakapasok ngayong hapon.

Nagtungo naman na kami ni Clark sa isang mall pagkatapos naming kumain. Nanood lang kami ng movie. Medyo nalibang din naman ako sa panonood. Dapithapon na nang matapos kami.

Nakita ko naman siyang nakatingin sa arcade na nasa tapat lang din ng sinehan

“Do you want to go there?”nakangiti kong tanong sa kaniya. Napatango naman ito kaya sinenyasan ko siyang magtungo kami roon.

Tinext ko si Silas dahil baka hindi na ako makaabot pa, ayaw ko mamang bigla na lang indianin ‘to. Traffic pa man din dito sa manila.

Ako:

Can we cancel our date?

Ex/Suitor:

Okay.

Ako:

Galit ka ba?

Napanguso naman ako nang makitang walang reply galing dito.

“May plano ka ba ngayon? Sige na, okay na… nakanood naman na tayo. Thank you, Iska…”aniya sa akin.

“Hindi, ayos lang. Tara na.”sabi ko na hinila siya.

Halos ilanh oras din kami na naglalaro lang sa arcade, nang matapos ay nag-aya pa siyang magdinner. Pabalik balik ang tingin ko sa orasan kahit na cancel naman na talaga ang date namin ni Silas ngayon.

“Thank you, Iska…”sabi niya na nakangiti.

“For what?”tanong ko naman na nakataas ng kilay.

“For everything saka sa pagsama mo sa akin dito. Salamat.”aniya kaya ngumiti lang ako.

“Ayos lang no.”sabi ko at ngumiti.

“We are still friends, right?”tanong niya. Agad naman akong tumango.

“Oo naman.”sabi ko at ngumiti sa kaniya.

“Hatid na kita…”sambit niya ngunit umiling lang ako.

“May pupuntahan pa ako… ayos lang.”sabi ko. Hindi naman siya nagpumilit pa at tumango na lang sa akin.

“Thank you ulit.”aniya bago umalis.

Nang makaalis na siya’y napatingin ako sa phone ko ngunit agad ding nadisappoint ng walang text galing kay Silas.

Jade:

Te, why ka umalis? Bad trip tuloy si Direk hanggang matapos shoot, lagot yarn.

Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil sa text ni Jade. Hindi naman siguro ako ang dahilan ng pagkabadtrip ng isang ‘yon no? Ang assuming ko naman kung iisipin kong ako nga.

I was willing to answer him today so napagpasiyahan ko na ring magtungo sa bahay niya. Bahala na kung isipin nitong nanggugulo ako o ano, basta gusto ko lang siyang dalawin. Nang makarating doon ay agad ko siyang tinext although pinapapasok na ako ni Manong dahil kilala niya naman ako.

Ako:

I’m in front of your house.

Naupo lang ako sa may semento habang hinihintay siyang lumabas.

“Ma’am, pasok na po kayo, baka pagalitan ako ni Sir.”ani Manong sa akin.

“Hindi po ‘yan.”sabi ko naman kaya napailing ‘to sa akin.

“What are you doing here?”tanong ni Silas sa akin. Agad naman akong tumayo at malapad na ngumiti sa kaniya. Umalis na rin namansi Manong.

“Hi.”nakangiti kong saad.

“Why? Pangit ba date mo?”tanong niya.

“Is it boring kaya ka nandit—“hindi ko naman na siya pinagsalita pa.

“I love you.”ani ko. Nabitin sa ere ang mga gusto niyang itanong at napatingin sa akin na kunot ang noo.

“Stop joking like that, hindi nakakatuwa.”nakasimangot niyang saad kaya napatawa ako.

“I’m not joking, I really meant every words I’m saying.”sambit ko naman sa kaniya.

“I love you. I really do.”sabi ko na ngumiti pa sa kaniya. Kita ko naman ang hindi makapaniwalang tingin nito.

“Do you want to date me? I mean not the dinner date or what. Tayo na ganoon.”ani ko na nakangiti. Nakaawang lang ang mga labi niya at hindi talaga alam ang sasabihin. Napatawa naman ako ng mahina dahil do’n.

“I love you…”pabulong na saad niya bago ako hinalikan sa labi. Agad ko naman siyang tinulak nang matapos ‘yon dahil kita kong may audience pa kami. Bahagya naman akong nahiya dahil do’n. Natatawa naman akong tinago ni Silas sa kaniya.

“Are you for real?”tanong niya sa akin.

“Do I look like a joke?”natatawa ko namang tanong pabalik.

“I don’t think I can wait to ask you this but Iska… will you marry me?”tanong niya. Hinila pa ako papasok ng bahay niya dahil walang hawak na singsing.

“Kailan pa ‘to?”tanong ko na nakanguso.

“Hmm, I was planning to marry you years ago but things happen, now… I want to officially ask you out… I know it’s too fast but I really want to make you my wife.”sambit niya.

“Oo… gusto rin kitang pakasalan…”sambit ko naman. Nang mailagay niya ang singsing sa aking daliri, agad niya akong siniil ng halik sa mga labi… slow and passionate…

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now