Chapter 28

718 23 0
                                    

Chapter 28
Iska’s POV

Nang makita ko si Axel na papalapit sa akin, agad akong umiba ng ruta dahil paniguradong kikulitin nanamam ako nitong magpunta sa bahay nila.

“Hoy!”halos mapatalon ako sa gulat kay Niel.

“Gaga ka, bakit ka ba nanggugulat?”tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin. Natawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Bakit na nagtatago ka riyan kay Direk? May ginawa bang kung ano sa’yo? Resbakan natin?”tanong niya kaya naiiling na lang akong natawa.

“Wala. Ayos lang, tara na,”sambit ko at tinulak siya papasok sa office para magprint. Makikita ko rin naman si Axel mamaya pero mas okay na nasa trabaho siya dahil wala siyang time para mangulit, busy lang sa pakikipaglandian. 

Nang lumabas kami’y nagsstart na ang shoot, naniningkit ang mga mata nito sa akin kaya napatawa na lang ako. Alam niya rin naman kasing iniiwasan ko ang topic tungkol sa kapatid niya pero sa sobrang kulit niya, ‘yon ng ‘yon ang kaniyang binabanggit as if bukambibig niya na talaga si Silas simula nang hindi na ‘to dumadalaw para sunduin ako. Well, minsan ay nandiyan siya dahil si Axel ata ang nagpapasundo. Hindi ko rin naman kasi siya pinapansin dahil hindi niya ako pinapansin. Pataasan kami ng pride dito.

Okay lang naman sa akin ‘yon dahil nga nagmomove on na ako kahit sobrang hirap dahil almost everyday ko rin siyang nakikita.

“Huli ka.”ani Axel nang naglalunch na kami’t nanggugulo nanaman.

“Kumalman ka, Axel,  baka naman gusto mo akong bigyan ng payapang lunch?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Tumawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Arte nito, porket hindi lang kayo nag-uusap ni Si—“agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil inanarrate niya nanaman ang ganap sa buhay namin dalawa ni Silas.

“Miss ka na ni Mama, hindi mo pa rin ba siya dadalawin? Nagtatampo na ‘yon sa’yo.”aniya sa akin. 

It’s been almost a month simula ng hindi na kami mag-usap ni Silas. Pati sina Tita’y hindi ko na rin nadadalaw, hindi ko lang gustong makagulo at isa pa nagmomove on na ako kahit medyo mahirap dahil nasa iisang kumpanya lang kami. Minsan pa’y pinapapunta kami sa set nila.

Kay Tita naman, nakakausap ko pa rin naman siya sa call at text, madalas niya akong imbitahin na pumunta sa kanila. Minsan nga’y pinapapunta niya ako roon para raw icelebrate ang pagsibol ng bagong halaman niya. Naghanda raw siya kemerut, hindi ko alam kung talaga bang ganoon lang ang mayayaman o ano. Basta nasstress na lang ako kapag sinasabi niya ‘yon. Sobrang dami ko na ring naisip na palusot para lang takasan ‘yon.

“Saka miss ka na rin ni Silas.”ani Axel kaya masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kaniya. Patawa tawa naman ‘to dahil sa mukha ko.

“Wala ka pa rin bang balak kausapin? Nababaliw na ‘yon sa bahay, naaawa na ako.”sabi niya kaya napailing na lang ako. Sobrang oa kaya nitong si Axel kung magkwento. Kung ano ano ang dinadagdag.

“Seryoso nga kasi, kausapin mo na. Miss ka na talaga no’n.”aniya sa akin. Napangiwi naman ako, paanong mamimiss e may girlfriend na nga siya.

Kasama na si Ms. Eva sa writer sa set nila or should I say si Ms. Mint? Kapag naroon ako’y kita ko kung paano sila maglampungan. Naiirita lang ako kapag naalala ko. Bakit na ako naiirita? Wala naman akong karapatan.

“Iska, ganiyan ka lang.”sambit ni Axel sa akin na nakangisi kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Ang gago’y pinunasan ang gilid ng labi kp gamit ang kaniyang mga daliri. Kung hindi rin ba naman dugyot. Mamaya’y kung saan saan niya pa hinawak ‘yang kamay niya. May tissue naman parang tanga. Handa na akong sipain ‘tsaka saktan siya ngunit nakarinig ako ng tikhim mula sa gilid.

“Oh, hi, my lil bro! What brought you here?”nakangising saad ni Axel kay Silas. Hindi ko naman magawang lingunin ‘to, nagkunwari na lang akong abala sa pagkain.

“Mr. Tan wants to treat your team a lunch but it seems you already ate.”dinig kong sambit niya.

“Ahh, hindi pa. Itong si Iska lang naman ang maaga kung maglunch, hindi kasi kumakain ng umagahan.”napakachismoso talaga. Kay Niel ko ‘yon sinabi, napaghahalataang nakikinig sa usapan.

Hindi ko naman narinig ang tinig ni Silas, si Axel lang ang maingay na sobrang daming sinasabi. Ramdam ko naman ang lakas ng tibok ng puso habang kumakain lang naman. Hindi ko alam kung masiyado na ba akong nagiging assuming o ano pero pakiramdam ko kasi’y nakatingin sa akin si Silas. Hindi ko tuloy mapigilang maconscious sa galaw ko. Doble doble tuloy ang kaba ko. Parang sira.

“Oh, naghahanap pa kayo ng extra’ng production assistant for this week?”tanong ni Axel. Pasimple naman akong tumayo dahil alam ko na agad kahihinatnan nito. Ready na akong umalis at magpunta sa abalang sina Niel nang hilain ako ni Axel.

“Si Iska pwede.”aniya.

“Huh? Marami akong inaasikaso rito, Direk,”masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.

“Hindi ka namin kailangan dito.”gago.

Gusto kong manakit. Nanggigil talaga ako sa Kuya ng crush ko.

“Is it okay?”tanong sa akin ni Silas. Sa mahigit isang buwan ata’y ito na ang pinakamahaba niyang tinanong. Nakita ko na lang ang sariling napapatango dahil sa tinig niya.

“Tara.”aniya kaya nahinto ako.

“Huh? Ngayon na?”hindi ko mapigilang magulat. Pasensiya, medyo lutang lang. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Silas. May mga napapatingin pa sa amin dahil kalat naman na ex ko siya. Mayroon pa nga akong mga narinig na nagsasabing paglalaruan lang daw talaga ako nito, ganito ganiyan. Hinahayaan ko na lang din dahil ano pa nga bang dapat kong gawin? Alangan naman patulan ko pa? Mas lalo lang lalala kung sakali.

Habang nasa kotse niya, parang mamamatay na lang ako sa katahimikan naming dalawa. Hindi siya nagsasalita kaya hindi rin ako. Tahimik lang akong nakatingin sa may bintana.

Napatingin lang ako sa kaniya nang makitang huminto kami sa isang café.

“I’ll just buy something.”aniya kaya napatango na lang ako. Tahimim lang ako habang pinapanood siyang nagtungo sa café. Sobrang weird talaga ng set up namin ngayon, I mean hindi naman talaga kami mag-ex pero kung itrato namin ang isa’t isa parang ex na hindi ka pa talaga nakakamove on. Ewan ko ba, assumera ako e.

Maya-maya lang ay nakita ko siyang may bitbit na ilang boxes. Napagpasiyahan ko namang bumaba para pagbuksan siya ng pinto dahil nga sa sobrang dami niyang dala. Hindi ako nagtanong kung para saan, baka mamaya’y pilosopohin ako at isagot na para sa tiyan.

Nang makarating kami sa set ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang dami niyang dala kaya kinuha ko ang iba ngunit  iniabot niya lang ang isang box na medyo iba sa lahat.

“That’s one for you.”aniya bago nagsimulang maglakad muli papasok sa loob. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa box, hindi ko alam kung paano ako magrereact. Ang tagal ko tuloy nakatayo roon. Nagising lang sa malalim na pag-iisip nang makita ako ni Ms. Baltazar.

“Anong ginagawa mo rito, Iska?”tanong niya sa akin. Mabait naman na ‘to, masungit lang pala talaga siya sa nga newbie kaya ganoon.

“Mr. Herrera said that he needed another PA po.”sambit ko naman. Naguguluhan naman siyang napatingin sa akin.

“Ahh. Oo.”aniya na tumango tango pa.

“Tara na sa loob.”sambit niya pa kaya tumango na ako patungo sa loob. Kita ko naman ang ilang tingin sa akin ng mga tao sa loob. Well, kay Ms. Baltazar na lang ako sumunod. May ilan din naman akong kilala rito dahil nga ilang beses din nilang kinakailangan ng mga PA. Wala nga lang si Niel ngayon dahil hindi ‘yon tinatantanan ng kupal na direktor sa set.

“Pahelp ako sa pagprint ng script, Iska, okay lang ba?”tanong sa akin ni Ms. Mint. Agad naman akong tumango sa kaniya at sumunod. Malapad lang ang naging ngiti ko dahil bet na bet ko talaga si Ms. Mint.

“I red your manuscript last week, ang ganda bg plot. You should try submitting that here in Media star, I’m sure na may potential ka.”aniya sa akin at ngumiti. Ngumiti lang naman ako sa kaniya. Ilang beses na rin akong nareject but I won’t stop there. Nandito na ako e. Malapit na, kaunting kembot na lang.

“I told you to revise this, Mint!”napatingin naman kami na sumigaw na si Ms. Eva. Natahimik naman kaming parehas. Agad tumaas ang kilay niya nang mapatingin sa amin. Hindi naman na siya nagkunwari pang mabait o ano. Agad niyang sinugod si Ms. Miny habang pinupunit ang ilang papel na may laman atang script.

“I want it to be perfect, ano bang hindi mo naiintindihan doon?”galit na tanong niya. Masamang tingin pa ang ibinigay niya sa kay Ms. Mint na hindi nagsalita.

“You’re fucking annoying!”aniya na hinila pa ang buhok ni Ms. Mint ngunit agad ko ring nahila ang kamay niya kaya halos maout of balance siya.

“You can ask nicely, Eva.”wala ng galangan dahil bastos din naman siya.

“What did you say? Ang kapal naman ng mukha mong makialam!”sambit niya na masama rin ang tingin sa akin. Kakalmutin niya na sana ako ngunit agad ko ring nailagan. Magaling ako e. Hindi ko naman na siya hinayaan pang makalapit. 

“Nandito ka nanaman. Napaghahalataan ka masiyado. Ex ka na nga, habol ka pa rin ng habol.”ani Eva sa akin bago niya ako tinulak. May lahi ba siyang pusher? This past few months unti-unti na talaga akong nawawalan ng respeto sa kaniya. I like her a lot e. Hindi ko alam kung dahil ba selos ako sa kaniya kaya ganito pero I don’t think so. Noon naman kahit anong pagseselos ko na siya ‘tong gusto ni Silas, mataas pa rin ang tingin ko sa kaniya.

Binigyan niya pa ulit kami ng masamang tingin ni Ms. Mint bago siya padabog na lumabas. Halos sabay kaming napabuntong hininga ni Ms. Mint roon kaya parehas na lang din kaming natawa.

Nagpatuloy na lang din kami sa trabaho, hindi na namin hinayaan na maapektuhan pa kami ni Eva. Nang matapos kaming magprint ay lumabas na rin ng office. Pinamigay ko lang ang ilang naprint. Nang madaan ako sa gawi ni Eva at Silas. Kita ko kung paano sila maglampungan.

“Cup of coffee, Iska, please.”mabait niyang saad habang nakalingkis kay Silas na nakatingin sa screen. Tumango lang ako kaysa naman manggigil ako sa kaniya, ‘di ba? Baka biglang maibuhos ko sa kaniya ang coffee.

“And one piece of cake, Iska.”dagdag niya pa.

“How about you, babe, what do you want?”dinig ko pa ang lambing ng tono niya habang tinatanong si Silas. Babe. Palihim naman akong nagmemake face. Hindi ko alam kung sa tinig ba ako nito iritado o sa kaniya lang talaga mismo. Naiinis na rin ako sa aking sarili dahil hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito gayong kalmante akong tao.

“I’m fine,”sambit naman ni Silas. Hindi ko naman siya nililingon. Naghihintay lang ako na senyasan na nilang umalis. Maya-maya lang ay nagtungo na ako sa labas para bilhin ‘yon.

Nang makabalik ay kita kong halos kumandong na si Eva kay Silas. Bahagya naman akong napasimangot habang nakatingin sa kanila. Well, hindi ko naman mapigil ang pagkaselos ako. Iniwas ko na lang din ang tingin. Dinig ko pa ang halalhak ni Eva habang may pahampas hampas pa kay Silas. Dire-diretso lang naman akong lumapit bago ko iniabot ang coffee sa kaniya.

“Oh, thanks.”nakangiti niyang saad sa akin. Kita ko naman ang tingin sa akin ni Silas. Malamig ko lang din siyang tinignan pabalik bago ko sila tinalikuran. Napakuyom na lang ako ng kamao dahil ramdam na ramdam ko ang kirot.

When I said na the best way ng isang babae na gusto ka niya is to make her jealous, mali pala ako, it just make me feel small, para bang may kulang sa’yo kaya kailanman hindi ka magugustuhan, kaya may ibang babaeng kasama dahil hindi ka sa sapat. It just make you think na hinding hindi ka aamin kung ganoon.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon