Chapter 38

835 24 0
                                    

Chapter 38
Iska’s POV

Si Silas ‘yong greatest what if ko. Paano kung hinintay ko lang humupa ‘yong galit ko noon? Dadating kaya kami sa puntong maghihiwalayan? Hindi ko rin alam. Sana naghintay pala ako.

I know how fuck up my decision that time. Masiyadong mabilis, pakiramdam ko’y hindi ko naman talaga pinag-isipang mabuti.

Sabi ko hindi siya nagtitiwala sa kakayahan ko pero ang totoo baka ako talaga ang hindi nagtitiwala sa sarili. I mean bakit ba sobrang sarado ng isip ko noong mga panahon na ‘yon? Bakit ba masiyado akong nakapokus na dahil lang sa kaniya kaya ako nakarating doon kahit na ang totoo hindi naman talaga nila tatanggapin ang manuscript dahil lang may humiling na nakatataas. Sobrang tanga ko lang. 

But minsan naiisip ko na siguro tama lang din, hindi naman ako maggogrow ng ganito kung hindi ko ginawa ‘yong mga desisyon na ‘yon. Ewan ko rin.

“Ate, ayos ka lang? Lalim naman niyan.”sabi sa akin ni Chico nang mapansin niyang nakatulala lang ako.

“Ayos lang. Tara na? Sasama ka pa po talaga, Ma? Ayos lang naman na huwag na.”sambit ko kay Mama dahil tutungo na ako sa condo ngayon. Ang tagal ko ring namalagi dito sa bahay, namamasiyal lang din dito sa laguna.

Aayusin ko na ngayon ang mga gamit ko sa condo para sa susunod na linggo ay ayos na lahat. Sarili ko na lang talaga ang kailangan. Isa pa kailangan ko talagang magtungo sa manila ngayon dahil sa premiere night ng isang movie. Ayaw ko sanang magpunta kaya lang ay inimbita ako ni Ms. Sumilang and ito ang kauna-unahan ko ulit na makikita ang ilang makakatrabaho. Iniisip ko pa lang ay napaagod na agad ako.

Si Chico ang gumagamit ng condo na ‘yon habang nag-aaral siya, ngayon ay kami ng dalawa. Malapit lang kasi sa pagtatrabahuan ko ‘yon.

“Bakit ba parang ayaw mo akong pasamahin, Iska? Pupunta rin ako sa event ng orphanage na gaganapin dito sa manila.”sambit niya kaya napatango na lang ako.

Sumakay naman na ako sa kotse ko at hinintay lang sila. Hindi naman yayamanin ang kotseng meron ako, basta mayroon ay ayos na. Basta madadala ako sa destinasiyon ko.

Nang makarating kami sa condo, nag-umpisa agad ako sa pag-aayos sa kung ano ang mga kulang. Si Mama’y talaga ngang dumeretso sa event ng orphanage habang ako naman ay naging abala na sa paghahanap ng kulang dito sa kwarto.

“Ate, saan ka pupunta?”tanong sa akin ni Chico nang makita niya akong palabas ng condo.

“Bibili ng grocery, sasama ka?”tanong ko sa kaniya. Mabilis naman siyang tumango at nag-ayos sandali bago sumunod sa akin.

“Te, tignan mo ‘tong girlfriend ni Kuya Si.”ani Chico habang nakasunod na tulak tulak ang cart. Pinakita niya pa ang litrato ni Eva at Silas. Nakalingkis ang kamay ni Eva sa kaniya habang malapad ang ngiti. Bago pa nakita ‘to ni Chico, nakita ko na ‘yan.

Hindi ko alam kung si Eva ba at Silas but if they were together ano namang say ko? Napakibit na lang ako ng balikat kay Chico ay kinuha na ang cart sa kaniya.

“Te, ngiti ka.”aniya na tinapat pa ang camera sa akin.

“Susuntukin kita riyan.”sambit ko sa kaniya.

“Sige na, isa lang e.”aniya naman kaya napairap na lang ako at ngumiti sa camera. Malapad naman ang naging ngisi niya roon. Noon pa man ay fan na ng social media ‘yang si Chico, post dito post riyan.

“Te, send ko kay Kuya ahh? Inggitin ko lang.”aniya kaya tumango na lang ako. Isip bata pa rin kahit kailan.

Dadaanan ko na sana siya ngunit nahinto nang makitang sa isang pamilyar na profilw picture niya sinend ang picture ko.

‘Hi, Kuys, dito na kami sa manila ni Ate, hindi mo man lang ba siya kukumustahin? Hahaha. Chix na ‘to, magsisisi kang binitawan mo.’

Hahablutin ko na sana ang phone niya sa sobrang kaba kaya lang ay agad na napindot niya ang send.

“Gago?”patanong na saad ko.

“Nagpaalam ako sa’yo. Tumango ka.”natatawa niyang saad habang nananakbo na tulak ang cart. Gusto ko siyang kurutin ngunit nakalayo na agad siya sa akim.

“Gago ka talaga, Chase Federico.”masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kaniya habang nagpipeace sign siya. Pakiramdam ko’y umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa sobrang hiya. Parang sira kasi ‘tong kapatid ko. Nakakahiya tuloy. Nailing na lang akong naglakad paalis. Mamaya ‘yang Chico na ‘yan sa akin.

Para kaming tangang nag-aaway hanggang sa makauwi. New hobby na ata ng isang ‘to na asarin ako. Sarap konyotan. Nakakainis.

Pasalamat siya’y tinulungan niya akong mag-ayos ng kwarto kung hindi ay talagang walang pansinan na magaganap. 

“Siguraduhin mo lang na hindi ‘yan mababasa, gago ka.”sambit ko kahit na alam ko naman na nag-uusap pa rin sila ni Silas hanggang ngayon. Kahit no’ng naghiwalay kami’y nagkakausap pa rin sila. Noong una nga lang ay galit si Chico ngunit nang ipaliwanag ko na ako rin ang may kasalanan, humingi rin siya ng sorry. Then ‘yon ayos naman sila. Nakakausap ko pa rin si Tita at si Axel, siya lang talaga ang hindi. Hindi talaga kami nagkakasalubong ng landas o ano.

But we’re still friends on soci media. Hindi siya palapost dati pero nakikita ko siyang nagpopost ng litrato niya sa private account niya sa ig. Nagiging liker na nga ako no’n e. Well, hindi ko alam kung way ko lang ba para magpapansin ‘yon o ano.

“Ate, mamaya mo na isipin si Kuya Si, tapusin na natin ‘to.”inirapan ko lang siya dahil sa kaniyang tinuran. Epal talaga.

Ang dami rin naming ginawa ng araw na ‘yon, pati ilang furniture sa kwarto’y inayos na rin namin. Pati tv para sa sala ay bumili na rin kami para kapag magmomovie marathon o ano.

Nang gabi naman ay sinubukan kong magsulat na siyang inabot na mg alauna kaya naman late na akong nakatulog. Kaya lang ay kakasikat pa lang ng araw, nakarinig na ako ng gising mula kay Mama.

“Iska, bumangon ka na riyan, hindi ba’t may trabaho ka ngayon?”tanong ni Mama sa akin nang makitang nakahilata pa rin ako sa kama dahil sa pagod at puyat na rin.

“Next week pa magsisimula ang trabaho ko, Ma…”sambit ko naman at nagtalukbong pa ng kumot para hindi na ako guluhin pa nito bgunit hindi pa rin siya nakontento at niyugyog pa ako ng kaunti. Hindi ko naman maiwasang mapakamot dahil do’n.

“Nako, Iska, dapat ay ginagamit mo ‘yang pagiging kilala mo ngayon, sa susunod ay malalaos ka na rin.”ani Mama kaya inalis ko ang pagkakatakip at sinimangutan siya.

“Ma! Ang aga aga!”iritado kong saad at tinakpan na lang ang tainga. Dinig ko pa rin ang sermon niya ngunit hindi ko na lang pinansin at ginamit na lang bilang heleng pampatulog sa akin.

Alam kong bungangera si Mama at lagi’y pagiging practical ang mindset. Madalas kaming mag-away noon pa dahil do’n. Sa ngayon, ganoon pa rin.

Pagkauwi ko rito sa pilipinas ay ganoon pa rin, kahit tingin ng lahat ay successful na ako, iba ang tingin niya, dapat daw ay mas paghusayan ko pa. After years of being abroad, nakapagpublish ako ng mga libro, ang ilan ay naging movies pa ngunit hindi naman din kasi lahat ay mananatili lang na ganoon.

Nagising ako sa tawag nanaman ni Mama, kakasabi ko lang na next week pa ako magtatrabaho.

“Iska, may premiere night kang dadaluhan, hindi ba? Ano pang ginagawa mo riyan, aba?”tanong ni Mama sa akin.

Well, hindi ko namalayan na late na rin pala. Mabuti na lang ay pinaalala niya dahil nakalimutan ko ‘yon.

“Hoy, Chico,”halos mapatalon naman sa gulat ang kapatid kong si Chico. Malapad naman ang ngisi ko nang makitang may katawagan siya sa phone.

“Si Ate naman parang sira!”reklamo niya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

“Aba’t kaya pala kapag tinawatagan kita, hindi ka available, susumbong kita kay Mama.”sambit ko sa kaniya at ngumisi pa. Sigaw naman ‘to ng sigaw kaya hindi ko na pinansin. Aba’t tagal niya ng nililigawan ‘yon, hindi pa rin ata siya sinasagot.

Kumain muna ako bago ako naligo at nag-ayos na. I just wore my usual look. Black top with vintage blazer and a vinatage pants pagkatapos ay sinuot ko ang pumps, ngayon ko lang ‘to maisusuot muli dahil hindi naman ako madalas magsuot ng ganito. This night is just extra special. Kahit hindi ko sabihin, alam ko sa sarili kong gusto ko pa rin siyang makita.

Sumakay lang ako sa kotse ko at nagtungo na sa pagdadaungan ng event. Nang makarating do’n ay agad akong sinalubong ng mga security at iginiya sa loob ng sinehan.

“Ms. Sumilang! I’m glad you’re here!”nagawa pang makipagbeso sa akin ng isang producer na noon lang kung tratuhin ako’y parang isang alipin. Plastik na lang akong ngumiti sa kaniya bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Marami pa ang bumati ngunit ngiti lang ang naisukli ko dahil hindi ko mahanap ang uupuan ko.

“Good evening, Ms. Sumilang.”nakangiting saad sa akin ng isang producer nang maupo ako. Katabi ko lang kasi ang upuan nito.

“Oh, Mr. Abadilla! Ikaw pala!”bati ko sa kaniya. Makakatrabaho ko ‘to sa kauna-unahang movie na ako ang magsusulat dito sa pilipinas ngayong nagbalik na ako.

“I watched your films, ang gaganda lalo na ng story line, I’m a fan.”anang katabi nito.

“Wow… thanks po.”nakangiti ko ring saad pabalik. Unti-unti lang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko kung sino ang naglalakad patungo sa harap na upuan. Hindi ko akalain na makikita ko ito agad, bahagya akong nahiya lalo na nang maalala ko ang ganap kahapon. Sana’y hindi niya nabasa.

Expected ko na na makikita siyang may kasamang babae at expected ko na rin na hindi niya ako papansinin ngunit nang makitang napatingin siya sa gawi ko kaya lang ay parang walang nakita, para pa rin pala akong binuhasan ng malamig na yelo. Of course, Iska, anong ineexpect mo? Na salubungin ka niya ng mainit na yakap pagkatapos mo siyang iwan?

Nang ipakilala siya bilang director ng movie, hindi na ako nagtaka nang marinig ang palakpakan ng mga tao para sa kaniya. He’s still the old Silas na kinagigiliwan ng lahat. A real legend.

Tahimik na ako buong movie kahit na kinakausap ako ng mga masa gilid ko. Nang matapos ‘yon ay naharang pa ako ng ilang hindi ko naman kilala.

“Ms. Iska! Omg! I’m a fan! Ang gaganda ng mga movies mo!”anang isang mukhang artista. Pagod na agad ako sa pakikipag-usap sa mga ‘to. I mean I can still remember how they treat me back then, ngayon ko lang talaga napagtanto na kapag may kapangyarihan ka, they will treat you right. That’s how important power is.

“Baka gusto mong sumama sa amin? After party!”nakangiti namang saad no’ng isa pa.

“Hmm, I’m sorry but I really need to go today… next time…”sambit ko at nginitian sila.

Marami pang nagtanong sa akin ngunit nawalan na ako ng gana lalo na nang makasalubong pa ang dalawang taong iniiwasan ko.

“Oh, hi, Iska, long time no see…”nakangising saad ni Eva habang nakalingkis ang mga kamay sa braso ni Silas. Ako dapat ‘yan e.

“Hi, how’s life?”nakangiti ko rin namang balik sa kaniya. I won’t let anyone see ny weakness.

“Hmm, I’m completely fine!”aniya na ipinapahiwatig pa na sa kaniya si Silas.

“Oh, good to know. I need to go.”paalam ko pa sa kanila na hindi pa rin tinitignan si Silas na ramdam kong malamig lang akong tinitignan.

“Mukhang madami kang kailangang gawin, that’s because of Silas, right?”nakangisi niyang saad. Kumuyom lang ang kamao ko at nginitian na lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad.

At kung minamalas ka pa nga, natapilok pa ako sa punyetang pumps na ‘to. Iritado ko na lang na inalis ‘yon, bakit kasi pumunta ka pa, Iska? Kung hindi ka ba naman tanga.

Patungo na ako sa sasakyan ko nang may humawak sa palapulsuhan ko.

“Bakit bumalik ka pa?”mariin niyang tanong. Ang malamig na kulay abong na mga mata nito’y nanatili lang ang tingin sa akin.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon