Chapter 34

743 22 0
                                    

Chapter 34
Iska’s POV

“Good morning din, Ma’am Iska.”bati sa akin ng ilang nadaanan ko. Kahit na medyo matagal na rin ako rito sa set. Hindi ko pa rin magawang masanay sa ‘Ma’am Iska’ nila. ‘Yong iba kasi’y nakasama ko na rin sa trabaho noon pa. Noong una nga’y ang susungit pa sa akin tapos ngayon ay todo kung bumati.

Ilang na lang akong ngumiti bago nagpatuloy sa paglalakad para magtungo sa gawi nina Direk. I was working with Direk Kate, sobrang saya ko nang malaman na siya ang makakatrabaho dahil hangang hanga ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin, mas lalo pa nga ata dahil talagang magaling siya. She was really strict pero kahit na ganoon, close niya pa rin ang ilang artista na nandito.

“Ms. Sumiling, pinapatawag po kayo ni Ms. Kate.”ani Marjorie sa akin. Ngumiti lang naman ako bago ako tumango kay Direk Kate.

“Good morning po, Direk.”bati ko sa kaniya.

“Good morning din, Hija.”nginitian niya ako at sinenyasan na maupo sa tabi niya.

“I really want to change this scene, medyo gloomy kasi kumpara sa pinapakita natin so what do you think?”she asked nicely. Pinanood ko naman ang sinasabi niya, I easily come up with an idea kaya agad niya akong pinuri.

“You are really good. I would like to work with you again, Iska.”aniya sa akin. Grabe namang compliment ‘yon, nakakakilig. Hindi ko mapigil ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

“Thank you po, Direk. It will always my pleasure po.”sambit ko sa kaniya, naging maganda naman ang ngiti niya sa akin. She’s not hard to work with, kapag may mga pinapabago siya’y maayos niyang sinasabi and I know it’s for the better naman.

Kinuha ko na ang phone ko dahil tapos na ang shoot at itetext ko na sana si Silas kaya lang ay nahinto ako nang makarinig ng tsismisan mula sa mga production assistant dito sa set.

“Sus, kaya lang naman ‘yan nandito dahil sa boyfriend niya.”dinig kong sambit ni Marjorie.

“True lang, wala naman talagang talent, ginamit lang talaga si Direk Silas. If I know baka nilakad lang ‘yan.”anila. Agad ko naman napagtanto na ako ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi ko naman maiwasang mapangisi roon. People really want what worst for you no? Hindi nila gusto kapag naaangatan mo sila. Gusto’y lagi ka lang nasa baba. That’s one of a hell fuck up mindset.

Hindi ko na lang pinansin pa dahil maiinis lang ako. Alam ko naman ang totoo. Ginawa ko ang lahat para sa kung nasaan ako ngayon. Wala akong tinapakan na ibang tao. I won’t let their words affect me.

“Hi,”nakangiti na agad ako habang binabati si Silas mula sa telepono.

“Hmm, tapos na shoot niyo? I’ll be right there. Kakatapos lang ng amin.”aniya sa akin.

“Okay, hintayin kita. Take your time, dinner tayo.”sambit ko sa kaniya.

“Hmm, where? Bataan?”tanong niya kaya napairap na lang ako at bahagyang natawa.

“Ewan ko sa’yo, dito lang. Grabe, sinusulit mo talaga ‘yang pagiging pilot mo no? Dinner lang, bataan pa gusto.”naiiling kong saad. Napatawa rin siya sa akin dahil do’n. Ang hilig niya akong ayain ng random dates tapos kung saan saan na kami napupunta. Hindi naman ako nagrereklamo dahil sumasama rin naman ako kaya lang pagkauwi namin ay pagod na pagod lalo na siya. Hindi nauubusan ng enerhiya ‘yon e.

Maya-maya lang ay sinalubong niya ako ng halik. Natatawa ko naman siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

“Ang landi mo. Nakakahiya kay Manong.”sambit ko dahil nakatingin si Manong Guard sa amin. Napatawa naman siya dahil sa tinuran ko.

“Sasalubungin niya rin naman ng lambing ang asawa niya mamaya.”aniya bago hinapit ang baywang ko. Napatawa naman ako habang naglalakad patungo sa kotse niya.

“Sira ka ba? Walang jowa si Manong. Matandang binata na ‘yon.”inirapan ko pa siya kaya napanguso lang siya habang inalalayan akong pumasok sa kotse niya.

“How’s your day? Bakit nag-aayaya ng dinner?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.

“Direk Kate said that she really wants to work with me again.”nakangiti kong saad. Napangiti naman siya dahil do’n.

“Of course, sino namang hindi ka gustong makatrabaho? You’re good kaya.”aniya sa akin bago ginulo ang buhok ko. Napangiti na lang din ako. Bolero talaga bf ko.

“How about me? Ayaw mo ba akong makatrabaho? Come on, let’s make a movie together.”pangungulit niya naman sa akin. Noon pa man ay gusto niya na kaming gumawa ng film together but I want to make my name first, ayaw kong makarinig ng kung ano sa ibang tao although kahit naman anong gawin ko ay ganoon pa rin sila mag-isip.

“Saan tayo?”tanong niya sa akin.

“Wala si Kuya Axel, ‘di ba? Sa bahay niyo na lang, walang kasama si Tita magdinner.”sambit ko sa kaniya. Napangiti naman siya roon at pumayag lang din sa gusto kong mangyari.

Sobrang weird no’ng unang beses kong tinawag na Kuya Axel si Kuya Axel, parang may dumaang anghel pa noon bago kami nagtawanan. Para kasing sira si Silas. Hindi niya ako tinigilan hangga’t hindi ko tinatawag na Kuya si Kuya Axel.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa bahay ni Tita. Abala ito sa pagluluto, ito naman ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Balak niya na raw magtayo ng restaurant, parang noong nakaraan lang ay gusto niyang magtayo ng flower shop.

“Oh! Why didn’t you tell me na dito pala kayo kakain?! Edi sana’y dinagdagan ko ang niluto ko.”sabi niya na napanguso. Ang dami niya na kayang niluto. Akala mo’y fiesta kahit siya lang naman ang kakain.

“This is not for me, magbibigay ako ng pagkain sa mga bata sa kalye.”aniya na tila ba nababasa ang naiisip namin. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil do’n. ‘Yon ang kinaabalahan niya ngayon. She’s enjoying helping others. Makikita mong sobrang totoo ng mga ngiti niya sa labi.

Our dinner became really smooth. Masarap ang luto ni Tita, she’s really this past few months, she finally have her peace of mind.

“Ehem, manliligaw mo, Leo.”nakangisi kong saad kay Leo nang makita ko na nasa labas si Pulo. Ako naman ‘tong malakas mang-asar sa kaniya, bawi bawi lang. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Imbis na bumangon ay mas lalo lang siyang nagtalukbong gamit ang kumot niya.

“Nandiyan si Leo?”tanong ni Pulo nang makita niya si Esme na palabas ng apartment.

“Wala raw siya sabi niya.”sambit nito bago nagpatuloy sa pagpunta sa baba, bibili ng ulam. Hindi ko naman maiwasan ang mapahagalpak ng tawa dahil do’n.

“Fuck you, Esme!”impit ang tili ni Leo dahil pinapanood niya rin talaga sa bintana ang gagawin ni Esme.

Tawang tawa naman ako habang nag-aayos ng damit.

“Parang sira kasi. Nakakayamot kayo, alam niyo ‘yon?”inis niyang sambit na masama ang tingin sa akin.

“What? Wala akong ginawa. Si Esme ang kausap.”natatawa kong saad sa kaniya. Kita kong pulang pula ang mukha niya. Natawa na lang akong lumabas ng apartment dahil nandito na rin si Silas.

“Good luck kung masuyo mo.”natatawa kong sambit kay Pulo na mukhang tanga sa harap ng pinto ng apartment. Buti nga’y nakakatapak na sila dito sa may taas e.

“Ano nanamang ginawang kasalanan niyan?”tanong ni Silas dahil kitang sobrang dami nitong bitbit na bulaklak. Natatawa niya pa ‘tong inasar ngunit nakatanggap lang siya ng dirty finger sa kaibigan na hindi alam kung anong gagawin.

“Bye, take care, I love you.”aniya niya sa akin nang maihatid ako sa may set. Nginitian ko naman siya. Hinalikan niya lang ako sa aking labi bago nagpaalam.

“Ingat ka!”ani ko na nginitian siya bago kumaway. Umalis na rin naman siya dahil may shoot din sila. Ayaw niya rin talagang nalelate.

Papasok na ako sa set nang makita ko si Eva na nakatayo sa gilid. Kahit inis ako sa kaniya ay binati ko lang siya bago dire-diretso sa pagpasok ngunit agad siyang nagsalita.

“You know, you’re really shameless no?”tanong niya sa akin. Hindi ba’t dapat sa kaniya ‘yon sinasabi?

Ayaw ko na sana siyang balingan pa ng tingin ngunit hindi niya ako pinalagpas.

“Hindi ka man lang ba nahihiya na dahil lang sa boyfriend mo kaya nakuha ang manuscript mo?”tanong niya sa akin na nakataas ang kilay. Gusto ko siyang sumbatan na bakit siya? Hindi ba siya nahihiya na nagtetake siya ng credits sa gawa ng ibang tao? But I know na mapapahamak ko si Ms. Mint kaya hindi ko na sinabi pa.

“Tapos ka na ba?”tanong ko sa kaniya. Wala akong panahon para makinig sa mga hinanakit nito sa buhay. Masiyado rin akong busy para roon.

“Kung tapos ka na aalis na ako.”sabi ko na maglalakad na ngunit nahinto ng sumigaw siya.

“Do you even know that Silas ask Ms. Sumera to read your works? He was the reason kung bakit ka nandiyan kaya huwag kang magmataas na para bang ikaw ang dahilan kung bakit nasa tuktok ka ngayon.”aniya sa akin. Napatawa naman ako sa kaniyang tinuran. I don’t really have time for her bullshits right now. Nauto niya ako noon, hindi niya na magagawa pa ngayon.

I trust Si, I know he won’t do that, alam kong mahal niya ako pero hindi siya aabot sa puntong ‘yon dahil may tiwala siya sa kakayahan ko.

Nilagpasan ko lang siya at hindi na pinansin pa ang mga walang katuturan niyang sinasabi. Naging abala naman na ako sa trabaho kalaunan. Sinusubukan kong mas makatulong pa kina Direk para naman hindi ako pabigat dito.

“Iska, Ms. Sumera wants to talk with you, gusto ka na atang bigyan ng exclusive contract.”sambit sa akin ni Marjorie. Tunog bitter pa siya ng sabihin ‘yon but I don’t have time to mind. Masiyado akong masaya para iproseso ang sinabi niya. Totoo ba? Baka naman jinojoke lang ako?

“Naghihintay na siya.”sabi niya kaya napatango na lang ako at naglakad patungo sa meeting area dito sa media star. Ang president na si Ms. Sumera ang madalas na nakakausap ng lahat dito.

“Good afternoon, Hija, pasensiya ka na kung biglaan ka naming pinatawag.”aniya sa akin habang nakangiti. Umiling naman ako roon binalik din ang ngiti niya sa akin.

“Good afternoon din po.”bati ko.

“I would like to give you an offer, Ms. Sumilang.”aniya at pinakita ang exclusive contract. Totoo nga! Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa habang pinagmamasdan ‘yon.

Diniscuss niya ang laman ng contract at ang mga benefits nito sa akin. Nakikinig lang naman ako sa lahat. Maya-maya lang ay iniabot niya ‘yon sa akin.

“Think about it, let’s talk again next time.”aniya na nginitian ako. Tumango naman ako at tinanggap ang contract.

“You’re very talented, Hija, sana’y tanggapin mo ang offer, we would like to work with you for a very long time.”nginitian ko rin siya pabalik do’n. Gusto ko ang offer pero may mga bagay pa na dapat pag-isipan ng mabuti.

“You have a very supportive boyfriend, Hija.”sambit niya bigla sa akin na malapad ang ngiti. Napangiti rin ako roon. Sobra. Sobra kayang supportive ni Silas. Naalala kong after niyang malaman na natanggap ang manuscript ko rito sa media star, kahit na nasa gitna kami ng kawalan, may biglang cake na dumating. Tapos noong unang araw ko sa trabaho, talagang may dala dala siyang donut para icongrats ako. Wala na akong hihilingin pa sa boyfriend ko.

Mabait si Ms. Sumera, friendly kaya nadadaan niya roon ang ilang artistang nandito ngayon sa media star.

“Mabuti na lang ay sinend niya sa amin ang manuscript mo! Kung hindi’y baka tinutulugan pa rin namin ang talento mo.”aniya. Agad na bumagsak ang ngiti sa aking mga labi dahil do’n… so it’s really true? Bakit? Hindi ko mapigil ang lungkot mula sa sarili dahil sa narinig.

“I was really glad na nakilala ka namin! Sobrang talented mo pala…”nakangiti niyang saad. Hindi ko na magawa pang pakinggan ang sinasabi niya dahil umiikot na lang ang isip ko sa isipang I’m here dahil kay Silas. Napangiti na lang ako ng mapait bago tumalikod.

Fuck.

That’s fuck up.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now