Chapter 13

770 28 0
                                    

Chapter 13
Iska’s POV

Para akong naglalakad sa buwan nang makalabas ako sa kotse niya, hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili.

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Leo na siyang mukhang nakita nanaman na magkasama kami ni Dire--- Silas. Hindi ko alam kung natutulog pa ba ‘tong si Leo.

“Si Mr. Herrera nanaman kasama mo? Nako, ingat ingat ka, Iska, sinasabi ko sa’yo.”sambit sa akin ni Leo nang makita niya akong bumaba sa sasakyan ni Silas. Kung gaano kapang-asar at kasupportive si Niel sa kalandian ko, iba naman si Leo, noong una’y malakas din siya kung mang-asar pero nitong nakaraan ay lagi niya na akong pinaalalahanan na mag-ingat ingat daw ako kay Silas.

“Noong una’y akala ko game game ka lang pero delikado maglaro ‘yang si Silas, Iska. Huwag ka lang talagang mahuhulog.”sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang madami siyang alam maski sa ilang tao sa showbiz.

Nakatitig lang naman ako sa kaniya kaya napakamot siya sa kaniya ulo.

“Pinapaalalahanan lang kita, ayaw kong umasa ka, pero kung iiyak ka rin sa huli, sige red horse tayo riyan sa tapat ng tindahan nina Aling Osang.”aniya sa akin na napakibit pa ng balikat. Halos si Leo ang nakakasama ko rito araw araw, kapag nga wala akong pera, siya pa ‘tong inuutangan ko kahit na siya rin ay wala. Ganoon din naman siya sa akin.

Mabait si Leo pero hindi ko talaga siya lubusang kilala, madalas siyang magkwento tungkol sa kung ano ano pero madalang lang siyang magkwento tungkol sa kaniyang sarili. Alam kong may dahilan siya kaya hindi ako namimilit.

“Tingin mo ba nangingialam ako? Sorry na agad.”nakanguso niyang saad. Bahagya na lang akong natawa roon.

“No, alam ko naman ang pinasok ko, Leo. Ewan ko rin.”sabi ko na medyo naguguluhan na. Niyaya ko naman na siyang pumasok pero busy pa raw kaya hinayaan ko na siya.

Naghalf bath muna ako bago ako nahiga. Hindi ko magawang makatulog kahit na late nadahil sa sobrang dami kong iniisip. Napabuntong hininga na lang ako at umupo para magsimulang magsulat. Alam kong delikado na talaga nang ngumingiti na ako habang nagsusulat kahit wala pa namang nakakakilig sa sinusulat ko.

Napatingin ako sa phone ko nang makitang tumunog ‘yon.

Unknown:

Hi, are you asleep?

Alam ko na agad kung sino ‘to, hindi ko mapigilang matawa da tanong niya.

Ako:

Oo. Tulog na ako.

Nakita ko namang nabasa niya ang text ko ngunit hindi niya nireply-an. Alam ko na agad na pikon ‘yon. Ang bilis bilis kayang mapikon ng isang ‘yon.

HB:

Picture nga kung tulog nga talaga ‘yan.

Hindi ko naman maiwasang mapatawa dahil sa sinabi nito. Sira talaga, kainis.

Ako:

Itulog mo na lang ‘yan, Bf.


HB:

Bf??

Ako:

Best friend.

Natawa na lang ako nang hindi na talaga siya nagreply pa. Nagpatuloy na ako sa pagsusulat hanggang sa antukin na lang din ako. Mabuti na lang ay walang shoot bukas kaya kahit late na akong makatulog at late ng magising ay ayos lang.

Nagising lang ako sa ingay ng mga kasama namin dito sa apartment, tulala lang naman ako dahil hindi pa nagigising ang diwa. Kaniya-kaniya silang pagmamadali sa pagbibihis para sa kaniya-kaniyang trabaho.

Nang magising na’y nagpainit lang ako ng tubig para sa noodles ko. Tinawagan ko na rin ang mga kapatid dahil alam kong ngayon lang sila may oras. Paniguradong mamaya lang ay papasok na ang mga ‘yon.

“Ate! Buti naman ay naisipan mo ng tumawag! Akala ko’y nakalimutan mo na kami!”sabi ni Chico sa akin.

“Pupwede ba naman ‘yon? Paano kutang makakalimutan kung araw araw mukha mo ang nakikita ko sa facebook, hindi ka pa ba sawa riyan sa mukha mo?”tanong ko sa kaniya kaya agad siyang napasimangot sa akin.

“Isa lang sinabi ko, ang dami mo ng sinasabi, te.”aniya kaya napatawa ako.

“Kailan ka uuwi, Ate? Kumakain ka ba ng maayos diyan?”tanong niya sa akin.

“Baka wala ng balak umuwi ‘yang Ate mo. Nag-asawa na siguro roon.”dinig kong sabi ni Mama habang nasa likod ni Chico, nag-aayos siya ng mga damit. Napasimangot na lang ako roon. Minsan na nga lang nito marinig ang boses ko, panay doubt pa rin ang naririnig mula sa kaniya.

“Ma naman, Ate won’t do that, ni hindi pa nga siya nagpapakilala ng boyfriend dito.”sabi naman Lebon na mukhanv kararating lang.

“Kuya, si Ate oh…”pakita ni Chico sa akin kay Lebon. Agad namang ngumiti si Lebon sa kabila.

“Hello, Ate! Kumusta ka po riyan? Kailan ka uuwi, Ate? Kumusta sa trabaho? Maayos ba ang trato sa’yo?”tanong niya sa akin. Parehas na parehas sila ng tanong ni Chico.

“Hmm, uuwi siguro ako sa susunod na mga araw, Leb, kapag natapos na ang shoot.”sabi ko sa kaniya.

“Talaga, Ate? Miss na miss na kita!”sambit ni Chico na kumaway kaway pa sa akin. Hindi ko naman mapigil ang ngiti ko, sa aming tatlo si Chico ang pinakavocal sa nararamdaman.

“Ate, alam mo ba si Chico, umuwi siyang may pasa nitong nakaraan, sumali atang frat.”pagsusumbong ni Lebon. Pabulong lang dahil ayaw din na marinig ni Mama.

“Aba, talagang naghahanap ka ng sakit ng katawan, Chase Federico. Ako na lang ang mananakit sa’yo, kotong ka paguwi ko. Sinasabi ko sa’uo.”banta ko sa kaniya.

“Ate, hindi ako sumali sa frat! Si Kuya lang naman ‘yang gawa-gawa. Advance masiyado mag-isip.”sambit ko na napairap pa.

“Oh, bakit may pasa ka kung ganoon?”tanong ko na sinamaan siya ng tingin.

“Napakipagsuntukan…”mahina niyang saad kaya masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.

“Bakit?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

“Paano sabi wala raw alam si Kuya, ginagamit lang daw nila para sa grades.”sabi niya.

“Ano?”tanong ko na kunot na kunot ang noo.

“Tanga naman niyang kinausap mo, sana’y kinaltukan mo pa lalo.”sabi ko sa kaniya.

“Walang alam pero ginagamit kung hindi ba naman tanga.”sambit ko.

“Nagpapagamit ka, Lebon?”tanong ko na masama rin ang tingin sa kapatid. 

“Naggagamitan kami, Ate? They gave me the money, I gave them the money.”sambit niya.

“Bakit? May mga bayarin ba?”tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin dahil do’n. Naningkit lang naman ang mata ko sa kanila.

“Wala nga, Ate, don’t worry about it.”aniya sa akin. Hindi ko ‘yon maiiwasan.

“Sino ba mga ‘yon? Ako na mismo kakaltok.”sambit ko pa kaya natawa sila sa akin.

“Ikaw, Chico, huwag kang makipag-away, kontrolin mo ‘yang sarili mo. Ikaw naman, Lebon, huwag kang makipagkaibigan sa mga plastik na barkada.”ani ko sa kaniya.

“Opo, Ate.”sabay naman nilang sagot.

“Si Ate naman parang hindi pa kami college student. Akala mo elem pa rin kami kung makasermon.”natatawang saad ni Chico. Pinagtaasan ko lang naman siya ng kilay dahil do’n. Maya-maya lang ay natapos na rin ang usapan namin dahil kailangan pa nilang mag-ayos, may pasok pa nga kasi sila.

“Hoy, natulog ka ba?”tanong ko kay Leo na kakapasok lang sa loob. Hindi ko alam kung natulog ba siya dahil sobrang putla ng balat niya.

“Medyo.”aniya nang natatawa bago umakyat sa kaniyang kama.

“Ayos ka lang ba?”tanong ko nang silipin siya.

“Ayos lang, antok lang ako. Tulog ako sandali tapos pasyal tayo.”aniya at ngumiti pa sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.

Nagsimula naman na akong magtipa sa laptop ko, minsan ay napapatingin pa sa phone ko dahil ‘di ba kapag may boyfriend ka, dapat may good mornings? Well, wala namang Ms. Eva na dapat pagselosin.

Inabala ko na lang ang sarili kong magtipa sa laptop ko, medyo inspire kaya maayos akong nakapagsulat. Gising na si Leo ay hindi pa rin ako tapos.

“Hoy, tara na.”hyper na hyper nanaman nitong saad. Tulog nga lang talaga ang kailangan.

“Sure ka gusto mong lumabas? Ayos lang naman na matulog ka na lang.”sabi ko dahil halos ilang oras lang siyang natulog.

“I’m fine!”aniya na mapalad ang ngiti. Tumanho na lang ako, nag-ayos lang sandali bago ako sumunod sa kaniya. Mabuti na lang ay hindi ako nagdress o ano dahil alam ko na agad na motor niya ang gagamitin. Ang isa pa man ding ito’y talagang kaskasera.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa San Agustin church. Nagsimba lang kaming dalawa ni Leo.

“Alam mo ba, wala talaga akong gaanong freidns kahit noong high school ako, ikaw ang kauna-unahan kong kaibigan.”aniya sa akin.

“Bakit?”tanong ko sa kaniya.

“I think I’m too much? Masiyado siguro akong madaldal baka pabida tingin sa akin ng iba.”sabi niya na napakibit pa ng balikat. Hindi ko naman maiwasan ang titig ko sa kaniya. Well, maingay talaga siya, kabaliktaran ko pero she’s fun to be with. 

Nagsimba lang kami sandali, maya-maya lang ay nagtungo naman na kami sa intramuros. Leo likes taking picture, kabaliktatran ko ulit. Malapad lang ang ngiti niya habang kumukuha ng litrato.

“We should also take one!”sambit niya sa akin.

“Hmm, I’m not up for it.”sabi ko. Hindi naman siya nangulit, that’s one thing I like about her, kapag alam niyang ayaw mo, hindi niya ipipilit.

Malapad lang ang ngiti niya habang tinutour ako hanggang sa may tumawag sa kaniyang phone. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito nang sagutin niya ‘yon ngunit unti-unting naglaho habang tumatagal ang tawag.

“I’m sorry pero I need to go, Iska.”aniya. Nataranta naman ako nang makita ko ang luha mula sa mga mata niya. Hindi umiiyak si Leo, madalas ay nakangiti lang ito. Napasunod naman ako sa kaniya nang sumakay siya sa motor niya. Hindi niya ako pinaalis o ano, sumakay lang din siya roon. Mukhang hindi niya na makuha pang mag-isip dahil pinaharurot na agad niya ang kaniyang sasakyan. Kung normal na araw ‘to’y baka pinagalitan ko na siya ngunit dahil hindi ‘to normal hinayaan ko lang. 

Maya-maya lang ay nakarating kami sa isang hospital.

“What happened? Kumusta ang lagay niya? Akong bahala sa bayad… tuloy niyo lang ho ang operasiyon…”sambit niya sa isang nurse. Naguguluhan man, hindi ako nagsalita, ayaw ko namang dumagdag pa sa pinoproblema niya.

“Nakaconfine dito kapatid ko…”mahinang pagkukwento niya nang nasa may bench na kami ng hospital nakaupo.

“Machine na lang ang sumusuporta sa kaniya but still, gusto kong kumapit sa machine na ‘yon, kahit mabaon pa ako sa utang basta may kaunting pag-asa na mabuhay muli ito, ayos lang…”nanginginig ang mga labi niya, halatang pinipigil ang iyak. She’s really strong woman, kung ako ang nasa kalagayan niya? Hindi ko siguro alam kung anong gagawin ko b

“You are asking about my job, ‘di ba, Iska?”tanong niya. Tumango ako.

“Paparazzi. Nagbibigay ng mga impormasiyon sa reporter kapalit ng malaking bayad galing sa kanila. Nahihiya ako pero dahil alam mo na rin naman ang tungkol sa kapatid ko. I guess I’ll be honest na lang din.”sambit niya sa akin. Natigilan naman ako dahil do’n.

“Creepy ko no? It’s not even a job to begin with...”aniya.

“Who I am to judge? Diyos ba ako?”tanong ko, binabalik ang tanong sa akin ni Silas.

“You’re doing that for your brother, hindi ko naman sasabihing ayos lang dahil minsan may buhay na nasisira pero buhay din naman ang nakasalalay.”sambit ko sa kaniya.

“Ewan ko rin.”naguguluha kong saad.

“Basta hindi naman mababago no’n na friends pa rin tayo.”sabi ko at nginitian siya. I mean sino ba ako para biglang hindi na ito kaibiganin gayong hindi rin naman ako perpekto? Napatingin naman ako sa kaniya nang dambahin niya ako ng yakap at umiyak pa. Hindi ko maiwasang matawa habang ginugulo ang mahaba at itim na itim niyang buhok.

“Thank you, Iska…”aniya sa akin kaya napangiti na lang ako. Maya-maya lang ay sinabi na ng doctor na balik na sa dating pulso niya ang kapatid nito.

“Ipakikilala sana kita kaso bawal pa tayo sa loob.”aniya sa akin kaya tumango ako.

“Balik tayo rito next time.”nakangiti ko namang saad. Tumango naman siya sa akin dahil do’n. Ilang beses pa ata ‘tong nagthank you hanggang sa makabalik muli kami sa apartment.

“Kalandian mo.”bulong niya sa akin kaya natigil ako nang makita si Silas na siyang nakatayo lang sa tapat ng apartment, mukhang kanina pa rin naghihintay base sa kaniyang itsura.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now