Chapter 49

929 22 0
                                    

Chapter 49
Iska’s POV

“Ayaw ko na.”sambit ko na tinalikuran pa siya.

“Come on, Iska, just drink it, para hindi gaanong sumakit ang puson mo.”seryosong saad niya sa akin na hindi ko naman pinansin. Ayaw na ayaw kong umiinom ng maligamgam na tubig tapos idagdag mo pa na summer pa.

“Kaunti na lang. Last na.”aniya kaya napairap na lang ako bago inubos ‘yon.

“Very good.”aniya pa na ginulo ang buhok ko. Masamang tingin lang naman ang ibinigay ko sa kaniya, napatawa na lang ito sa akin at nailing pa. He really know how to handle me when I’m in my period and in everything. Nasanay na ata ‘to sa pagiging full time fiancé niya.

Iniabot niya pa ang hot compress sa akin kaya nagthank you ako.

“Huwag kang iinom ng malamig.”aniya habang nilalagay sa side ang tubig na mainit. Inirapan ko lang naman siya. Sinindi niya na rin naman ang tv.

“Do you want to stay here instead? Huwag na tayong tumuloy?”tanong niya kaya napatawa ako ng mahina.

“Baka gusto mong mabulabog ang buong condo, knowing Mama and Tita? Sobrang minamadali na nga nila ang kasal.”natatawa kong saad sa kaniya.

“I really can’t wait to marry you…”pabulong na saad niya habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

“Ehem, mahiya naman kayo sa mga single dito,”sabi ni Chico na dumaan sa gilid namin, nanonood kasi kami ng movie rito sa sala ng condo. Nakahiga lang sa lap ni Silas. Natawa naman si Lebon na may dala dalang libro.

“Bakit hindi ka pa rin ba sinasagot no’ng kacall mo?”natatawa kong tanong sa kaniya.

“Ate!”reklamo niya dahil nakita ko nanaman ang phone nito. Sanay na sanay na silang nakikita kami ni Silas na naglalandian dito. Nang matapos kaming manood ng movie’y kaniya kaniya na kaming ayos dahil tutungo sa laguna ngayon, mamanhikan sina Silas. Well, halos araw araw na manhikan dahil gustong gusto nina Mama na magpaudate tungkol sa wedding.

“Tara na?”tanong ko nang sa wakas ay makaayos na ako.

“Nilagay ko extra mong pads sa bag, kunin mo na lang kapag kailangan mo.”sabi ni Silas sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. Hindi ko ‘to magawang sungitan kapag mayroon ako dahil nakakaguilty talaga, ang alaga kaya ng isang ‘yan. Kahit sa shoot ay ganoon din, laging may warm water na pinapainom. Laging handa.

Nagkukwentuhan lang kami habang nasa byahe patungong laguna, nandoon na rin kasi si Tita, halos doon na nga ‘yon tumira. Lagi ring nasa bahay para makipagkwentuhan lang kay Mama. Ganoon din si Mama na bigla bigla na lang nagpapasundo sa akin para pumunta namang manila.

“Kaya siguro magpapakasal ‘yan dahil buntis na.”dinig kong saad ni Aling Susan nang bumaba ako ng kotse. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil sa sinabi nito, parang gusto ko tuloy bigla na isubsob siya sa period ko. Grabeng fake news ang mga ‘to. Nakakaloka.

“Sana all nakasungkit ng mayaman, kaya lang naman pala nagkapera e.”dinig ko namang saad no’ng anak niya. Napatawa na lang ako dahil hindi talaga hihinto ang mga ito sa kakadada. Gustong gusto na nahihila pababa ang kapwa.

Hinila ko na lang din ang tatlo dahil gusto pa sanang patulan.

“Ma, umay na umay na ako kay Aling Susan, advance masiyado ang balita niya.”sabi ni Chico na nakasimangot.

“Hayaan mo na.”natatawa kong saad. Kinawayan ko naman si Niel na katabi mi Axel.

“Hi, kumusta na, Girl? Lalo kang gumanda ahh?”nakangiti niyang tanong sa akin. Nakaumbok na rin ang tiyan nito ngunit blooming na blooming pa rin. Ang ganda talaga.

“Ninang ka ahh.”aniya kaya ngumiti ako at tumango. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari noon, hindi ko akalain na magiging sila ni Axel lalo na’t ayaw na ayaw niya sa kaniya noon. Panay lang ang tawanan namin habang binabalikan ang lahat noon.

Napatingin naman ako sa phone kong na kay Si nang makitang nagriring ‘yon.

“Marisa.”aniya kaya kinuha ko at sinagot ‘yon. Bahagya ko namang nilayo sa tainga ko dahil alam ko na agad na maririndi ako sa boses nito.

“Hoy! Nandiyan ka sa laguna?”tanong niya sa akin.

“Yeah, umuwi ka na, ikakasal na ako oh.”sambit ko dahil pakalat kalat pa ‘to ngayon sa new york.

“Yeah, I will, hindi pwedeng wala ako! Ako ang maid of honor!”aniya kaya napatawa ako ng mahina. Nag-away pa sila ni Leo para maid of honor, naging close din sila no’ng nangibang bansa ako, tumira si Marisa sa manila. They are both close to my heart, dagdag mo pa si Esme na siyang panay lang din ang gala ngayon. Kung saan saan din ‘yon nagagawi.

“Oo na, bilisan mong umuwi, baka mamaya’y kasal na ako’t lahat lahat saka ka lang darating.”hindi ko mapigilang sambitin. Nakikita ko na agad ang pag-irap nito.

“Hoy, salamat…”sambit ko sa kaniya.

“Para saan? Nakakagulat naman ‘to bigla biglang nagtethank you.”natatawa niyang saad sa akin.

“Wala lang… thank you kasi nagtiwala ka no’ng mga panahong walang nagtitiwala sa akin and thank you kasi sinuggest mo ako na makapasok sa media star.”sambit ko.

“Para kang sira. Magkaibigan tayo, ano pa bang ineexpect mo?”natatawa niyang saad. Napangiti na lang din ako sa tinuran nito.

“Congrats! Ikakasal ka na, grabe!”aniya sa akin. Nag-usap lang kami sandali bago ako nagpaalam dahil naghahain na sina Mama.

“Wow, ‘di naman ako nainform na fiesta pala.”pabiro kong saad nang lumapit ako sa lamesa. Inirapan lang naman ako ni Mama. Ang dami dami niya nanamang niluto. Kaniya-kaniya naman na kaming upo.

Maya-maya lang ay nagsimula na kaming kumain.

“I already book you a hotel in Bali for your honeymoon.”sabi ni Tita. Nagkatinginan naman kami ni Silas at parehas na natawa. Hindi ko alam kung ang mga ina ba namin ang magpapakasal o ano.

“Ma, baka gusto niyo namang hayaan na sila na ang magdecide. Kayo na nga namili ng simbahan, aba.”sabi ni Kuya Axel sa kaniya. It doesn’t really matter naman sa akin, basta gusto ko lang ay sa simbahan at syempre ang pakakasalan.

“Ayaw niyo ba?”tanong ni Tita na nakanguso pa.

“Hindi naman, Tita, ayos lang.”sabi ko na napakibit ng balikat. Kahit saan naman ay pupwede kaming maghoneymoon ni Silas. Mayroon naman siyang sasakyan.

“How about your gown? Ayos na ba?”tanong ni Mama.

“Ayos na po, Ma.”sabi ko naman dahil si Esme na ang bahala roon. Marami siyang kilalang fashion designer.

“Ikaw? Kumusta? May laman na ba?”tanong niya sa akin. Napakunot lang naman ang noo ko at napailing na lang. May laman naman ang tiyan ko? Kanin nga lang.

Kung ano ano lang ang pinag-usapan namin, nandito lang din kami hanggang sa maggabi, sina Niel at Kuya Axel lang ang umalis dahil may mga aasikasuhin pa raw.

“Uyy, Ate! Nakikipagsabunutan sina Mama kina Aling Susan!”sabi ni Chico nang nagpapahinga kami ni Silas sa kwarto. Nagkatinginan naman kami dahil do’n.

“Kunwari ka pa! Hinuhuthutan mo lang naman ‘yang anak mo!”malakas na sigaw ni Aling Susan kay Mama kahit na nasa ibaba na siya habang halos sakalin na ni Mama.

“Manahimik ka, ang tagal ko ng nanggigil sa’yo, hayop ka.”napahawak na lang ako sa sentino ko dahil pati ang Mama ni Silas ay nandoon din, nawala ang pagiging elegante nito. Halos kaladkarin niya na ang isang babae.

“Ma!”sabay naming sigaw ni Silas na hinihila na sila paalis do’n. Para kaming may mga alagang batang paslit dahil sa kanila.

“Ma, tanghaling tapat nakikipag-away ka pa riyan kila Aling Susan.”sabi ko na naiiling.

“Gaga ‘yon e, kung ano anong pinagkakalat, talagang wawarlahin ko siya, huwag niya akong subukan.”sabi nito.

“Ikaw din, Ma, bakit nakisama ka pa?”tanong ni Silas kay Tita na kunot ang noo.

“Wala. Namukhaan ko ‘yong kabit ng tatay mo noon, hindi ko na sana papansinin kaya lang siya pa mapagmataas.”ani Tita kaya napahilot na lang kami sa sentino ni Silas. Dapat hindi pinagsasama ang dalawang ‘to e.

Buong pananatili tuloy namin sa bahay, may mga kaaway sila. Mastress ka na lang talaga. Imbis na ang kasal na lang ang aalalahanin mo’y pati ang mga ito iniisip mo pa.

“Yup, una ka na, paalis na rin ako. Ingat!”sambit ko mula sa kabilang linya. Hindi ako masusundo ni Silas ngayon dahil late na kaming nakaupo kaninang madaling araw. Ayaw pa naman no’n na nalelate.

Sumakay naman na ako sa kotse ko, mabilis lang din naman na nakarating sa set. Dito lang kami ngayon sa media star, idadaan lang sa effects ang gagawing shoot. Magaling naman ang editor namin na si Ate Esther e.

Nagmamadali naman ako habang naglalakad papasok ng building. Paandar na sana ang elevator nang makita ko si Eva. Hinayaan ko lang siyang sumakay, dalawa lang kami ang nandito ngayon.

“Hey, congrats pala.”aniya sa akin. Hindi ko na sana papansinin pa dahil kumukulo lang ang dugo ko kapag nakikita ko siya.

“Anong feeling na si Silas lang lagi ang nakakatrabaho mo?”nakangisi niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano nanaman ang gusto nitong iparating. Nginitian ko lang siya.

“Masaya.”sambit ko at tipid na ngumiti. Kita ko naman ang pagtingin niya sa singsing na nasa daliri ko. Kita ko kung paano tumaas ang kilay niya roon ngunit iniwas din agad ang tingin.

“So it’s true.”aniya pa.

“I heard some people na they are talking about you… kaya lang naman daw natatanggap ang manuscript mo dahil kay Silas… concern lang ako sa’yo, Sis… sabi kasi nila walang gustong tumanggap ng manuscript mo maliban sa kaniya.”aniya sa akin kaya napatawa na lang ako at nailing. Kung noon ay masisira niya kami dahil lang doon.

This time I really won’t let anyone even myself ruin my self esteem again. Pati ang relasiyon na mayroon ako kay Silas. I trust myself. Hindi ako aabot dito kung hindi ako magaling. I also trust Silas, hindi naman ‘yon basta basta mamimili ng manuscript na hindi patok sa panlasa niya. I trust him as a direktor.

“Hmm… I heard din na you should stop getting a ghost writer baka raw karmahin ka soon… Ikaw din… concern lang din ako sa’yo.”nakangiti kong saad sa kaniya. Kita ko naman ang masamang tingin nito sa akin. Hindi ko na pinansin pa dahil baba na ako ng elevator.

Nang lumabas ako’y kita ko si Silas na naghihintay doon, bahagya pang kumunot ang noo niya nang makita kung sino ang kasama ko sa loob.

“What did she said again?”tanong niya.

“Hmm, nothing, she said lang na wala raw gustong tumanggap ng manuscript ko maliban sa’yo.”ani ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

“What do you think about that?”tanong niya sa akin. Napakibit na lang ako ng balikat.

“You have a very high standard when it comes to story line or even in the dialogue or should I say sa buong manuscript, idagdag mo pa na sobrang demanding mo sa lahat ng bagay kapag nasa set. I think I won’t be here if not for myself, right? I mean I know my manuscript is worthwhile and I also know naman na I’m good. Hindi ako tatagal kung hindi sa sarili ko.”sabi ko kaya agad siyang napangiti at ginulo ang buhok ko.

“That’s my girl.”aniya na malapad ang ngiti sa akin. Napatawa na lang ako ng mahina roon.

“Ms. Iska! Ate! Hala!”malakas na sigaw ni Leana na siyang patakbo pang lumapit sa akin. Napakunot naman ako ng noo sa kanila.

“Hala! Gusto ka raw makatarabaho ni Ms. Kate”malakas nilang sigaw kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko naman mapigilang mapatalon sa tuwa. Hindi ko lang akalain na gugustuhin niya ulit akong makatrabaho.

“Grabe ka, gf, noong sinabi kong makakatrabaho kita, hindi naman ganiyan ang tuwa mo.”sabi ni Silas kaya napatawa ako. Excited din kaya ako noon, syempre batikan din siyang direktor pero kasi Si Ms. Kate, alam ko balak niya ng gawing huling movie niya ‘to kaya ‘di lang ako makapaniwala.

“But congrats… you deserve it…”aniya bago ako niyakap at hinalikan sa noo.

Napangiti na lang ako dahil do’n, I’m glad I really try to give it a bet. He’s always been the type of guy that will never let you feel small, hindi ko alam kung bakit masiyado lang akong nabulag ng inggit noon. I realize na kapag binaon ka ng inggit, kaligayahang tunay ay hindi mo makakamit.

“Thank you…”pabulong na saad ko.

“For?”tanong niya.

“For staying…”

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon