Chapter 16

695 26 0
                                    

Chapter 16
Iska’s POV

“Hi, when the time comes and I get her pregnant, I’m sure we are both ready to build a family.”halos manlaki ang mga mata ko nang lumapit si Silas doon. Pwersahan ko naman siyang hinila. Mapagpatol din talaga ‘tong isang ‘to.

Kita ko naman na medyo mangha sila kay Silas, kita mo ‘tong mga ‘to, basta nagingles sa harapan nila, akala mo’y gusto ng sambahin.

“Hayaan mo na, wala lang naman ‘yon.”pabulong na saad ko sa kaniya. Kunot noo niya naman akong tinignan.

“Hindi naman totoo, hayaan mo silang magulat. Tignan mo bukas lang balita na rito na nagpalaglag ako. Advance ‘yang mga ‘yan e.”bulong ko sa kaniya.

“Aling Sandra bago niyo ho pagsalitaan ang Ate ko ng ganiyan, sana aware kayo na mas malala pa ho ‘yong anak niyo.”gulat ako nang hindi naman na si Silas ang nakikipagusap sa mga ‘yon, si Chico na na siyang nakapamewang pa. Hinila ko naman na siya sa abot ng makakaya ko, baka mamaya’y mapaaway pa ang isang ‘to. Ang hirap hirap pa namang pigilan nitong si Chico.

Parehas ko tuloy silang hinihila paalis doon hanggang sa tuluyan na nga kaming makarating sa bahay. Wala si Mama ngayon dahil maaga pa, nasa trabaho. Paniguradong isa rin ‘yon. Baka kung ano pa ang masabi niya kay Silas.

“Saan kayo nagkakilala ng Ate?”kakapasok pa lang namin ay ito nanaman si Chico sa pagiging investigador niya. Umupo pa siya sa kahoy na upuan namin na wari’y hari habang nakataas lang ang kilay kay Silas na siyang tahimik lang din na nagmamasid sa paligid.

“Work.”simple niya lang na sagot. Ang mga mata ni Chico’y ganoon pa rin. Masama pa rin ang tingin. Nailing na lang ako dahil hindi talaga titigil ang isang ‘yan hangga’t hindi nakukuha ang gusto.

“May juice pa ba tayo?”tanong ko kay Chico.

“Wala, Ate. Magtubig na lang siya. Magtiis siya.”sambit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Lumabas din ako para bumili ng meryenda, nakakahiya naman kay Silas. Idagdag mo pa ang nakakahiyang si Chico na walang balak na tigilan siya. Hindi ko pinansin ang mga chismosang nasa tapat ng tindihan.

Marami akong naririnig na hindi magagandang salita galing sa kanila ngunit sstress-in ko lang ang sarili kung sakali. Nang makabili ako ng juice bumalik na ako sa bahay, mayroon naman kasi akong pasalubong na binili para sa kanila. Ayos na ‘yon. Nang balikan ko sila’y ang yabang pa rin ng dating ni Chico kaya piningot ko siya. Nagreklamo lang siya ngunit binalik din ang tingin kay Silas na siyang sinasagot naman ang mga tanong niya. Mukha silang sira na nag-uusap ng kung ano ano gayong hindi rin naman magtatagal ang lahat ng ‘yan.

Habang nagtitimpla ako nang juice, dinig ko ang pagpasok ng kung sino. Lumabas naman na ako na dala dala ang juice.

“Where’s Ate?”dinig kong tanong ni Lebon na kararating lang. Nang makita niya ako’y umupo na lang din siya sa tabi ni Chico na parang hari pa rin. Kita ko naman ang talim ng tingin ni Lebon kay Silas. Isa pa ‘to.

“Ate, who’s that?”tanong ni Lebon.

“Boyfriend ko, Leb.”ani ko dahil alam kong kukwestiyonin niya agad kung bakit nandito kung kaibigan lang ang ipakikilala ko. May binulong naman si Chico kaya mas lalong kumunot ang noo ni Lebon. Isa pang sulsol ang isang ‘to. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanila o ano.

Si Chico ang pinakamadaldal, si Lebon ang pinakatahimik at seryoso while I’m in between.

“Are you serious with my sister?”seryosong tanong ni Lebon habang si Chico naman ay nakataas lang ang kilay kay Silas. Hiyang hiya na talaga ako kaya tumayo ako at pumagitna sa kanila.

“Magtigil nga kayong dalawa. Oh, juice nang manahimik naman kayo.”natatawa ko na lang saad bago sila inabutan ng juice.

“Sorry, ganiyan lang talaga mga ‘yan. Mailap sa bagong tao.”sambit ko kay Silas bago siya inabutan ng juice.

“Just like you.”nakangiti niyang saad kaya napatikhim ako, hindi rin alam kung paano magrereact. Paano’y pinapanood kami ng dalawa kong kapatid. Mukha pa rin silang hindi makontento at marami pang gustong itanong.

“Why didn’t you tell us, Ate?”tanong ni Lebon na kunot ang noo.

“Last week lang ‘yon, Leb.”sabi ko naman na kumain at sumimsim pa sa juice. Mukhang wala namang balak kumain ang tatlo.

“Kahit na! Isang linggo na.”nagtatampo nilang saad ni Chico.

“Ikaw, alam mo lahat tapos kami hindi mo man lang masabihan.”pagdadrama mi Chico kaya napatawa na lang ako at napailing.

“Sorry na… next time kapag may bago, inform ko kayo.”sabi ko kaya kitang kita ko ang paghigpit ng hawak ni Silas sa baso niya at ang nakasimangot na tingin sa akin. What? Tama naman? Kahit ayaw namin ay darating din kami sa puntong maghihiwalay dahil una sa lahat hindi naman totoo ang relasiyong mayroon kami. 

Matagal na usapan pa ang naganap bago nila tinigilan si Silas. Maya-maya lang ay nangungulit na sa akin si Chico.

“Ate, namiss kita! Sobra.”sabi niya na yumakap pa.

“Ang init init, Chico, lubayan mo nga ako!”sabi ko na tinulak siya, dahil mapang-asar ang kapatid kong ‘to, mas lalo siyang lumapit para yakapin ako. Halos tumakbo naman ako para lang takasan siya kaya tawang tawa ang hinayupak. Si Silas ay manghang mangha lang habang nakatingin sa amin.

“You’re close with your brothers.”aniya nang tabihan ko siya muli.

“Medyo.”sambit ko naman.

“They’re your younger brother? You said panganay ka, hindi ba?”tanong niya sa akin.

“Oo,”ngiti ko naman at tumango.

“Mukha kang bunso.”aniya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

“Sinasabi mo bang maliit ako?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

“Ikaw ang nagsabi niyan.”sabi niya at sinamahan pa ng munting halakhak. Kainis, pati tawa niya ang sarap sa pandinig.

“Tangkad lang kayo kaya mukha akong maliit.”sambit ko dahil matangkad ang dalawa kong kapatid, ganoon din siya.

“True ba ‘yang mata mo, Kuya?”tanong ni Chico na siyang nilapit pa ang mukha kay Silas. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano, kanina lang ay ang lakas ng topak nitong sobrang sama ng tingin kay Silas pero tignan mo nga naman ngayon, halos halikan niya na sa mukha.

“Medyo.”sabi ni Silas kaya napabungisbungis ako. Medyo amp.

“Ganda.”ani Chico na napakibit balikat pang umalis sa tabi nito. Si Lebon, hindi pa rin tinatantanan kakatingin si Silas. Mukhang hinahanapan ng mali.

“What do you want to eat? Ipagluluto ko kayo.”saad ko kaya sa akin nabaling ang atensiyon ng dalawa kong kapatid. Makikitaan ng takot ang mga mata nila kaya parehas ko silang sinamaan ng tingin.

“Number 1 rule, don’t ever make her cooked! Sisirain niya lang ang pagkain! Lalo na ang kusina.”sabi ni Chico kay Silas.

“Hoy, ang kapal ng mukha mo, Chico!”sabi ko na sinamaan pa siya ng tingin.

“Totoo naman, Ate! Itlog nga lang nasusunog mo pa. Noodles lang naman alam mong lutuin.”sabi niya sa akin kaya halos kurutin ko siya sa tagiliran ngunit tuwang tuwa lang ang isang ‘to na asarin ako. Siraulo talaga.

“Noted.”nakangising saad ni Silas habang nakatingin sa akin.

“Ang epal niyo sa buhay ko, alam niyo ‘yon?”tanong ko na sinamaan pa sila ng tingin.

“Hindi na ako uuwi.”banta ko kaya agad lumapit sa akin si Lebon.

“What do you want to eat, Ate? I’ll cook for you…”nakangiti niyang saad. Naningkit naman ang mga mata ko sa kaniya.

“Ang sabihin mo ayaw niyo lang akong paglutuin.”sambit ko.

“Medyo but I really want to cook for you.”aniya. Lebon is not that vocal pero sobrang he’ll say that through his actions.

“What do you want to eat?”tanong niya sa akin.

“Adobo na lang.”ani ko kaya tumango siya at tumayo na para magluto. Sumunod naman sa kaniya su Chico na siyang gusto rin daw tumulong. Naiwan naman kaming dalawa ni Silas dito sa sala.

“Ano?”tanong ko dahil kita ko ang titig sa akin ni Silas. Umiling lang siya.

“Just for an hour, ang dami ko ng nalaman tungkol sa’yo.”sabi niya kaya napailing na lang ako.

“Sana hindi mo na lang nalaman. Baka naweweirduhan ka na sa akin.”natatawa kong saad. Iniba ko na rin naman ang usapan namin.

Tinignan niya rin ‘yong mga litrato namin noong mga bata kami. I don’t really like taking pictures kaya wala ako halos. Naglakad pa kami patungo sa may mga medal na nakadisplay.

“Don’t ask me kung saan ang akin diyan, kulelat ako sa school, mataas lang ang pangarap ko pero hindi ako matalino.”sambit ko kaya napatingin siya sa akin.

“Hindi naman baseha—“I cut him off.

“It doesn’t matter. Basta hindi pa rin ako matalino.”sabi ko na lang.

“That’s Lebon’s medal and trophies. Matalino ‘yon, sobrang daming sinasalihan sa school, ‘yong mga quiz bee quiz bee sa ibang lugar? Madalas din siyang manalo.”sabi ko na malapad ang ngiti habang nakatingin sa medalya ni Lebon.

“Then ito naman ang kay Chico. Nakuha niya ‘yan sa lahat ng sports na sinasalihan niya. Matalino rin kaya lang mas gusto niyang magbilad sa araw para maglaro ng kung ano ano.”sabi ko na tinuturo naman ang kay Chico.

“And this is Ate’s first publish book, Kuya!”agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang first publish novel na sinulat ko noong high school ako.

Nakadiplay din ‘yon sa mini shelf na nandito sa bahay. Ayaw kong nakikita dahil minsan ang novel na ‘yon ang sinisisi ko kung bakit ako nandito sa kalagayan ko ngayon. Minsan naiisip ko lang na kung hindi ba ako nakapublish ng libro, hindi kaya ako maghahabol ng ganito sa pangarap kong maging isang sikat na manunulat? Baka kung hindi ‘yon napublish, nagpatuloy ako sa pag-aaral.

“You were the writer of this book?”tanong ni Silas sa akin. Titig na titig sa librong sinulat ko. It was entitled ‘Hi, hope you continue living’

It was general fiction, I wrote that when I felt empty, ‘yong tipong buhay ka pero hindi mo alam kung buhay ka nga ba talaga. ‘Yon ‘yong panahong walang wala kami. Araw araw sinusumbatan ni Lola si Mama dahil hindi pa rin humihinto kakasugal, araw araw na umiiyak ang mga kapatid ko dahil wala silang makain and fifteen years old me don’t know what to do. Nag-aaral lang din ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy. That book is probably for myself, that made me alive. Hindi ko lang akalain na mababasa ng publisher and that’s it. 

I realize that great things come when you least expect it. Napatingin ako kay Silas na nakatingin pa rin do’n.

“Don’t read it. Parang sira. Tagal na niyan.”sabi ko na inagaw ‘yon at kinuha pa ang book para ilayo sa kaniya. Tinignan niya lang naman ako. Nailing na lang ako sa kaniya dahil do’n.

“Kain na raw.”sabi ko sa kaniya kaya tumango siya.

“Ang ganda kaya no’ng libro mong ‘yan, Ate! Nakakainspire mabuhay.”nakangiting saad ni Chico. Nailing na lang ako sa kaniya roon. Nakakahiya dahil hanggang doon lang ako.

“Kumain na lang kayo.”sabi ko na ipinaghain muna sila ng pagkain.

“Thanks.”sambit ni Silas na nakatitig pa rin sa akin nang abutan ko siya ng pagkain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang marinig ko ang tinig ni Mama. Galit na galit nanaman ‘to habang nakatingin sa akin. Bakit nga ba nakalimutan kong uuwi si Mama?

“Ano, Iska? Talagang sinagad mo na ‘yang pagiging pariwara mo? Talagang nag-uwi ka pa ng lalaki sa bahay natin? Hindi ka na nahiya!”galit na galit niyang saad sa akin. Napahigpit naman ang hawak ko sa kutsara.

“Buntis ka? Nagdagdag ka nanaman ng palamunin sa bahay na ‘to!”galit niyang panunuro sa akin. Napapikit na lang ako dahil wala ng preno ang bibig ni Mama. Kung ano ano pang sinabi niya tungkol kay Silas kahit pinipigilan na siya nina Chico at Lebon.

“Silas is not like what you think, Mama, hindi ka man lang nahiya. Saka, Ma, ganiyan ba talaga tingin mo sa akin? Mas naniniwala ka pa riyan sa mga chismosang kapitbahay! Hindi ako kaladkaring babae! Kung gusto kong magpabuntis, sana noon pa!”hindi ko na napigilan pa ang sarili. Tumayo na rin ako dahil wala ng ganang kumain bago hinila si Silas palabas ng bahay.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now