Chapter 46

996 26 0
                                    

Chapter 46
Iska’s POV

“But whose the guy you keep on talking with no’ng team dinner?”tanong niya.

“Ahh.”

“It’s Clark. We’re just friends.”sambit ko.

“The question is friend nga lang ba tingin sa’yo.”aniya.

“Ito, gawa gawa ka.”sabi ko na natatawang inirapan na lang siya.

“Do you like him?”tanong niya. Napangiti naman ako ng may maalala. Ganito rin ‘yong tanong niya noon.

“Hindi.”sambit ko naman.

“How about me? Do you have feelings for me?”tanong niya. Hindi naman ako umimik kaya maya-maya lang ay nagsalita na ulit ito.

“Have you already move on?”tanong niya sa akin.

“Obviously, hindi pa. Hindi ko naman sinubukan.”natatawa kong saad. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago siya muling nasagsalita.

“Can I kiss you?”tanong niya sa akin.

“Hmm… sure…”pabulong kong saad. Para kasing sira. Bakit naman kailangan pang magtanong? Maya-maya lang ay hinawakan niya na ang mukha ko, habang papalapit ang mukha namin sa isa’t isa biglang bumukas ang ilaw kasabay nang pagtaas ng pinto.

“Ms. Iska, Direk! Ayos lang ho ba kayo?”nag-aalalang tanong ni Leana na tumatakbo pa habang patungo sa amin. Agad ko namang naitulak si Silas na siyang agad na napakunot ang noo kina Leana.

“Eherm, gaga ka, nakaistorbo pa tayo!”sambit ni Jade na kinurot pa sa tagiliran si Leana.  Malapad lang ang ngisi nito habang nakatingin pa sa akin. Halatang gusto na akong asarin. Hindi ko naman maiwasang mailing bago ako tumayo, ramdam ko rin ang pamumula ng mukha. Iniwan si Silas na siyang nakaawang lang ang labi dahil sa pagpasok ni Leana at Jade. Kita ko mamang mukha niyang napipilitang tumayo.

“Salamat, Leana, ayos lang kami. I think this will be really good place for our shoot.”sambit ko na tumango tango pa.

“Oo nga po, Ms. Iska, ang nakakatakot lang po baka bigla nanamang magbrown out at masiraan nanaman ng kuryente rito.”aniya..

“’Yon na lang siguro ang aayusin nina Mr. Matt.”sambit ko na tumango pa sa kaniya. All in all maganda naman kasi talaga ang warehouse saka infairness, ganda ring pang romance. Joke.

“Pasensiya na po talaga, Ma’am, Sir. Hindi po pala naayos ng husto ‘yong mga switch sa labas. Pasensiya na po. Sana’y bigyan niyo pa rin po ng chance ang warehouse.”sabi no’ng lalaki na medyo natataranta pa. Well, mukhang pinaghirapan naman kasi talaga nila ito tapos biglang nagkaaberya pa sa araw na nandito ang mga titingin.

Ngumiti lang ako dahil wala naman sa akin ang desisyon. Kinausap naman na siya ni Silas habang ako’y kinakausap na nina Jade. Tikom ang bibig ni Jade ngunit mukhang may gustong sabihin. Hindi ko na lang din pinansin ang tingin nito.

Maya-maya lang ay umalis na rin kami sa warehouse.

“Let’s buy some food, anong gusto niyo?”tanong ni Silas sa amin.

“Kahit fastfood lang sa akin, Direk, medyo busog pa naman po.”sambit ni Jade.

“What about you?”binalingan niya naman ako ng tingin.

“Maliban sa noodles.”pahabol niya pa. Kaya lang naman ako nagnonoodles dahil wala akong choice.

“Kahit ano.”sambit ko dahil hindi naman ako gutom.

Maya-maya lang ay dumaan kami sa bayan ng lugar. Kami nina Leana ang nagtungo sa fastfood para bumili ng pagkain dahil nagpark si Silas. Nagbigay naman siya ng card, kahit ilan daw. Dahil pare-parehas kaming may hiya nina Jade, isang burger lang ang binili namin.

Nang pabalik na tuloy kami sa sasakyan, kunot lang ang noo ni Silas habang may hawak hawak pang box sa magkabilang kamay.

“’Yan lang binili niyo, tatlo pa kayo.”puna niya sa amin habang tinitignan ang binili. Pinapabalik niya pa kami para bumili ulit ngunit inilingan ko na siya. Ayos naman na kasi, ‘di naman na kailangan pa.

“Ayos na ‘to…”sambit ko naman at ngumiti. Nagtataka ko siyang tinignan nang iabot niya sa akin ang dalawang box.

“I bought you some donut,”aniya.

Saka niya nilingon sina Leana at iniabutan ng tag-isang box. Nagpasalamat naman sila rito.

“Direk, pwedeng magtanong?”tanong ni Jade kaya nilingon namin siya ni Silas.

“May girlfriend ka po ba talaga?”tanong niyal. Ang lakas talaga ng loob nitong si Jade na magtanong ng ganiyang mga bagay, ako ang nahihiya para sa kaniya.

“I don’t have one but I have someone I like.”sabi ni Si bago niya ako nilingon. Kita ko naman ang ngisi ni Jade sa akin.

“Hindi naman po si Ms. Saturday ‘yon no?”tanong pa ulit niya.

“No.”natatawang saad ni Silas.

“Sabi sa’yo, Ms. Iska, e! Hindi niya ‘yon girlfriend.”parang gusto ko na lang tapalan ang bibig ni Jade. Ang ingay. Saka bakit ako? Hindi naman ako kuryoso roon. We?

“Bigyan mo naman po kami ng clue diyan sa someone you like.”nakangiting saad ni Leana.

“Ang slow mo talaga, Ana.”sabi ni Jade sa kaniya. Kumunot naman ang noo ni Leana roon at mukhang nagtataka pa.

“She’s my ex. A writer who inspire someone through her books.”aniya.

“Si Eva ba ‘yan?”natatawa kong tanong. Kumunot naman ang noo niya roon.

“It’s you.”sambit niya kaya halos masamid ako sa sariling laway.

Agad naman napaubo si Leana na nasa likod namin, nanlalaki ang mga mata nito na pabalik balik pa ang tingin sa aming dalawa ni Silas, bilog na bilog din ang bibig nito. Napatawa naman sa kaniya si Jade dahil do’n.

“Ano, ‘te? Ayos ka lang? Masiyado bang big revelation ‘yon sa’yo?”natatawa nitong tanong.

Nang makabalik kami’y ang lakas mang-asar ni Jade habang si Leana ay medyo gulat pa rin.

“Iska.”tawag ni Silas sa akin.

“Hmm?”patanong na sagot ko.

“Can I get your number?”tanong niya. Tumango naman ako at tinipa ang numero ko sa phone niya.

“Good night,”aniya bago nagpaalam. Napatawa naman ako dahil halos mangisay na ‘tong mga kasama ko rito.

“Grabe ang kasweet-an ni Direk, akala mo’y hindi nagsusungit!”sabi nila na kilig na kilig pa. Nailing na lang naman ako roon.

Hindi ko alam kung paanong biglang nagbago na noong una’y para kaming aso’t pusa tapos bigla na lang may pabreakfast na sa umaga na galing sa kaniya.

“Ehem. Si Direk, Ms. Iska, may dala atang foods.”sabi nila sa akin nang papunta si Silas sa gawi namin at as usual marami nanamang pagkain.

“Direk, ang daya! Bakit palaging sa writer’s team ‘yang pagkain na dala mo?”sigaw ng mga kasama namin. Hindi ko naman mapigilang mahiya dahil nasa akin ang tingin nilang lahat.

“Eherm, may comeback ba na magaganap?”natatawang tanong ng isang production assistant na kasama namin noon. Nailing na lang ako sa kanila.

“Hindi naman na kasi kailangan.”nakanguso kong saad nang iabot niya sa akin ang ilang foods.

“Thank you…”pagpapasalamat ko na lang, alangan namang magreklamo pa ako, ‘di ba?

“Want to swim later?”tanong niya sa akin. Tumango lang naman ako dahil wala naman na rin akong gagawin.

Ganoon lang halos ang ginawa namin habang nagshushoot kami sa forest. Kapag may nga free time ay namamasyal sa lugar pero kapag nasa trabaho’y maayos na kaming nagpapalitan ng ideyas. Kapag mas maganda ang kaniya, edi okay lang. Ganoon din naman sa akin. Ang lakas ngang mang-asar ng mga kasama namin sa shoot dahil kapag nakikita kaming magkasama, ang kani-kanilang ngisi’y abot langit.

Ngayon ang uwi namin kaya namasyal na muna ang nakakarami, gusto munang lumibot sa lugar.

“Busy ka ba?”tanong ni Silas nang nasa sasakyan niya na ako.

“Hindi naman.”sagot ko. Kahit busy naman ako’y hindi pa rin ang isasagot ko sa kaniya.

“Do you want to go to tagaytay?”tanong niya kaya mabilis akong napatango. Bahagya naman siyang napatawa dahil sa akin.

“Alright.”nagmaneho naman na siya patungo roon. Medyo naexcite naman ako dahil ngayon lang ulit ako mamasyal dito.

“Nagtatravel ka pa ba?”tanong ko sa kaniya.

“Yeah, pero hindi na kasing dalas no’ng tayo pa.”aniya. Napatango naman ako dahil do’n.

“Hmm, what about you? I saw Clark’s post, galing kayong japan?”tanong niya. Itago niya man kita ko pa rin ang iritasiyon sa kaniyang mukha. Bahagya naman akong natawa dahil do’n. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

“What?”tanong niya na kunot na kunot ang noo sa akin. Umiling naman ako ngunit ‘di pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi.

“Bakit? Selos ka?”tanong ko sa kaniya. Nilingon niya naman ako roon bago inirapan.

“Yeah.”aniya.

“You were the one who told me that we’re going to travel together pero nauna ka na at may kasama pang iba.”aniya kaya bahagya akong napatawa.

“We can go again together, you know… ulitin ko lahat ng napuntahan ko together with you…”sambit ko na napakibit ng balikat.

“Alright, it’s a deal then.”aniya na malapad ang ngiti.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa tagaytay, sa taal lake ang punta namin. Hindi ko naman mapigilan ang maexcite dahil hindi pa naman namin ‘yon napuntahan noon. Pakiramdam ko tuloy ay tinutuloy ang nasimulan.

“Ang ganda!”hindi ko mapigilang sambitin nang makarating kami roon. Hindi naman na mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang lugar.

“You know what? When I tried to visit those places that we visited together, it doesn’t feel the same way… you left big impact in those places. Pakiramdam ko no’ng iniwan mo ako, iniwan mo rin ang presensiya mo sa mga lugar na ‘yon. Wala man lang matakasan dahil bawat lugar, ikaw lang ang nakikita ko.”aniya kaya napatingin ako sa kaniya.

Same? Kaya nga kaysa roon ako sa nga lugar na napuntahan na namin, I tried to visit different places.

“Paano pa kapag nilibot natin ang buong mundo tapos biglang naghiwalay ulit tayo?”hindi ko mapigilang ilahad ang opinyon ko. Hindi pa naman kami ulit pero paano lang? Parang wala ka na talagang matatakasan kung sakali. Agad kumunot ang noo niya sa akin dahil do’n.

“What? Are you planning on leaving again?”tanong niya.

“Paano nga lang?”tanong ko naman na nakanguso. Hindi naman siya nagsalita ngunit kita ko ang simangot sa kaniyang mukha.

“Stop thinking about something like that, I won’t let you leave me again.”aniya sa akin bago pinitik ang noo ko.

Nang matapos kami sa pamamasyal doon, nagtungo naman kami sa skyranch dahil parehas kaming ayaw munang umuwi. Parang hindi na pagod sa shoot, well, pahinga naman namin ‘to kaya ayos lang.

Kung ano anong rides lang ang sinakyan namin. Late na nang bumyahe kami pabalik ng manila.

“Pares? Treat ko!”nakangiti kong saad. Parang ayaw ko pang umuwi. Gusto ko lang sulitin ang gabi na kasama siya. Agad naman siyang tumango, isa rin ang isang ‘to parang ayaw ding umuwi. Nang makabili na kami’y imbis na iuwi na lang ay dito pa kami kumain. Kung ano ano lang ang pinagkwentuhan naming dalawa.

Napag-alaman ko na he visited paris din pala, months before pumunta ako roon.

“Your mom said na bumibili ka ng copy ng libro ko? Totoo ba ‘yon?”tanong ko. Hindi ako naniwala kay Tita dahil parang nagbibiro ito no’ng sabihin niya ‘yon.

“Yeah, nabasa ko ang ilang libro mo at kita ko naman kung paano mo nalibang ang sarili sa iba’t ibang lugar na nabisita.”aniya sa akin at ngumiti.

“I don’t know if I ever told you this but congrats, Iska. You deserve all the recognition. Job well done.”aniya bago ginulo ang buhok ko. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa kaniyang tinuran.

“Thank you…”pabulong na saad ko.

“I was too annoying that time, sorry kung sa tingin mo hindi ako nagtiwala sa kakayahan mo…”aniya na tila ba bitbit bitbit pa rin ‘yon.

“No. I know you just want the best for me, naiintindihan ko na ngayon. Hindi ikaw ‘yong walang tiwala sa akin. Maybe it’s really me? Hindi ako nagtiwala na kaya ko…”natatawa kong saad.

“It’s done. Parehas tayong natuto.”sabi ko at ngumiti.

Nang matapos kaming kumain ay inihatid niya na rin ako sa condo ko.

“Iska…”tawag niya sa akin.

“Hmm?”tanong ko na nilingon siya. Ang hilig niyang tumawag kapag nasa condo na kami.

“I’ll court you…”sambit niya kaya agad ko siyang nilingon. Napaawang naman ang mga labi ko roon. Akala ko’y naglalandian na kami?

“I want to have serious relationship with you. Let me court you…”nakangiti niyang saad sa akin. Hindi ko maman alam ang sasabihin ko kaya napatango na lang. Ni hindi nga kami nagligawan noon tapos ngayon ay ganito? Saka marunong ba ‘yang isang ‘yan na manligaw? Parang hindi.

“Good night, Future gf.”aniya pa bago ako hinalikan sa noo. Hindi ko naman mapigilang mapatawa roon. Hindi tuloy mawala ang malapad kong ngiti nang makarating kami sa tapat ng building ng condo.

Take two, pleaseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin