Chapter 4

919 32 0
                                    

Chapter 4
Iska’s POV

Mahabang katahimikan naman ang naganap at parang gusto ko na lang agad kainin ng lupa sa kahihiyan. Iska naman, ang aga-aga pa para sa katangahan mo.

“Ahh. Sorry, Sir!”sambit ko at agad na yumuko. Natawa naman sa akin si Mr. Tan at ang ilang higher ups.

“You have a really nice name, Ms. Iska.”ani Mr. Tan sa akin.

“Thank you po, Sir.”sambit ko na lang para mabawasan ang kahihiyan.

“Advance ka mag-isip, Iska! Balak ko pa namang tanungin name mo. Clark nga pala.”anang assistant director na si Mr. Clark. Agad ko namang nakita ang masamang tingin sa akin nina Ms. Baltazar at ilan pang kasamahan ko rito sa trabaho. Napatikhim naman ako dahil para akong nasa isang hawla ng mga leon na isang galaw mo lang, tigok ka.

Mabuti na lang din ay gusto ng magsimula ni Direct Silas kaya naman kaniya kaniya na kaming balik sa mga pwesto namin.

“Anyare, Girl?”tanong ni Niel sa akin.

“Wala naman.”sambit ko at umiling lang. Matagal niya lang akong tinignan saka siya napakibit ng balikat.

“Tara na kung ganoon.”aniya at inaya na ako para tumulong sa kanila. Ang daming tinuturo sa akin ni Niel, talaga namang kinakabisado ko dahil ayaw ko sa lahat ay ang maging pabigat sa ibang tao, alam kong pabigat na ang tingin sa akin ng mga kapitbahay namin at maski nina Mama pero as much as possible ayaw kong maging tama ang mga kataga nila.

“Sa industriyang ‘to, ang kayang sumikmura ang siyang magtatagal. Ang matatag ang siyang matitira.”aniya pa. Mabuti nga’t nagagawa niyang ituro sa akin ang mga bagay na kailangan kong malaman despite her busy schedule, ang dami rin kasing inuutos ng mga tao. Hindi pala madali.

“Miss, buy me expresso.”anang isang artista sa akin. Agad naman akong tumango.

“Just two.”aniya habang nasa may script ang tingin. Gusto kong basahin ang script pero niyan na siguro, marami pang dadating na pagkakataon, sigurado ako roon.

“Punyeta naman, bakit ngayon pa?”bulong bulong ko nang makita ang heels ko kung paano ‘to bumababa, sa tagal ko ba naman kasing hindi na gamit. Bahagya pa akong napatikhim nang makitang may tao pala sa gilid ko, kita ko si Direct Silas na mukhang ay kausap, mukhang ako pa ang nakaabala sa kaniya kaya tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Noong una’y sa mukha ko lang ‘to nakatingin hanggang bumaba sa may paa.

Napapikit naman ako dahil ilang kahihiyan ba ang dadanasin ko ngayon. Sa hiya ko’y hindi ko na siya binati pa at dire-diretso na lang sa paglalakad paalis. Nagtungo muna ako sa gilid para ilagay ang heels doon dahil maabala lang ako. Mukha pa naman kasing nagmamadali ‘yong artista. Nang sa wakas ay maalis ko na. Nanakbo na ako sa malapit na coffee shop, babalikan ko rin naman ‘yon, sa ngayon, ayaw ko lang ng sagabal. Medyo mainit pa ang semento ngunit wala na akong oras para magreklamo pa.

Napatingin pa sa akin ang guard, hindi alam kung papapasukin ba ako dahil nakatapak pero nang makitang matino naman ang itsura ko’y pinapasok din sa huli. Aba’t kung hindi ba’y hindi rin talaga ako makakapasok? Paano kung may pambili naman talaga ako ng kape, wala nga lang ng tsinelas? Nailing na lang ako sa naiisip ko.

Nang tuluyan nang makabili’y bumalik na ako sa set ng dusk para ibigay ang order nito.

“I don’t like expresso na pala, can I just have hot choco or anything sweet?”tanong niya sa akin. Gusto kong magsalita at sabihing sana’y sinabi niya ngunit napatango na lang ako. Ano nga bamg karapatan kong magreklamo e trabaho ko ‘to.

Kita ko ang tingin ng ilan sa paa ko ngunit hindi ko na pinansin pa. Diretso lang ang lakad ko palabas. Patawid na sana ako nang may magsalita sa gilid ko.

“Next time, wear something more comfortable.”sambit nito. Halos mapatalon ako sa gulat nang tignan si Direct Silas na siyang nandito pa rin pala. Kakakita ko lang sa kaniya sa loob kanina, huh?

“Here.”aniya na iniabot ang isang pares ng tsinelas na mukhang sa kaniya.

“Mukha naman akong mcdonald sa laki ng paa mo.”hindi ko namalayan na ang bulong ko lang kanina’y naging bulalas na. Nakatingin lang siya sa akin, hindi nagsasalita kaya napatikhim ako.

“Hehe, huwag na ho, Sir,”sambit ko sa kaniya.

“Bahala ka.”aniya na iniwan ang tsinelas sa tabi ko at pumasok na muli. Hindi man lang namilit ng kaunti. Natawa naman ako sa naisip ko. Ewan ko sa’yo, Iska.

Nagpatuloy na lang din ako sa trabaho kalaunan. Halos hindi ako makapagpahinga dahil halos kami talaga ang inuutusan ng mga ito. Well, trabaho naman namin ‘to kaya wala kaming karapatang magreklamo. My day became really tiring. Pagod na pagod ako nang makarating ako sa apartment.

Abala naman ang mga kasama ko rito. Hindi na ako nag-abala pang bumati, dire-diretso na akong nagtungo sa cr para maglinis ng katawan. Pakiramdam ko’y nabigla ako, paano’y palabas pasok ako sa set, ang dami pala nilang inuutos.

Kumakain na ako ng ramen nang makita ko si Leo na papasok, mukhang pagod na pagod din ang isang ‘to. Hindi ko natanong kung anong trabaho niya sa media star kanina.

“Psst.”tawag ko sa kaniya.

“Uyy, nandiyan ka na pala,”ngumiti siya kshit halatang gusto ng mahiga agad.

“Anong trabaho mo sa media star? Bakit ka nandoon?”tanong ko sa kaniya. Napatikhim naman siya sa tanong ko at bahagyang napanguso.

“I think I won’t be able to answer your question.”aniya nang natatawa. Napatango na lang din ako. Hindi ko naman gawaing makiusisa, kuryoso lang talaga ako kaya nagtanong. Kumuha na rin siya ng damit bago nagtungo sa cr.

Kahit na pagod, hindi ko pa rin nakalimutang magsulat sa journal ko dahil hindi ko magagawang makatulog hanggang hindi ‘to nagagawa. Nagawa ko ring magsulat ng ilang scene sa sinusulat ko. Nang matapos ay dire-diretso na ang tulog ko hanggang sa tuluyan nang mag-umaga.

“Iska, may tinda akong ulam dito sa baba, baka hindi mo alam, bili ka na lang kapag gusto mo.”sambit sa akin ni Aling Nora. Tumango lang naman ako dahil alam ko naman na mayroon.

Maaga naman akong nakarating sa may set ng Dusk. Agad akong binati ni Niel na siyang maaga rin pa lang pumapasok.

“Aga mo ahh? Sana always!”natatawa niyang saad sa akin. Ngumiti naman ako at napakibit ng balikat sa kaniya.

“Niel, pakisundo raw sina Julian.”ani Ms. Baltazar.

“Tara, Iska.”aniya sa akin kaya tumango ako. Sumakay naman na kami sa sasakyan para sa lahat.

Napatingin naman ako sa ilang artistang pumasok sa van. Hindi ko maiwasang mamangha dahil para silang mga anghel, ang gagaganda. Mahilig akong manood sa television kaya naman memoryado ko ang lahat ng artista lalo na sa media star. Ang media star kasi ang pinakasikat na agency dito sa pilipinas. Lahat ng kilala at batikang artista ay narito. Isama mo pa ang mga sikat na writers at directors kahit sa ibang bansa ay pinapanood ang mga palabas na galing dito.

“Isa ka ba sa mga assistant na nag-apply dahil gustong makita ang mga artista?”tanong sa akin ni Niel.

“Hmm, iba ang gusto kong makita.”sabi ko naman at napakibit ng balikat. Well, maliban doon, I really want to gain experience at alam kong dito ko ‘yon makukuha.

“Let’s buy some coffee first. Mocha ang like ni Direk, right?”tanong ni Julian kina Kendy. Ayaw ko mang makinig sa usapan nila, dinig na dinig naman ang mga tinig ng mga ito.

“Ang gwapo ni Direk kahit araw araw niya pa akong sungitan, hindi ako magagalit.”sabi naman ni Kendi.

“Monique can’t relate.”natatawa nilang pang-aasar sa isang artista na kasama nila.

“Oh, shut up, as if you didn’t cry because of Direk Silas.”sambit naman no’ng Monique.

“Well, he’s not up with serious relationship pero atleast natikman ko naman. Sarap niya, Girl.”sabi ni Julian kaya halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nito. Nagpigil naman ng tawa si Niel dahil sa naging reaksiyon ko.

Kilala kasi si Julian bilang mahinhin na artista, well, sa harap ng camera. I don’t really judge pero hindi ko lang inexpect na manggagaling sa kaniya, mukha kasi siyang hindi makabasag pinggan.

Infairnsess, ganoon kagwapo si Direk na kahit mga artista’y gugustuhin siyang makadate and hindi na rin ako magtataka kung talaga ngang madami na tanong napaglaruan. Sa muscle niya ba naman parang kahit na sino’y kaya niyang ibalibag. Gaga ka, Iska.

I’m not really his fan pero may mga alam ako tungkol sa kaniya dahil sobrang sikat niya kahit hindi naman siya artista and I kinda search him dahil sa mga achievements niya sa buhay. Ang ending ay mainggit lang ako dahil 2 years lang ang tanda niya sa akin pero sobrang layo na ng narating niya. Habang ako’y nakatapak pa rin sa putikan.

“What about sweets? What do you think? Gusto niya kaya?”tanong ni Julian sa mga kaibigan.

“I don’t know? He’ll just probably throw it away?”patanong na sagot ni Kendi.

“No, he won’t. Ako nagbigay e.”sabi ni Julian kaya nagtawanan sila.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa set ng dusk. Kaniya-kaniya naman na silang tungo sa mga kasama nila. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa gagawin ni Julian, bahagya akong kinabahan para sa kaniya. Humahanga talaga ako kapag babae nagfifirst move, I mean paano? Paanong mag-ipon ng lakas ng loob.

Hindi naman dinig dito ang usapan nilang dalawa ngunit agad kong nalaman na hindi tinanggap ni Silas ng binibigay ni Julian nang nakasimangot na umalis ito habang dala dala pa rin ang mga pagkain na para sana kay Silas. Sayang naman. Ni hindi nga siya tinapunan ng tingin nito. Akala mo naman ay may bayad ang pagsulyap. Napanguso na lang ako at nailing. Bakit nga ba ako nangingialam sa kanila?

“Iska, pakiprint ‘yong copies ng mga script. Thanks!”sambit ni Niel at kumaway pa. Agad naman akong napatango roon. Medyo excited din dahil may pagkakataon ako para makapagbasa.

Agad akong nagtungo sa office para magprint. Noong una’y pahapyaw hapyaw lang ang pagbabasa ko hanggang sa hindi ko na maiwasang basahin ng buo. Seryosong seryoso lang ang mukha ko habang nagbabasa kahit na pa masaya ang scene. Hindi ko maiwasang mamangha dahil ang galing ng pagkakasulat. Bahagyang may kumurot sa parte ko.

“Boba, Iska, huwag ka ngang panghinaan ng loob, if you want your script to be like that, write better.”pagpapalakas ko ng loob ko ngunit agad napatalon sa gulat nang makita ko si Silas na nakatayo sa may pintuan. Punyeta, para akong mapapatay nito sa kaba.

“What are you still doing here? Kailangan na ang mga script.”masungit niyang saad sa akin. Napatikhim naman ako, bahagyang namumula ang mukha. Sana naman hindi niya narinig…

“If you still want to work here, work better.”aniya pa na kinuha ang isang script sa kamay ko. Narinig niya! Kainis, chismoso!

“I’m not chismoso, you’re blabbering to yourself.”aniya kaya nanlaki ang mga mata ko at tinikom na lang ang bibig ko. Hindi ko pa maiwasang hindi na lang mag-isip at baka mamaya’y masambit ko nanaman ang nasa isip.

“Sorry, Sir!”nakanguso kong paghingi ng tawad. I can’t lose it yet. Hindi naman siya nagsalita at nagpatuloy na lang sa paglalalakad palabas ng office. Naiwan naman tuloy akong kinukurot na lang ang sarili.

“You won’t come?”tanong niya nang nilingon ako. Nakataas pa ang kilay habang nakatingin sa akin.

“Susunod na po.”sambit ko at bahagya pang nataranta habang kinukuha ang mga script na nagkandahulog pa dahil sa pagmamadali ko. Punyeta naman, Iska. Anong katangahan nanaman ‘yan? Isa sa pinakaayaw ko kapag natataranta ako’y hindi ako makapag-isip ng maayos. Kainis.

Para pang bomba si Direk na siyang nakatayo pa rin sa may pintuan at hinihintay ako. Pupwede naman kasing mauna na, hindi ko naman hawak ang camera.

“Pero hawak mo ang script.”aniya kaya napapikit na lang ako. Iska, tanga ka?

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now