Chapter 50

1.1K 29 0
                                    

Chapter 50
Iska’s POV

“Subukan mo lang, kokonyotan kita.”ani ko nang sabihin ni Silas na gusto niya raw akong makita.

“I just said that I want to see you, I didn’t say that I will.”aniya kaya sumigaw ang mga kasama ko rito.

“Sus, kunwari pa! Ganiyan ka pala kapatay na patay, Direk!”natatawang saad ni Leo.

“Huwag kang mag-alala, Direk, hindi mabobored future misis mo rito.”sambit naman ni Marisa at naghagikhikan pa silang tatlo nina Esme. Hindi ko naman maiwasan ang mapailing dahil sa mga ito.

“What?”tanong ni Silas.

“Huwag mo na lang pansinin, mga sira lang talaga ang mga ito.”sambit ko sa kaniya.

“Bye na! See you tomorrow, bf!”ani ko bago siya pinatayan ng tawag.

“Mapapasana all ka na lang talaga oh, when kaya?”malakas na tanong ni Marisa. Nailing na lang ako bago siya nginisian.

“Bakit hindi mo na lang balikan ex mo kaysa nagwhewhen ka riyan?”sabay sabay naming tanong na tatlo ngunit agad din naming tinignan si Esme na sinamaan lang kami ng tingin. Hindi ko naman maiwasang mapatawa dahil agad kaming nginiwian ni Esme.

“Tigilan niyo nga ako.”aniya na umirap pa sa amin.

“Balita ko pupunta ex mo ahh?”nakangising tanong ni Leo sa kaniya.

“Kasama girlfriend.”panggagatong ko naman.

“Edi kayo na kasi binalikan ng ex, sana all na lang.”sabi naman ni Marisa, kinampihan si Esme. Asaran lang kami nang biglang magsalita si Marisa.

“Ang boring naman, wala man lang alak.”ani Marisa. Ngumisi naman si Leo habang dahan dahang tinataas ang alak na dala. Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan.

“Hoy, grabe naman, ikakasal na ako bukas, baka gusto niyong lasing akong maglalakad sa altar.”sabi ko na sinamaan siya ng tingin.

“Gaga, kaunti lang naman saka hindi ‘to para sa’yo, para sa amin.”natatawa niya pang saad.

Halos manlaki ang mga mata namin nang agawin ni Esme ang alak at dali daling tinungga.

“Hoy!”malakas naming sigaw habang hinihila ‘yon sa kamay niya ngunit hindi siya nagpaawat.

“Gaga ka kasi, Leo!”sabi ko na nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa gulat.

Maya-maya lang ay bagsak na si Esme, kapag ‘to ‘di nakaattend ng wedding ko, nako.

“Hala! Sorry!”sabi ni Leo na hinila pa si Esme para ihiga sa kama. Naiiling na lang kaming natawa dahil do’n.

“Gaga ka, isa ka rin, Iska, bakit pinaalala mo pa kasing may girlfriend ang ex niya.”sabi ni Marisa na nailing pa sa akin. Napanguso naman ako at medyo naguilty din habang tinitignan si Esme.

Maaga tuloy kaming natulog, ang gusto pa man din nilang mangyari’y walang tulugan.  Mabuti na lang din at hindi natuloy pero kahit naman matulog kani ng maaga’y hindi pa rin talaga ako nakatulog dahil hindi ako mapakali. Masiyado akong excited para sa kasal namin ni Si. I can’t believe I’ll be marrying him tomorrow. Magiging misis na talaga ako.

Nagising din ako kinaumagahan na hindi rin gaanong nakatulog.

“Ang ganda mo, Ate.”nakangiting puri sa akin ni Chico na siyang sinang-ayunan naman ni Lebon.

“Ang bolero niyo.”natatawa kong saad sa kanila. Napangiti na lang habang tinitignan ang sarili sa salamin.

“Ma!”reklamo ko kay Mama nang makita ko siyang umiiyak.

“Sorry.”aniya na pinapahid ang luha niya.

“Masisira pa make up mo niyan, Ma.”sabi ko sa kaniya.

“Sorry… naalala ko lang ang Papa mo… paniguradong maiinggit ‘yon. Pangarap pa naman no’n na ilakad ka sa altar.”aniya. Hindi ko rin tuloy mapigil ang luhang unti-unting namuo dahil sa sinabi niya.

“Oks lang na umiyak ka, te, waterproof ‘yang make up mo.”sabi ni Chico. Nailing na lang ako sa kaniya habang pinapahid ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Para kaming mga sirang nag-iiyakan habang nasa dressing room. Maya-maya lang ay pinatawag na kami, si Lebon at Mama ang maghahatid sa akin sa altar.

“You’re really getting married today, Ate…”ani Lebon habang nakatingin sa akin.

“Huwag mo akong tignan ng ganiyan, naiiyak ako.”sambit ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa aking tinuran.

“You’re always been my inspiration, Ate… sabi ko noon, baka hindi ko kayanin mag-aral kung magdodoctor ako. Baka hanggang pangarap na lang. Hindi mo man alam, sa tingin mo man lahat ng tao tingin sa’yo pariwara but kami ni Chico? We know that you’re brave. Brave enough to walk towards the road that many won’t take.”aniya na ngumiti sa akin.

“Thank you, Ate… sa lahat.”aniya pa.

“Para ka namang sira oh, mamamatay na ba ako, bakit ka ganiyan?”natatawa kong saad habang pinapahid ang luha. Mabuti na lang talaga ay waterproof ‘to kung hindi baka hindi na natuloy tuloy ang kasal kakaretouch.

Maya-maya lang ay pinalabas na kami sa kotse. Kasabay ng paglakad ko sa aisle ang tugtog.

“I won’t last a day without you”-Carpenters.

Day after day I must face a world of strangers
Where I don't belong, I'm not that strong
It's nice to know that there's someone I can turn to
Who will always care, you're always there

Ramdam ko ang kaba habang naglalakad sa aisle. Lahat ng mata’y nasa akin, hindi ko alam kung paano ako kakalma.
When there's no getting over that rainbow
When my smallest of dreams won't come true
I can take all the madness the world has to give
But I won't last a day without you

Kita ko ang malapad na ngiti ng mga bisita sa akin, nang dumako sa harapan ang tingin ko, kitang kita ko si Silas na siyang nasa akin lang din ang mga mata.
So many times when the city seems to be
Without a friendly face, a lonely place
It's nice to know that you'll be there if I need you
And you'll always smile, it's all worthwhile

Hindi ko na mapigilan ang luha. Ang galing lang talaga… noong nagpunta ako ng manila, ang panalangin ko lang maging successful ako sa buhay ngunit hindi lang ‘yon ang ibinigay… binigyan Niya akong siya…
When there's no getting over that rainbow
When my smallest of dreams won't come true
I can take all the madness the world has to give
But I won't last a day without you
Someone who will let me know how good I am kahit na mismong ako, hindi ganoon ang tingin sa sarili.

Touch me and I end up singing
Troubles seem to up and disappear
You touch me with the love you're bringing
I can't really lose when you're near
When you're near, my love
If all my friends have forgotten half their promises
They're not unkind, just hard to find
One look at you and I know that I could learn to live
Without the rest, I've found the best

Napangiti na lang din ako nang papalapit na sa kaniya. May binubulong pa si Kuya Axel sa kaniya ngunit hindi niya panapansin.
When there's no getting over that rainbow
When my smallest of dreams won't come true
I can take all the madness the world has to give
But I won't last a day without you

“Finally, ikakasal ka na, Iska, basta alam mo na, apo lang sana.”sabi ni Mama sa akin nang ibibigay niya na ako kay Sila. Nailing na lang ako sa kaniya dahil do’n.

“You’re still my Ate, right?”tanong ni Lebon sa akin kaya natawa ako ng mahina. Ano naman akala nila? Mawawala na ako.

“Of course.”natatawa kong saad sa kaniya.
When there's no getting over that rainbow
When my smallest of dreams won't come true
I can take all the madness the world has to give
But I won't last a day without you
Won't last a day without you, without you

“Hi,”nakangiti ko bang bati kay Silas nang ikawit na sa kaniya ang kamay ko.

“Luh, bakit ka umiiyak? Takot ka ba biglang pakasalan ako?”nanliliit ang mga mata kong tanong sa kaniya. Napatawa naman siya sa tinuran ko.

“Of course not, I just can’t believe that I’ll be marrying you today…”aniya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Maya-maya lang ay nagsimula naman na ang wedding ceremony, parehas kaming emotional.

"I, Silvano Lucas Herrera take thee, Iska Sumilang, to be my wedded wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith."hindi ko mapigilan ang luha mula sa mga mata ko habang nilalagay niya ang singsing sa aking mga daliri.

“You’re the perfect example of God’s perfect timing. Hindi ko alam kung paano nagsimula basta nagising na lang ako isang araw na ikaw na ‘yong nakikitang babaeng dadalhin sa altar, kasamang bubuo ng pamilya, kasama sa lahat… I always thank Him for giving us second chance… sa pangatlong pagkakataon ibinigay ka Niya ulit sa akin… now… I won’t let you go…”aniya habang nakangiti sa akin. Pinahid ko muna ang luha mula sa mga mata ko. Tumikhim pa bago nagsalita.

“Hi, noong nagpunta akong manila, isa lang ‘yong gusto kong mangyari. I want to finally fulfill my dream then you came… I wasn’t really looking for love but sino ba naman ako para tanggian ang grasya?”ani ko kaya bahagyang natawa ang mga nasa simbahan. Natawa rin siya dahil sa sinabi ko.

“Hindi ko alam no’ng una, sino ba naman ako para magustuhan mo, ‘di ba? But I’m glad you walk into my life… from this day onwards I will be your home…”nakangiti kong saad sa kaniya.

“Can we skip the reception? I want to go home with you…”pabulong niyang saad nang matapos ang wedding ceremony at patungo na kami sa pagganapan ng event. Hindi ko naman maiwasang matawa sa kaniya.

“Marami kang bisitang inimbita, magtigil ka.”sabi ko sa kaniya.

Nang makarating kami sa venue, agad kaming sinalubong ng palakpakan ng mga tao. Inulan din kami ng bati mula sa kanila. 

Nagsimula na rin agad ang mga ganap nang dumating kami. Ni hindi kami magpahiwalay ni Silas buong araw kaya naman agad na napuna ng mga kaibigan.

“Pakawalan mo naman ‘yan, Silas, ikaw din kapag nagsawa ‘yan.”pang-aasar ni Pulo sa kaniya.

“Saka ka na magsalita kapag ‘di na sawa sa mukha mo misis mo.”sabi ni Silas kaya napatawa kami. Inakbayan lang naman ni Pulo si Leo na siyang tinulak lang siya.

“Magsilayo nga muna kayo, kami naman muna rito.”sabi nina Marisa na hinila pa kaming dalawa ni Leo palayo sa aming nga asawa.

“Retohan niyo nga ‘tong mga kaibigan namin para ‘di medyo bitter.”sabi ni Leo kaya natawa ako. Si Esme at Marisa naman ay napairap na lang.

“Grabe, te, kasal ka na talaga, tagasana all na lang talaga kami ni Esme.”sabi ni Marisa.

“Anong tagasana all si Esme? Nakita ko ‘yan kanina kasama ex niya.”natatawang saad ni Leo. Inirapan naman siya ni Esme dahil do’n.

“Gaga, nadaanan lang.”ani Esme na napailing pa.

“Gaga ‘tong si Esme dumating dito na may hang over pa, buti na lang nakaabot!”natatawang saad ni Marisa. Napanguso naman si Esme dahil do’n.

“’Yan tungga pa.”natatawa kong saad sa kaniya. Inasar asar lang naman namin siya. Ni hindi na namin namalayan ang oras dahil kami lang ‘tong nag-uusap dito, kwentuhan lang tungkol sa kung ano ano, saka lang ako tumayo nang tawagin ako nina Mama at kausapin ko raw ang ibang mga bisita. Kasama ko naman na si Silas na nililibang ang mga bisita namin.

Ganoon lang kami hanggang sa matapos ang event. Ngalay na ngalay ako kakatayo, pakiramdam ko nga’y namaltos na ang paa ko. Napatingin ako kay Silas nang buhatin niya ako na parang sa ginaw niya kanina.

“What are you doing? Parang tanga ‘to.”natatawa kong saad. Inupo niya naman ako at maya-maya lang ay inalis na ang sandals ko. Pinigil ko naman ang mapangiti sa simpleng gesture niya na ganito.

“Finally, alone time with you…”aniya na ngumiti pa sa akin.

“Can we go home now?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako dahil wala naman na kaming mga bisita.

“Now, should we make our gift for our moms?”pabulong na saad niya.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now