Chapter 15

829 26 0
                                    

Hi, for clarification lang po, I don't really know how it work sa mga production assistant sa showbiz and ibang bagay din po doon so I made some rules na lang sa media star like lahat po ng PA sa company mag-aapply then sila ang mag-aassign sa kung saan sila magtatrabaho. Ganoon po. If my concern po, you can message me nicely. Sana nice po, AAHSGSGAHAHAHA.

Chapter 15
Iska’s POV

Nang matapos ang Dusk, tuwa na may halong lungkot ang naramdaman ng lahat. Kahit ako rin naman ay ganoon din, sa maikling panahon na nakasama ako sa pamilyang ‘yon, talagang naging masaya naman ako kahit na medyo pagod lang talaga. Worth it din ‘yong pagod at puyat dahil parang kasama ka talaga roon. Naging usapin pa kaya ng mga tao ang ending no’n. Paano’y sobrang ganda naman kasi.

Hindi naman ako mawawalan ng trabaho dahil sa set na ako ng Channel sa susunod na linggo. Si Silas, may bago muling project, ang alam ko’y magsstart na ang shoot nila next week. Hindi naman kasi nauubusan ng project ang isang ‘yon, laging kapag katapos ng isa, may panibago nanaman.

Ang ilang artista naman na kasama namin ay kasama ko rin si Channel, ganoon din si Niel, iba na ang magiging head namin ngayon, hindi na si Ms. Baltazar. Sina Ms. Eva naman hindi ako sure pero ang alam kong may up coming project din ngayon. Hindi pa namin nagagawa ang plano namin ni Silas dahil una pa rin ang trabaho syempre, saka ilang araw na lang no’n. Hindi pupwedeng pumalpak pa. Hindi ko alam kung kailan ang plano niya dahil hindi pa naman siya nagsasabi. Ilang araw pa lang kaming lumalabas labas na dalawa. Pakiramdam ko nga’y ako lang ang nakikinabang dito sa contract namin. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero baka unfair lang para sa kaniya.

“Iska! Nasa labas boyfriend mo.”sambit sa akin ni Leo na siyang may dala-dalang ulam habang papasok.

“Bakit daw?”tanong ko naman na kunot ang noo. Sinuklay ko lang din ang kulot kulot na buhok.

“Aba, malay ko? Bf ko ba ‘yon?”tanong niya naman na naniningkit ang mga mata.

“Bakit kaya? Wala kaming usapan ngayon.”bulong bulong ko nang palabas na ako.

“Anong ginagawa mo rito, Silvano? Hindi ba uso sa’yo ang text?”tanong ko sa kaniya. Nagtataka niya naman akong tinignan mula ulo hanggang paa.

“Saan ka pupunta?”tanong niya.

“Ako unang nagtanong.”sambit ko naman bago humalukipkip.

“Hmm, let’s date. Nakakadalawa pa lang tayo.”aniya sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

“Bukas na. Hindi ako pupwede ngayon.”sambit ko naman.

“Why? Huwag mong sabihing may kadate kang iba?”tanong niya na tinitignan pa ang suot ko. Nakacasual kasi ako samantalang kapag biglaan naman siyang pumupunta. Nakajersey short akong panlalaki habang nakashirt din na oversize. Dinekwat ko lang ‘yon sa mga kapatid ko. Mas komportable kasing suotin.

“Uuwi ako sa amin ngayon.”sambit ko kaya napatingin siya sa akin.

“Laguna? Hanggang kailan ka roon?”tanong niya. Nginisian ko naman siya at mapang-asar na tinignan. Well, alam niya kung saan ako nakatira dahil random kaming nag-uusap at napagkwentuhan namin ‘yon.

“Hindi ko naman alam na ganiyan ka pala kakuryoso sa akin. Baka imbis na makipagbalikan ka sa ex mo, Direk, mahulog ka sa akin.”mapang-asar kong saad. Nailing na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko.

“Hatid na kita.”sambit niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

“Ganiyan ka na ba kaburyo sa buhay mo, Silvano?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Just few dates at malalaman mo kung gaano kakulit ‘tong si Silas. Ibang iba sa direktor na nasa trabaho. He’s fun to be with. Ang daling maging komportable around him.

Take two, pleaseOnde histórias criam vida. Descubra agora