Chapter 32

736 20 0
                                    

Chapter 32
Iska’s POV

“Wow! Congrats, bf!”sabi ko habang patalon talon pa siyang niyakap. Napatawa naman siya sa naging reaksiyon ko. Nakuha niya na kasi ang private pilot license niya. Hindi ko lang mapigilang matuwa dahil sobrang dami niya kayang pinagdaanan para lang makuha ‘yon. Talagang naging busy siya sa dami niyang ginagawa.

“Pack up, we are going to paris.”aniya kaya agad nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman ako naniniwala dahil pakiramdam ko’y niloloko lang ako nito. Tinawanan niya tuloy ako dahil sa reaksiyon ng mukha ko.

“I’m serious, we both have our leave, right? Kakatapos lang ng mga shoot natin. Come on, pack up para mabilis tayong makarating doon.”aniya.

“Seryoso ba ‘yan?”tanong ko sa kaniya.

“Yeah,”natatawa niyang saad dahil mukha pa rin akong hindi naniniwala.

“Hindi ba pwedeng sa pilipinas muna tayo? Grabe naman, hindi naman sa wala akong tiwala sa’yo pero, bf, ayaw ko pang mamatay.”sambit ko kaya naiiling siyang natawa.

“Fine, where do you want to go?”tanong niya sa akin.

“Hmm, Siargao!”excited na saad ko dahil no’ng nagsearch kami ng magandang puntahan, iyon ang lumabas kaya lang ay wala kaming gaanong oras no’n.

“Alright. Let’s go to Siargao.”aniya na tumango sa akin. Akala mo’y nagtanong lang ‘to ng kung anong gusto mong candy.

“Hindi talaga joke?”tanong ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n. Umiling lang naman siya at sinabihan na akong magbihis at mag-impake na. Inihatid niya lang ako sa bahay bago siya umuwi sa kanila.

“Ikaw na kasi talaga, Girl.”natatawang saad ni Leo sa akin habang tinitignan akong mag-impake. Sus! Akala mo naman hindi nagpasama sa akin nitong nakaraan para sa first date nila dahil natatakot daw siyang maibigay ang bataan bigla.

“Sana all.”sambit naman ni Esme na siyang dito na talaga nakatira. As in may kama na rin siya, nagkaroon kasi ng bakante kaya lumipat na siya.

“Ewan ko sainyo. Bye na!”sambit ko nang tuluyan ng makapag-ayos.

“Bye, Sis! Ingat kayo, awrahan mo para hindi ka iwan.”sabi sa akin ni Esme. Napatawa lang naman ako at napailing sa kanila.

Sinabi ni Silas na susunduin niya pa ako ngunit pupunta na lang ako sa bahay niya dahil nga magmamaneho pa rin naman ‘to ng eroplano.

“Dito na ako,”sabi ko sa kaniya mula sa kabilang linya. Pinagbuksan naman na ako ni Manong Guard. Nandito ako sa bahay niya talaga ngayon. ‘Yong kay Tita medyo malayo pa ‘yon dito.

“Tara?”nakangiti niyang saad. Ang gwapo talaga. Boyfriend ko talaga ‘to?

“Bakit dito?”tanong ko nang paakyat kami sa bahay niya. Akala ko’y tutungo kami sa kung saan ngunit halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang helicopter na nasa rooftop.

“You really brought it?”tanong ko nang makita ‘yon. Akala ko’y binibiro lang ako nito ng sabihin niya sa aking bumili siya ng helicopter. 

“Yeah?”patanong na sagot niya naman. Hindi man lang niya nabanggit na nabili niya na. Ang dami pa naming ginawa bago kami tuluyang pumasok doon. May mga safety pa siyang sinasabi, nakinig lang naman ako. Maya-maya ay magsimula na siyang magmaneho. Hindi ko naman mapigilang mamangha sa kaniya. Wow, seryoso ba? Hindi lang magaling na direktor boyfriend ko, pilot na din.

Hindi ata ako nagsawa kakatitig sa kaniya habang nasa eroplano kami. Seryoso lang naman siya sa ginagawa niya.

“Para naman akong malulusaw sa tingin mo, Ms. Passenger.”aniya sa akin. Natawa naman ako at nagkibit ng balikat, akala niya ata ay hindi ko alam na ganito rin siya kung makatitig sa akin. Nahinto lang ako dahil sa ganda ng tanawin nang patungo na kami sa Siargao.

“Ang ganda!”manghang mangha kong saad habang nakatingin sa bintana. Nang magland kami’y excited na excited ako habang nilalabas ang mga bag namin. Atat na atat na akong magdagat at magsulat.

May sumundo rin sa amin nang makarating kami sa siargao. Napatingin ako kay Silas dahil mukhang kilalang kilala niya si Manong.

“That’s our caretaker. Mayroong private island si Mama dito.”sambit niya kaya hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Lagi naman kasing may private place ang mga ‘to. Isa pa lang ata ang napuntahan naming lugar na wala sila.

“Tara na.”aniya nang natatawa dahil sa itsura ko.

“Ang yaman mo masiyado.”nakangusong saad ko bago ako sumakay sa bangka na maghahatid sa amin doon. Hindi ko naman mapigil ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa ganda ng lugar. Ang sarap pa sa pandinig ng tunog ng alon. Heaven.

Nang makarating kami sa private island nila. Hindi ko maiwasang mapangiti bago dumeretso sa loob ng malaking parang kubo rito. Ang rest house nila. May munting duyan din sa gilid. Para kang nasa paraiso sa sobrang ganda.

“My ghad, are we really going to stay here? Hanggang kailan?”malapad ang ngiting tanong ko sa kaniya.

“For a week? Ikaw bahala…”aniya na nginitian ako. Tumango naman ako at tuwang tuwa pa rin habang papasok na sa loob.

Nag-ayos lang kami sandali, dito rin naman sila sa general luna, marami namang pasiyalan dito at uumpisahan nanamin puntahan maya-maya.

“Tara na!”excited na excited kong saad sa kaniya. Tinignan niya naman ako. Well, nakasummer dress ako, kinuha ko lang ‘to kay Leo dahil wala naman akong pangbakasiyon na damit. Backless ang likod kaya doon siya nakatitig.

“Ano?”tanong ko na pinagtaasan siya ng noo.

“Hindi naman kaya magkapneumonia ka niyan?”tanong niya sa akin.

“Gago, dali na!”sambit ko kaya tumango na lang siya at sumunod sa akin.

As usual nagbangka ulit kami. Kausap niya naman si Manong, mukhang hindi lang naman ‘to ang unang beses niyang magpunta rito.

“Magtric na lang kayo, Silas, baka bukas niyo pa magamit ‘yon or kung gusto mo’y magrent na lang din kayo ng mga motor. Mayroon naman diyan.”sabi ni Manong sa kaniya. Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila.

“Arkila na lang kaming tric siguro, Manong Pet.”ani Silas.

“Ikaw bahala, basta nandito lang naman ako kung may tanong kayo o ano.”aniya.

“Thanks po.”sambit ni Silas kaya napangiti na lang ako.

Nagtric lang naman kami patungo sa mga kaininan dito. Habang nasa daan, hindi ko maiwasang mapatingin sa labas, ang ilang bahay ay gawa sa mga kahoy but still, ang gaganda pa rin. Ang sarap pa ng hangin kumpara mo sa polluted na lugar. Talagang magkakaroon ka ng peace of mind sa pananatili dito. Hindi ko maiwasan ang ngiti mula sa aking mga labi habang nakatingin sa labas.

Nalilibang din si Silas habang pinagmamasdan ‘yon, tahimik lang kaming dalawa. I wasn’t fond of travelling… noon… hindi ko alam na ganito pala ‘yon kasaya. Hindi ko lang maiwasan ang ngiti ko.

Nang makarating kami sa restaurant na kakainan, nililibang ko lang ang mga mata ko sa kung gaano kapayapa ang lugar. Ang dami naming seafoods na nakain, well, ang sarap pa ng crabs.

“Ako magbabayad.”sambit ko na masama ang tingin sa kaniya dahil nagbabalak nanaman siya na akuin ‘yon. Siya na nga ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon tapos aangal pa siya? Hindi naman pupwede ‘yon.

“Come on, it’s my treat, it’s celebration for my pilot license.”aniya kaya umirap ako.

“Wala ganoon, ilang beses mo na bang nagamit ‘yang palusot na ‘yan?”natatawa kong tanong sa kaniya. Sa huli’y wala siyang nagawa kung hindi ang hayaan ako. Alam kong marami siyang pera pero mayroon din naman ako. Hindi naman pwedeng siya na lang lagi.

Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na rin kaming mamasyal, una’y dito lang sa general luna hanggang sa mapagpasiyahan na rin naming magtungo sa may nake island, nagbabad lang kami doon, tuwang tuwa talaga ako sa white sand nila doon hanggang sa lumipat naman kami sa daku island. Kung ano ano lang ang ginawa namin. Sinubukan naming magsurfing na dalawa. Hindi ko naman maiwasang matawa nang mapasimangot siya dahil hindi siya marunong.

“Ano? Keri pa?”natatawa kong tanong sa kaniya. Inirapan niya lang naman ako. Ininggit ko lang siya dahil hindi niya magawa kung paano.

“Ayos lang ‘yan, nobody’s perfect.”natatawa kong saad kaya mas lalo niya lang akong inirapan.

Hinintay lang naming matapos ang sunset bago kami umuwing dalawa sa may rest house nila.

Imbis na magpahinga’y lumabas ako ng kubo nang makaligo na ako para magpahangin sa may ibaba ng puno ng buko. Sobrang presko sa pwestong ‘yon. Dinala ko lang ang bag ko at ang laptop. Hindi pa ako inaantok saka gusto kong sulitin ang place para magsulat. Sobrang sarap kaya sa pakiramdam.

“Hindi ka pa inaantok?”tanong sa akin ni Silas nang lapitan niya ako.

“Mamaya na.”sambit ko na naupo sa may ilalim ng puno ng buko. Tinabihan niya naman ako kaya pinagtaasan ko siya ng kilay ngunit hindi rin naman ako nagsalita, sinandal niya lang ang ulo niya sa akin. I don’t really mind that kaya lang ay mukhang pagod na ‘to.

“Tulog ka na muna, pasok na rin ako mamaya.”sambit ko sa kaniya.

“It’s fine. I’ll wait for you… write…”aniya dahil suportado niya ako rito. Napangiti na lang ako dahil do’n. Tahimik lang ako habang nakaupo sa upuan ko. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat, masiyado akong abala sa mga tinitipa ko kaya naman hindi ko gaanong pinagbabalingan ng pansin si Silas dahil madidistract ako sa kaniya, panigurado. Ilang oras ang nakalipas nang mapansin kong tulog na ito habang nakasandal sa akin. Hinayaan ko siya roon, hindi ako gumalaw dahil ayaw ko naman na magising ako.

Tanging ang hampas ng alon sa dalampasigan, sumasayaw na mga dahon at lakas lang ng tibok ng puso ko ang maririnig. Kahit pala kami na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Maya-maya lang ay gumalaw na siya at nilingon ako.

“Done?”tanong niya kaya ngumiti ako at umiling bago kinuha ko naman ang notebook ko sa bag para magsulat sa journal ko. Well, poetry lang naman. Sinulat ko lang kung anong nararadaman ko ngayon.

“What about my poetry? You didn’t even write me one. Nagbirthday ako na wala man lang kahit bati galing sa’yo.”pagtatampo noyang saad na siyang tinawanan ko lang.

“Nagpunta ako sa party mo.”sambit ko sa kaniya kaya agad siyang napatingin sa akin.

“Bakit hindi kita nakita?”tanong niya. Nakataas pa ang kilay, hindi ko alam kung naniniwala ba o ano.

“Hindi ako tumuloy…”sambit ko at napanguso.

“That day, sinabi ni Eva sa akin na kayo na raw.”ani ko kaya kumunot ang noo niya.

“We didn’t even talk.”sabi niya.

“Hindi nga talk, chukchakan lang.”sambit ko kaya nginiwian niya ako. Hindi sanay sa ginagamit kong salita. Napatawa naman ako sa reaksiyon niya.

“True naman, kita ko ‘yong picture niyo, nakaselfie siya sa may dibdib mo habang tulog ka, halatang pagod na pagod.”sambit ko kaya agad niya akong tinignan ng masama.

“Simula no’ng magustuhan kita, I haven’t have sex with anyone.”sambit niya kaya nagkibit lang ako ng balikat.

“Ayos lang kahit makipagsex ka pa, hindi pa naman tayo that time saka wala naman sa contract ‘yon. Subukan mo lang talaga ngayon.”sambit ko at sinenyasan pa siya na kikitil ng buhay.

“I swear I didn’t really sleep with her.”aniya.

“Ayos na ho, hindi pa naman tayo no’n, alam ko naman kung gaano ka katinik sa babae.”natatawa kong saad ngunit napasimangot lang siya, gusto pa ulit magpaliwanag. Nagtitiwala naman ako sa kaniya lalo na ngayon na nalaman kong sinungaling pala talaga si Eva.  Ang galing din talaga ng isang ‘yon magpalabas na sila ni Silas.

“I have gift for you that time but I just chose not to give it to you. Mukha naman kasing kumpleto na birthday mo no’n.”sambit ko sa kaniya. Agad siyang napatingin sa akin.

“Where is it?”tanong niya pinagtaasan pa ako ng kilay.

“Tignan mo diyan sa bag, nandiyan pa ata kung hindi ko lang natapon.”sambit ko kaya agad siyang napasimangot.

“Bakit mo itatapon? Sa akin ‘yon.”aniya bago kinalkal ang bag ko, kita ko rin nakuha niya agad ‘yon. Matagal niya panh tinitigan ang maliit na box bago niya binuksan. Kita ko ang tuwa mula sa kaniyang mukha nang makita ang laman.

“Bakit ngayon mo lang ibinigay?”tanong niya na medyo masama pa ang loob. Malay ko bang gusto niya pa lang makatanggap ng regalo mula sa akin. Akala ko’y ayos na ayos na siya sa lahat ng natanggap niya noong birthday niya.

“Kasi ngayon ka lang nagtanong?”sambit ko naman at natawa bago sumandal din sa kaniya para panoorin ang pagkinang ng mga bituin.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon