Chapter 29

760 24 1
                                    

Chapter 29
Iska’s POV

“Iska, may tawag ka!”sambit ni Esme sa akin.

“Bakit nandito ka nanaman? Kulang na lang ay dito ka na tumira.”sambit ko sa kaniya.

“Gusto ko nga kaya lang ay wala pa namang space, next time na lang siguro.”aniya kaya nailing na lang ako.

Naalala ko no’ng inuwi namin siya ni Leo rito, halos maghesterikal dahil hindi niya alam kung nasaan siya but then no’ng nakita niya kami’y kumalma rin siya. Starting that day, halos araw araw na siyang nandito para lang makipagchikahan sa amin.

“Ewan ko sa’yo, ang laki laki ng bahay niyo!”sambit ko dahil si Trinity pala ang nag-aalalaga sa kaniya. She’s really rich. Napadpad lang diyan sa tindahan nina Aling Osang dahil nacar nap ang kotse niya.

Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko at umakyat pa sa kung saan ang kama ni Leo. Wala si Leo, busy ‘yon masiyado ngayon.

“I ordered some snack online. I don’t have cash with me.”sambit niya sa akin kaya agad ko siyang pinaningkitan ng mga mata.

“Pautang hehe.”aniya kaya nailing na lang akong inabutan siya ng pera.

Napatingin ulit ako sa phone ko nang tumutunog ‘yon. Kinuha ko naman ‘yon habang inaalis ang tuwalya sa buhok. Kita ko ang tawag mula kay Tita.

“Hello po, Tita?”bati ko sa kaniya.

“Hay nako! Sa wakas at sinagot mo rin!”sambit niya sa akin.

“Sorry po, Tita, nasa banyo ako kanina.”ani ko naman sa kaniya.

“Punta ka rito!”aniya kaya natahimik ako. Matagal akong hindi nagsalita para mag-isip ng palusot sa kaniya, maya-maya’y nagsalita na ulit ‘to.

“It’s my first month of being single, hindi ka pupwedeng tumanggi.”sambit niya sa akin mula sa kabilang linya.

“Ano, Iska? Aba’t ang tagal mo na akong hindi dinadalaw, baka naman gusto mo na akong bisitahin.”sabi niya pa. Hindi ko naman alam kung paano niya ako napapayag. Basta ang alam ko’y ginamit niya na talaga ang tampo mechanism niya.

“Papunta na riyan ang driver namin! See you!”sambit niya sa akin. Sasabihin ko sanang hapon na lang ako pupunta para mabilis lang ako ngunit agad siyang nagsalita, alam ko agad na hindi ako makakauwi ng basta basta. Si Tita pa ba?

Nag-ayos na lang ako, nagpaalam na rin ako kay Esme na siyang abalang nagsesenti sa taas.

“Alright, mag-uwi ka ng snack.”natatawa niyang bilin sa akin. Nailing na lang ako sa kaniya.

Napatikhim ako nang lumabas sa apartment. Kita ko si Silas na siyang nakatayo sa tapat ng kotse niya.

“Nagkabalikan na pala kayo, Hija! Tagal niyo ring hindi nag-usap na dalawa.”sambit sa akin ni Aling Nora, nangingisi pa sa akin. Napatikhim naman ako at umiling.

“Tara?”tanong ko na lang para iwasan ang mga pang-aasar nila. Hindi ko alam na family driver na pala si Silas ngayon. As usual tahimik lang kami rito, hindi kaya nagagalit si Eva na na nanunundo pa ang boyfriend niya ng ex? Well, hindi naman talaga kami mag-ex pero ganoon naman ang tingin ni Eva sa amin. Kung ako ang girlfriend niya, paniguradong magseselos ako kaya lang ay hindi niya naman ako girlfriend so yeah?

Maya-maya lang ay masa bahay na nila kami. Agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Tita nang makarating sa bahay nila. Tuwang tuwa ito na nakita ako.

“Ang tagal mong hindi ako dinalaw, nag-away lang kayo ni Silas pati ako damay, huh?”naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napanguso naman ako dahil do’n. Si Tita talaga ang ingay, kitang nandito rin si Silas.

“Medyo busy lang po talaga, Tita.”sambit ko.

“We? Bakit sabi ni Axel wala naman gaanong ginagawa sa set?”tanong niya kaya nailing na lang ako dahil wala talaga akong lusot. Sobrang daldal ba naman ng panganay niya.

“But you’re here now! Sure naman akong dadalaw ka na lagi, ‘di ba?”nakangiti niyang tanong sa akin. Napatikhim naman ako dahil do’n. Hindi ko rin alam kung paano sasagutin. Ayaw kong mangako ngunit no choice ako kung hindi ang tumango dahil alam kong hindi talaga ako titigilan ni Tita.

“Come on, let’s eat na, ang dami kong ipinahandang pagkain.”anyaya niya sa akin. Napanguso na lang ako at sumunod sa kaniya. Tahimik lang naman na naglalakad si Silas katabi namin habamg si Tita’y madaming kwento sa akin kaya nakikinig na lang ako. Minsan ay nakikisabay na lang din.

“Oh, nandiyan ka na pala, Iska!”nakangising saad ni Axel bago niya ako nilapitan at magtatangka pang mang-akbay kung hindi lang dumaan sa gitna namin si Silas na siyang dire-diretso lang sa dining room nila. Halakhak naman nitong si Axel ang narinig. May pagkasira rin talaga. Nailing na lang ako at hindi pinansin ang pang-aasar niya.

“Mabuti’t nagpunta ka rito miss na miss ka pa man din ni Lucas.”sambit ni Axel na malapad na malapad ang ngisi sa akin. Tawang twa naman siya nang ihagis sa kaniya anh tinidor na may tissue.

“Huminto ka nga, Axel,”sabi ni Tita sa kaniya. Patawa tawa lang naman si Axel na nagkibit ng balikat. Napailing na lang ako. Ang kulit kulit niya kasi.

Maingay si Tita at Axel habang kumakain kami, minsan ay napapatingin ako kay Silas. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang mata ko, kung mapipigilan ko lang pati puso ko’y pahihintuin ko sa pagkagusto sa kaniya.

“Ma, sayang ‘yang pinamili mo kung hindi mauubos.”sambit ni Silas na siyang nakatingin sa plato ko. Kumunot naman ang noo ko roon. Tapos na akong kumain, wala namang nasayang sa kinuba ko ahh?

“Oo nga, kain ka pa, Iska.”sabi ni Tita na nilagyan pa ang plato ko.

“Baka maempatso po ako.”sabi ko naman na napanguso pa. Well, hindi pa naman talaga ako busog, nakakahiya lang kumuha ng kumuha although si Tita naman ay gustong ipaubos ‘yon. Nilibang ko na lang din ang sarili sa pagkain.

Nang matapos kami’y may ihinhanda ng movie si Tita para daw habang nagpapahinga. Ang awkward ng pwesto dahil pakiramdam ko hindi ako makakagalaw ng maayos sapagkat katabi ko si Silas. Tapos isinisiksik pa kami ni Axel at ni Tita kahit na sobrang lawak naman talaga ng sofa nila.

“Ano ba, Kuya? Ang luwang diyan.”dinig kong sambit ni Silas sa Kuya niya na tinawanan lang siya at mas lalo pang siniksik. Sa kanilang dalawa mas mukha pang mas matanda si Silas sa sobrang kulit ni Axel.

Katulad na lang ngayon, hindi pa nakontento dahil parang tangang tinutulak sa gawi ko si Silas. Kapag uusog naman ako kay Tita’y nagrereklamo rin ito, huwag daw magulo dahil umpisa na ang palabas, halatang halata kung kanino nagmana ‘yang si Axel. Buong movie tuloy pigil lang ang hininga ko. Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive, sobrang lapit pa naman ni Silas sa akin.

“Let’s look at my plants, Iska, ang dami kong bagong tanim.”sambit ni Tita nang matapos kaming manood ng manood. Lumabas naman na kami para magtungo sa garden, mabuti na lang ay doon kami naging abala ni Tita, akala ko’y nakatakas na ako ngunit napagtanto kong hindi mo talaga matatakasan si Tita dahil tinawag pa si Silas para tumulong sa paglilipat lipat ng mga paso.

“’Yan tulungan mo si Iska, Nak.”aniya.

“Kaya ko na po.”sambit ko ngunit hindi rin naman nakinig si Silas.

Maghapon akong nanatili rito sa bahay nila, gabi na nang mapagpasiyahang umuwi or should I say nang payagang pauwiin. Halos ayaw akong paalisin nina Tita kung hindi pa naggabi.

“Nak, ikaw na ang maghatid kay Iska.”utos ni Tita kay Silas. Ito nanaman ang mga utos niyang hindi ko alam kung anong trip sa buhay, hindi ba nabanggit ni Silas na may bago na siya?

“Ayos lang po, Tita, magcocommute na lang ako.”sambit ko naman at tipid na ngumiti. Tumaas naman ang kilay ni Tita sa akin at halatang hindi talaga ako papayagan.

“Let’s go.”sambit ni Silas na tumayo na. Hindi naman ako agad tumayo dahil tinitignan ko siya. Paano kapag nalaman ng girlfriend niya na bumibisita ako rito? Ayos lang ba? Syempre, hindi.

“Ayos lang talaga.”ani ko at nginitian pa siya. Tinignan lang niya ako, mukhanh hindi rin papayag. Namilit din sina Tita kaya tumayo na lang ako para matapos na.

Sinusundan ko lang siya ng lakad hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Tahimik lang akong nangalumbaba habang nakatingin sa daan. Minsan gusto kong magsalota ngunit pinipili lo na lang ding patahimikin ang sarili.

Maya-maya ay nakarating din kami sa apartment.

“Thanks. Ingat sa pag-uwi,”sambit ko bago lumabas ng kotse niya. Dire-diretso lang ako sa paglalakad.

“Iska.”nahinto ako sa biglaang pagtawag niya ng pangalan ko. Ghad, I miss how he says my name. Ang sabihin mo, miss mo lahat sa kaniya. Wow, Iska.

“Hanggang kailan mo ako hindi kauusapin?”tanong niya. Ako pa? Siya ‘tong hindi na ako kinausap. Binalik ko lang.

“Ako ‘tong dapat na galit… pero nakakagago dahil hindi kita matiis…”aniya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Halata pa rin ang frustration sa kaniyang mukha.

“Ano namang dapat mong ikagalit? Saka tapos naman na tayo, natural lang na bumalik na sa normal ang buhay nating dalawa.”seryoso kong saad habang nakatingin sa atin.

“Don’t give me the bullshit that it was all for the contract, hindi ko tatanggapin ‘yon.”aniya rin.

“Bakit? Para lang naman talaga sa contract ang relasiyon natin and it already ended, edi tapos na rin tayo.”sambit ko sa kaniya. Tinignan niya lang naman ako tila hindi makapaniwala.

“Then let’s make it exclusive without any contract. The only thing that’s needed here is you and me. Our feelings. “aniya kaya napaawang ang mga labi ko.

“Ano? Mahal mo ba ako?”hindi ko alam kung najojoke ba siya o ano. Masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kaniya.

“Wala akong planong maging sidechick mo.”sambit ko.

“Eva and I are not together. You said it yourself, one thing to make someone said that she likes you is to make her jealous but I don’t think it was really needed. I want to confirm it myself. Do you like me?”napatikhim naman ako dahil do’n.

“Sinungaling.”sambit ko at tumalikod na sa kaniya. I don’t want to assume or anything. Ayaw ko lang umasa lalo na’t noon ko pa naman tanggap na wala na talaga.

“I never lie to you, siguro the first time I lie to you is when you assume that I like Eva when the truth is it’s you who I like or is it even a lie? I never told you that I like her. And about the contract, I’ll take whatever you’ll offer. I don’t care if you think it’s for Eva or anything. It was absurd but I’d rather sign it kaysa makita kang ipapirma sa iba.”aniya kaya nahinto ako. Tinignan ko ang mga mata niya kung totoo ba ang sinasabi. It was as if he was really serious.

“Talagang wala kayong relasiyon ni Eva?”tanong ko.

“Wala. Talagang talaga.”sambit niya naman.

“What about the dates para pagselosin siya?”tanong ko.

“It’s just my way of asking you for a date lalo na’t ubos na ang apat na araw.”aniya sa akin.

“What about no’ng party ni Tita? You just kissed me dahil nandoon siya!”hindi ko mapigilang isumbat, ang tagal ko rin kayang hindi ‘yon sinabi.

“You think I’ll kiss you for that?”tanong niya na kumunot pa ang noo nang maisip ‘yon.

“I kiss you because I want to taste your lips, punishment I think? You’re always upsetting me, always thinking na maghihiwalay din agad tayo.”sambit niya. Sarap naman pa lang punishment no’n.

“Dahil ‘yon naman ang totoo.”saad ko.

“Dahil ‘yon ang gusto mo.”aniya na napasimangot pa.

“Paano mo nalaman na ‘yon gusto ko? Bakit mind reader ka ba?”tanong ko naman.

“Then?”tanong niya na nakataas ang kilay.

“Then?”tanong ko rin.

“Then you don’t want it to happen?”tanong niya.

“Yeah?”patanong din na sagot ko.

“Do you like me?”tanong niya ulit.

“Oo?”patanong na sagot ko ulit.

“Do you like me?”tanong niya nanaman.

“Oo nga.”mas sigurado ko ng saad.

“Do you like me?”parang gusto ko na lang siyang kotangan.

“Oo nga, gusto nga kita!”inis ko ng saad.

“I love you.”pabulong na saad niya bago ako hinalikan sa labi.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon