C3

1.7K 127 4
                                    

Jaydee's Pov

Nakatayo na kaming lahat dito sa stage at panay naman ako tingin sa may relo ko upang icheck kung anong oras na bali ang nangyayari dito sa debate ay nagkukuwestyunan lang about sa mga gagawin na mga project na ipapatupad namin kung sakaling manalo ang halos lahat sa amin na green partylist. Hindi din naman kami nagpapatalo gayung nagtatanong din kami pabalik sa blue partylist.

"So ikaw jaydee? as running for vice president ng green partylist ano yung maipapangako mo sa mga kapwa mo estudyante? Na magiging way din upang iboto ka nila sa election. How can you earn their trust" tanong sa akin ng isang teacher na hindi ko naman kakilala sa name pero sa mukha oo. Nakakabigla ang kanyang katanungan gayung kanina ay parang hindi niya naman ako binibigyang pansin.

"I hate promising but I'll make sure na kapag ako ang ibinoto niyo ay gagampanan ko ng mabuti yung ibinigay na posisyon sa akin , I'll make sure din na wala nang mabubully dito sa RTU dahil isa yun sa inilulunsad namin ang anti bullying. Magiging komportable ang mga estudyante sa pamamahala namin at natitiyak namin na magiging maganda ang daloy at ang mga activities na maila launch this year nang sa ganun ay kahit na sobrang hirap ng kursong tinatahak ng bawat estudyante ay hindi pa din mawala ang events na siyang makakatulong para maibsan ang stress na meron ang bawat isa." Mahabang aniya ko , may iilang pumalakpak dito at may iilang din namang hindi kumbinsido sa aking sinabi. Isa na doon si nile na sobrang close ko dati ngunit dahil sa nangyari sa amin ni Francese ay nagbago ang lahat. Ang dating matalik kong kaibigan , ngayon ay itinuturing na akong mortal na kaaway.

"Aside sa plano niyong yan? Na hanggang plano lang naman ano pa ang maii assure mo sa mga tao kung sakaling ikaw ang manalo? Puro ka lang kasi salita sa pagkakaalam ko eh. Wala kang paninindigan" Nakakabigla ang tanong niya ngunit lagi kong sinasabi sa sarili ko na iset aside ang feelings ko gayung specialty ko yun.

"Madami pa kaming plano like more on making our environment better , more trees will be planted sa ilulunsad naming piso event. Which is ang every piso na malilikom doon ay katumbas ng isang puno na maitatanim sa mga area na pwedeng pagtamnan at prone sa mga baha." dagdag ko pa sa aking unang sinabi , kabado man pero salamat sapagkat hindi ako nautal at diretso kong nasabi ang nais kong sabihin.

"Follow up question lang? Since everyone knows naman na isa kang basketball player at isa ka pang ace as well as their captain. How can you make time to assist and help the Student Council if you have a training everyday that will also affects your time to be in the office at gawin yung mga nararapat mong gawin dahil responsibilidad mo yun kung sakaling mananalo ka sa pagka Vice President?" Mahabang turan nung nasa blue partylist , well I'm prepared naman sa question na ito dahil ito ang tamang tanong para pabagsakin ako at mag doubt ang iilang mag bo boto sa akin na estudyante.

"Well about that , I planned to make myself more productive. Time management lang ang kailangan dyan , for example. Monday to Friday in the morning ay magdodoble kayod na ako to train myself and then sa hapon naman nun ay nasa office ako to fulfill my responsibilities. I know some students here don't believe with the time management that I'ved said but I can assure you that I can manage my time if I'll be given a chance to" matapang na sagot ko na ikinamangha naman nung iba since pumalakpak sila sa sinabi ko. May iilan din naman na hindi kumbinsido which is inexpect ko naman na.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now