C77

788 93 4
                                    

Author's Pov

Kasalukuyang nagda drive na si jaydee patungong hospital kung saan naka admit si Jie ngayon , tinanong niya kasi yung daddy niya if nasaan ngayon si jie kaya nung malaman niya ay agad niya na iyong pinuntahan.

Nakapikit na ang isa niyang nga mata dahil sa suntok na kanyang natamo sa kanyang kaibigan , putok din ang kanyang labi at may mga pasa sa may bandang cheeks nito.

May hawak lang siya na Icebag upang medyo mawala yung kirot na nararamdaman niya sa kanyang mukha.

A few minutes later ay nakarating na din siya sa hospital , maliit lang ang inihahakbang niya sapagkat baka may makita siyang kakilala niya dito.

O di kaya'y kapamilya ni jie , gusto niya lang naman kasi makita ang sitwasyon ng dalaga kahit ilang minuto lang.

Bawat hakbang na nilalakad ay nadadagdagan ang kaba na kanyang nararamdaman , malapit na siyang makarating sa room ni jie kaya halos dumuble na yung kaba niya.

Nang sumilip siya ay nakita niya naman si Jie na nakahiga lang sa may kama , madaming nakasaksak na kung ano ano sa katawan niya.

Makikita mo din ang sobrang pagkalagas ng kanyang buhok na siyang nagpaluha sa akin.

Ngayon niya lang nakita etong sitwasyon ni Jie at napapaisip siya na mas malala na nga talaga yung ngayon kesa noon na nakakasama niya ito sa hospital.

"Tito?! So anong desisyon niyo? Hahayaan niyo nalang po ba na yung jaydee na yun ay iwan yung anak niyo? Look? Lumalala na yung sitwasyon ni Jie? Ngayon niya mas kailangan ng taong magpapatibay ng loob niya para magpatuloy at lumaban sa sakit na dinaramdam niya" inis na sabi ni sofia sa daddy ni jie , napayuko na lamang ito tsaka hinawakan ang kamay ng kanyang anak na walang malay.

Nagtataka naman si Jaydee sapagkat pamilyar sa kanya itong babaeng ito , marahil ay nakita niya ito kung saan saan pero hindi niya matandaan kung saan.

"I will respect yung desisyon ni jie na hayaan nalang si jaydee kung saan siya sasaya , nawala man si jaydee sa tabi niya pero nandito pa tayo diba? Hindi natin siya iiwan at sasamahan natin siya na labanan tong sakit niya" malungkot na sabi ni daddy ni Jie , patuloy lang naman sa pakikinig si Jaydee.

"Tito naman? Hindi mo ba narinig yung sinabi niya? At yung nangyayari ngayon? Tulog yang anak mo dahil nagrequest si daddy na turukan siya para makatulog , she's not even eating her foods or taking any meds! Sa tingin niyo po ba gagaling siya kung ganyan ginagawa niya? She wanted to die na tito that's what she said kahapon!" Rebat naman ni sofia dito , ramdam ng ama ni jie ang concern nito sa pinsan ngunit sa kabilang dako ay may binabalak si Sofia.

"Sofia?! Ako na ang bahala dyan sa matter na yan , magpokus ka nalang sa darating na kasal niyo ni Lara next month? Matutuwa ang daddy mo at ang lolo niyo kung hindi ka gagawa ng kung ano ano mang kalokohan gaya ng pinsan mong si Laney , gayahin niyo nalang si zandro na nag aaral ng mabuti" mahinahong sabi nito sa kanyang pamangkin , napapansin din kasi nito na madalas na mapahamak si laney at mukhang mag ka close pa silang dalawa na sanhi upang mahawaan din siya sa ginagawa ni laney.

"Si zandro? Nag aaral ng mabuti tito? Mukhang mali po kayo ng akala sapagkat yung lalaking yun ay mala stalker ang datingan sa girlfriend ngayon ni jaydee na si frances, ewan ko ba at nagkagusto siya don---" nahinto naman sa pakikinig si jaydee sa usapan ng babae at ni Matthew na daddy ni jie nang biglang may humawak sa may balikat niya.

Nanlaki naman ang mga mata nito nang makita kung sino ang taong nasa likuran niya.

"Laney?!"

"You look shocked ah? Bakit inaakala mo ba na nasa kulungan pa din ako jaydee?! Why don't you want to go inside? Miss mo na bang paglaruan yung pinsan ko?!" Nakatingin lang sa kanya si laney ng diretso at halata sa mga mata nito ang naghahalong galit kay jaydee.

"What?! Pinsan mo si Jie?" Gulat na gulat na tanong ni jaydee kay laney , napairap naman ito sa kanya sabay nag smirk.

"Sasabihin ko bang pinsan ko siya kung hindi? Damn jaydee! I don't even know kung bakit sayo lang tumitibok tong puso ko but I'll assure you? Hindi ako titigil na sirain kayong dalawa ni frances! Now that i have some evidence of what you've done in the past?! Kung hindi ka mapapa sa akin? Pwes hindi ka din pwedeng mapunta ka frances!" Nagbabantang sabi ni laney , napatingin naman din sa kanya si jaydee ng nagtataka.

"Kahit anong gawin mo laney hindi mo masisira ang relasyon namin ni Queen kaya please tumigil kana sa kahibangan mo!" Galit din na sabi ni jaydee kay laney at lumapit dito upang hawakan ang kwelyo nito at alog alugin.

"Oh talaga jaydee?! Grabe! Hindi ka pa ba tapos mag feeling victim at magmukhang kawawa sa lahat? Paano nalang pag nalaman ng lahat yung ginawa mo? Yung ginawa mo? Bago mo nalaman na namatay yung mommy mo? Tsk! Everyone will turn their back to you gaya ng ginawa nila sa amin ni Nile! Tandaan mo yan jaydee!" Rebat ni laney saka tinulak si jaydee papalayo sa kanya at pagkatapos nun ay inayos niya yung damit niya at napairap.

"So what do you want ba laney? Para tumigil kana sa ginagawa mo?!" Sabi naman ni jaydee , mukhang may alam na din siya sa sinasabi ni laney ngayon.

"Break up with queen! Go to states with Jie and marry her! That's what I want!" Malakas na pagkakasabi ni laney , napailing iling naman si jaydee saka napahawak sa kanyang batok.

"Hindi ko magagawa yan laney! Mahal ko si Frances at hindi pwedeng makipaghiwalay ako sa kanya ganung okay na kami ngayon" aniya niya naman kay laney , napa smirk naman si laney na hindi naniniwala sa sinasabi ngayon ni jaydee.

"Ah talaga mahal mo siya jaydee?! Eh bakit mo nagawa yun with madie? Akala mo ba habang buhay mong matatago yun? Kung hindi ko lang natuklasan ay baka nga? Baka nga parang wala lang nangyari" Sabi nito tumalikod naman na si jaydee sa kanya at akmang aalis na.

"Stop with nonsense laney! Hindi naman maniniwala sayo si Frances kahit sabihin mo sa kanya" aniya niya saka muling naglakad ng mahina, napapapikit nalang siya dahil sa takot na din.

"Ah talaga bang hindi siya maniniwala? Paano if may video footage ako? I don't think so jaydee! Hmp I'll give you a chance until tomorrow jaydee!" Sabi nitong muli pero naglakad naman na papalayo si jaydee sa kinaroroonan ni laney bakas sa mukha nito ang pag aalala dahil sa pagbabanta ni laney sa kanya.







A/N: Love√ Lies√ Within You🤔

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now