C85 End

1.7K 127 27
                                    

Author's Pov

Makalipas ang isang taon ay naging mas matatag ang pagsasama nila frances at jaydee. Naikasal na din sila sa states at napagkasunduang umuwi ng pilipinas nung binalak na nilang bumuo ng isang pamilyang matatawag.

8 months and 3 weeks ng buntis si Frances at todo alalay sa kanya ang kanyang asawa , sa pagtulong pa lang nito sa pagpunas ng katawan ni Frances at sa paghilot hilot ng mga masasakit na parte nito.

Nalalapit na daw ang kanyang panganganak sabi ng doctor kay jaydee at kailangan na lagi itong may kasama.

Hindi biro ang tinahak nila upang makahanap ng donor ng sperm but after a few months of waiting ay nakatagpo din sila.

"Mahal? Pwede mo ba akong bilhan ng mangga at pancake? I'm craving for it please?" Nagpapa cute na sabi ni frances kay jaydee habang naghuhugas ito ng plato.

Agad namang napalingon si jaydee at pinunasan ang kanyang kamay gamit yung pamunas na nakasabit sa may harapan ng kitchen nila.

"Saglit lang mahal ah? Magbibihis muna ako ng damit? Ayun lang ba ang gusto mo mahal ko? Yung paborito mong pasta?" Tugon nito at nagtungo sa may kwarto upang kumuha ng damit , maya maya ay lumabas na siya at hindi pa nga maayos ang pagkakasuot niya ng damit kung kaya ay napatingin nalang sa kanya si frances na napapangiti habang nakaupo sa may sofa.

"Ah pandesal pa pala mahal! Ha ha ha yung toasted sana at paki bilhan na din ako ng condensada para sa palaman nito" napapigil naman ng tawa si jaydee dahil sa sinabi ni frances at tinignan ito ng nakakaloko.

"Mukhang ibang pandesal naman ang gusto mo mahal eh? Eto ba?" Nang aasar na turo ni jaydee sa may bandang abs niya at itinaas niya pa ito upang asarin ang kanyang asawa.

Na namumula naman ngayon si frances dahil sa pang aasar ni jaydee sa kanya , lumapit na si jaydee sa kinaroroonan ni frances at naupo din ito.

"Sira! Hindi no! Nagiging assuming kana jaydee , hindi kita pinagnanasaan ano? Kala mo sa akin manyak? Ha ha ha" Pag di deny ni frances saka hinampas hampas ng mahina si jaydee , napatawa nalang ng malakas si jaydee sapagkat huling huli niya na yung iniisip ni frances kaso ayaw lang nito aminin.

"Joke lang mahal oh sige aalis na ako? Babalik ako kaagad ah? Pag may naramdaman ka tawagan mo ako kaagad nakuha mo?" Sabi nito saka hinalikan ang noohan ni frances at tsaka napaluhod upang pakinggan ang tyan ni frances saka hinalikan din ito.

"Baby? Wag kang makulit dyan ah? Dahil nasasaktan ang mommy frances mo? Babalik ako kaagad ah behave ka lang dyan dahil soon ay mailalabas kana ni mommy dyan" seryosong sabi ni jaydee saka hinimas himas ang tyan ni frances.

Napangiti nalang si frances dahil sa ginawa ni jaydee ngayon she finds her cute while ginagawa niya yun.

"Opo master nakuha ko! O siya mag iingat ka sa daan at dahan dahan lang ang pagmamaneho ng sasakyan ah? I love you!" Sabi namang muli ni frances mabilis niyang hinalikan sa may labi si jaydee at tsaka napatayo naman na ito.

"I love you too Queen! I'll be back as soon as possible love! Hintayin mo ako ah? At wag kang panay galaw kung maaari baka manakit na naman yung katawan mo,. Siya nga pala malapit na din sila ate brei by any minute ay nandito na sila" Pagpapaalam ni jaydee kay frances at tsaka isinara na yung pintuan , naiwang mag isa si Frances at tamang nuod lang siya ngayon ng tv habang inaantay ang pagbalik ni jaydee.

Naunang nakabili si jaydee ng pancake at sunod niya nang hinanap ay yung mangga na nagpahirap ng buhay niya sapagkat sa iilang fruit stall na nilibot niya ay wala ni isang nagtitinda ng mangga.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now