C70

1K 121 6
                                    

Lara's Pov

Nakasunod lang ako kay sofia ngayon na kasama si Yzabelle , mukhang nag uumpisa na siyang guluhin si jaydee at tsaka kilala ko siya hindi lang si jaydee ang target niya kundi nais niyang sirain din yung meron sa amin ni Brei.

"Sofia?! Sofia?!" Tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya hindi kasi siya tumitingin sa likuran mukhang inaasar niya ako ngayon ah.

"Hindi ka tumutupad sa usapan sofia?! Sabi mo hindi ka mang gugulo at magpapakita sa amin ah?! Ano bang binabalak mo na naman ah!" Sabi ko sa kanya nung mahawakan ko ang balikat niya at pinaharap siya sa akin isang malakas na sampal naman yung bumungad sa akin at napahawak nalang ako sa pisnge ko dahil doon.

"Nagsalita ka na parang wala kang ginawa?! Ikaw ang nagsimula nito lara! Ikaw!!! Nanahimik ako lara! Nanahimik ako! Pero anong ginawa mo?! Hindi ka na nga tumupad sa pangako mong tutulungan mo akong mapalapit kay jaydee tapos ito proposal?! Nagpapatawa ka ba?!! Next next month na yung kasal natin! At wala ka nang magagawa pa doon! Kahit anong gawin mo malalaman at malalaman ng daddy mo at lalo na ako!" Galit na galit na sabi niya sa akin napayuko nalang ako, nagtataka ako paano niya nalaman? Sinigurado naming walang makakakita sa gagawin ko pero paano?

"Oh ano hindi ka makasagot huh! Ang kapal ng mukha mong harapin ako!! Tapos sabihan na ako ang di tumupad sa usapan! You're insane lara kung makakalaya ka sa kasal!" Dagdag niyang muli sabay hampas sa may bandang dibdib ko ng kamay niya.

"Sofia stop it! Binalaan na din kita kanina na manahimik ka nalang! Tara na , Lara ayusin mo yung ginagawa mo ayokong dumating sa point na ako ang mismong magsabi sa kasintahan mo!" Sabi pang muli ni zandro at hinawakan niya na si sofia na ngayon ay naiiyak.

Naglakad na sila papalayo sa akin ako naman ay nagpupunas ng luha ko at nang tumalikod ako ay isang pamilyar na tao ang nakaabang na nakatayo sa may bandang kahoy.

"Ate L-lara?!" Aniya niya halos maestatwa naman ako dahil doon , damn hindi pwede.

"Nar-rinig mo? Frances I have reason kaya hayaan mo sana ako na magpaliwanag" Lumapit siya sa akin at sabay nun ay isang malakas na sampal din sa may kaliwang pisnge ko ang natanggap ko mula sa kanya.

"Frances let me explain please?! I have a plans para sa amin ni Brei?! Please just trust me!" Sabi ko sa kanya sabay hawak ng kanyang kamay, tumutulo na yung luha ko ngayon.

"Frances?! Love?! Nandyan ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap ni abelaine, anong nangyari bakit ka umiiyak? Frances?! At bakit namumula yang pisnge mo love?!" Aniya ni brei na ikinatakot ko, napailing nalang ako kay frances sana wag niyang sabihin ang lahat kay brei.

Pinapangako kong gagawa ako ng paraan nang sa ganun ay hindi ko masaktan si brei , hindi ko rin kakayanin na hindi siya ang makasama ko sa aking pagtanda.

"A-ah wala ate brei , naguusap lang kami ni ate lara at nagpapasalamat ako sa kanya kasi pinapasaya ka niya ayun lang yun" sabi ni frances saka nauna nang maglakad lumapit naman si brei sa akin upang punasan ang mga luhang kusang pumapatak sa may mga mata ko.

"Hindi mo naman sinabi na mag na night talks kayo ng kapatid ko nagulat lang ako nang bigla kang mawala , Tara na at malamig na ngayon dito sa beach" sambit niya at hinawakan ko naman na ang kamay niya at nagsimula na din kaming maglakad.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now