C53

1K 107 10
                                    

Jaydee's Pov

Nasa bahay ako nila jie ngayon nagpatulong kasi siya na bumili ng mga stuffs sa akin hanggang sa hinatid ko na din siya sa bahay nila.

"Good afternoon po tito!" Nakangiting bati ko sa daddy ni jie na nandito pala sa may bandang gate nakakagulat lang ah , may hawak siyang hose at nagdidilig siya ng halaman at mga bulaklak.

"Good afternoon din iha?! Buti at napadalaw ka? Anyway balak kong dalawin ang dad mo mamaya baka gusto mong sumama?" Pangyayaya ng daddy ni jie napapaisip naman ako sa ngayon pero mas mabuti na sigurong wag nalang.

"Hindi na po---" napahinto ako sa pagsasalita nang bigla akong kurutin ni jie , ano na naman kayang trip ng babaeng to?

"Opo daddy kaya nga siya nandito kasi pumayag na siya na sumama mamaya sa atin diba babi?" Nanlaki naman ang mata ko , hano daw? Pumayag ako na sumama eh hindi niya naman sinabi yung tungkol dito at tsaka di rin naman ako papayag kung sakali.

"Huh? Wala kang sinabi at --" napahinto akong muli sa pagsasalita nang takpan niya ang bibig ko.

"Pshhh?!" Pagpapatahimik niya sa akin at hindi ko na talaga kinakaya ang pagiging paladesisyon niya din minsan.

"So iha? Sasama ka ba o hindi? Tanungin lang kitang muli gayung baka napipilitan ka lamang dahil kay Jie?" Paninigurado ng daddy niya , tinignan naman ako ni jie at itinataas taas niya yung kilay niya.

"Ahm opo tito sasama po ako , wag kayong mag alala" yan nalang ang nasabi ko dahil baka masapok na naman ako , wala naman na masama kung magkita kami ni dad.

Kakamustahin ko lang siya then ayun na , the end i guess? Tsaka wala din naman kaming mapag uusapan.

"Buti naman ganun, ilang beses ka nang kinamusta sa akin ng daddy mo miss kana daw niya , kaya magiging masaya siya pag nakita ka niya na kasama namin , anyway pasok na muna kayo sa loob" sabi niyang muli , mukhang malabong ma miss ako ni daddy kagaya ng sabi ni tito.

"Sige dad dun nalang muna kami sa kwarto ko ah! May gagawin pa kasi kami , mamaya na lamang kami bababang muli" Aniya ni jie at naglakad na siya habang hawak ang mga kamay ko , napatigil naman siya nang magsalita ang daddy niya.

"Jie mag behave ka ah" halos matawa naman ako sa sinabi ng daddy niya , anong behave hahah sinamaan naman siya ng tingin nitong ni jie.

"Daddy naman! I'm behave kaya don't worry , wala naman akong balak gawin kay Jaydee tsk!" Inis na sabi niya napahinto nalang ako sa pagtawa ko nang mahina nang samaan din ako ng tingin ni jie.

"Hahaha oh sige na umakyat na kayo? Hmm jaydee ah bata pa yang anak ko ah kaya magpigil pigil muna sa ngayon?" pangangantyaw muli niya pero di ko na gets slight hahah loading jaydong niyo.

"Ano po iyun tito?" Curious kong tanong dito gayung hindi ko siya naiintindihan sa ngayon.

"Hays don't mind him jaydee let's go na! Nang aasar lang yan si daddy at mukhang ako ang mauunang maasar" Hinila na ako ni jie papasok ng bahay nila at tsaka naglakad na kami papuntang kwarto niya.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now