C84

1K 95 2
                                    

Frances Pov

Nagkabalikan kaming muli ni jaydee at isinantabi na lahat ng nangyari sa past , ramdam ko ang lungkot na kanyang nadarama sa tuwing naaalala niya si Jie.

Nung time na ipinaubaya siya sa akin ni Jie hindi ko inakalang ayun na din pala yung last na makikita namin siyang muli , i felt guilty nung time na yun pero pinaintindi sa akin ni jaydee na wala akong kasalanan kung sakaling sisisihin ko yung sarili ko dahil nga sa naging selfish din ako that time.

"Ut-ut? Kakainin mo ba yang lunch mo o ipapatake out nalang natin? Mukhang hindi ka naman kasi nagugutom , pinagtutusok mo lang yang ulam mo" biglaang sabi ni coco saka tinuro yung pagkain ko , nandito kami ngayon sa cafeteria na kumakain kasabay si gabb.

Bali ang dating ay naging third wheel na ako which is pinaka ayaw kong mangyari haha nasanay kasi ako na si coleen yung laging third wheel sa amin ni jaydee ngayon nagkabaliktad na.

"Oo ipapa take out ko nalang,. Wait niyo ako dito at manghihingi ako ng plastic sa harap , mamaya nalang siguro ako kakain pag nagkita na kami ni jaydee" tugon ko kay coco saka tumayo na ng aking upuan at pumunta sa may bandang harapan upang manghingi ng plastic at lagayan nung pagkain.

May pupuntahan din kasi kami mamaya ni jaydee gusto niyang dalawin namin ang mommy niya na inilipat na ang mga labi dito sa Manila Cemetery.

Sapagkat dito na mamamalagi sa manila yung mga kamag anak niya doon kung kaya't naisipan nilang ilipat na din dito.

Madami ang nangyari sa paglipas ng isang linggo , ipinakilala na din ako ni Jaydee sa daddy niya ulit sa personal at medyo okay naman ang pakikitungo sa akin ni tito hindi tulad nung dati na parang wala siyang pake.

"Eto na po miss frances!" Sabi ni manang at iniabot sa akin yung lalagyan na hinihingi ko medyo tumagal ang pagbigay niya sa akin sapagkat napakadaming customer dito ngayon.

Nagpasalamat na ako at nang pagkatalikod ko ay nakita ko si zandro na nakatingin lang ng diretso sa akin , makikita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagkalungkot.

Sa kadahilanan na nabalitaan ko na magpinsan pala sila ni Jie , Laney at ni sofia na ikakasal kay ate lara next next week.

Kaya syempre malulungkot talaga siya sa sinapit ng kanyang pinsan , akmang iiwas na ako nang bigla siyang magsalita.

"Can we talk for a minute frances?!" Nag aalangang bati niya sa akin napatingin naman ako sa paligid ko sabay napailing sa kanya.

"I'm sorry zandro" maikling tugon ko saka maglalakad na sana ngunit hinawakan niya ang aking palapulsuhan.

"Please frances,. I swear mabilis lanh tong sasabihin ko? Don't worry hindi na tungkol dati yung sasabihin ko , i accepted na talo na ako kay jaydee and I just want to give you something" seryosong aniya niya mukhang nagsasabi naman siya ng totoo kaya papakinggan ko nalang siguro yung gusto niyang sabihin.

"Okay? Dun nalang sa may garden just make it fast lang kasi baka hanapin ako nila coco at gabb" nauna na akong naglakad nung sinabi ko na sa garden kami mag usap , I don't know but he's holding a video camera.

Naupo na ako sa may gilid ng garden nung makarating ako siya naman ay nakayuko lang sa may harap ko ngayon na tila bay nag aalangan na magsalita at naiilang.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now