C15

1.1K 104 8
                                    

Jaydee's Pov

Nasa classroom na ako ngayon at nakasubsob lang yung ulo ko sa may lamesa ng upuan ko , medyo inaantok pa kasi ako at nananakit pa ang buong katawan ko dahil sa kakaehersisyo kagabi.

"Good morning class? We have the results of the election para sa student council , It's been a month na din nung naganap ang election at ngayong araw mismo ay mapapalitan na ang pwesto ni Senior Mr. Abbiel Kit Trinidad!" Mahabang pagpapaliwanag nito na siyang dahilan lamang upang mapatingin lang ako sa kanya habang patuloy na nakikinig.

"I'm glad na iannounce na si Ms. Francese Therese Sy ang nanalo bilang President ng student council! Please gave her a round of applause!" Napaangat na ang ulo ko at tinignan si frances ngayon na masayang masaya na malaman na nanalo siya bilang president.

I'm happy for you queen! Sana lagi kang masaya , I'm sorry for making you cry nung mga nakaraang buwan , patawad ayan ang salitang hindi ko masabi sabi sayo in personal dahil lagi mo akong iniiwasan sa tuwing lalapitan kita. At sa tuwing sasabihin ko yung words na yun ay pinipigilan mo ako , gusto kong ipaintindi sayo na di ko intensyon yun at nadala lang ako ng kalasingan pero ganun na nga its my fault pa rin.

Madaming nagbago dahil lang doon , nabago yung pamumuhay ko , perspective ko , pag uugali ko at masasabi kong naging mas malakas na ako this time. Sarili ko nalang ang makakatulong sa akin para magpatuloy pa sa buhay , di ko naman namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

"Congrats din kay Jaydee dahil siya ang nanalo bilang vice president ngunit sa kasamaang palad ay maililipat na iyun kay Ms. Padillo na nasa blue partylist dahil kusang winithdraw ni jaydee yung posisyon niya , anyway wala tayong klase ngayon kaya I'll be back at wag kayong mag iingay ah" umusbong naman ang mga bulong bulungan dito , yeah i decided na iwithdraw na yung position ko bilang vice president last month pa nung nalaman ko na ako ang nanalo sa kadahilan nga na lilipat na ako ng ibang school.

Di ko pa nasasabi sa kanila Kuya abbiel , gabb at lara ito gayung nung nakaraan ay nawalan ako ng lakas ng loob ngunit nag bigay na ako ng letter sa school na magtatransfer school na ako next semester pati kay coach ay nagpaalam na din ako. Nung una ay ayaw niya pa talagang umalis ako ngunit kailangan , sinabihan na din siya ni dad about doon , hmp kung nagtataka kayo kung bakit nawala ako sa blocklist sa airport ay dahil nga sinabihan ko si dad na doon ko nalang ipagpapatuloy yung basketball career ko at I'm glad na pumayag siya sa last request ko sa kanya pero hindi pa din nawawala yung galit ko dahil sa ginawa niya last last month which is yung kay mommy.

At tsaka wala na rin naman akong dahilan pa para mag stay dito , awts gege eh no? Mas masasaktan lang ako pag nag stay pa ako lalo na nung nalaman ko na lilipat si Kielle ng RTU sabi ni coach at nalulungkot siya dahil ako naman yung aalis sa team. Tanging si coleen palang ang nakakaalam sa mga balak ko dahil sinabi ko sa kanya nakaraan sa may condo.

"Jaydee Garcia? Ipinapatawag ka ng coach niyo sa basketball , pumunta ka daw muna ng basketball court ngayon na , don't worry inexcuse ka na ngayon sa klase" sabi nung ex vice president ng student council , tumayo na ako at nagpaalam na muna kila Amy at Laney.

Isinukbit ko na yung bag ko at tsaka naglakad na palabas ng room , kaya mo yan jaydee! Alam kong maiintindihan ka nila Kuya abbiel sa desisyon mong ito. Nakarating na ako ng court at isang batok naman ang natanggap ko galing kay Kuya abbiel tapos sinabayan pa ng paakbay nila lara at gabb sa magkabilang balikat ko.

"Tagal mo dong! Kanina ka pa namin inaantay dito?! Ang weak kasi kalaban nitong dalawa! Magkakampi na nga sila tapos natalo pa sila sa akin partida 1v2 pa yan" mamimiss kong kasama sila , mamimiss ko yung mga asaran namin sa bawat isa , nakakalungkot lang pero kailangan kong umalis at magpakalayo layo muna.

"Oh bakit ang tahimik mo dong? Anyway may bago daw tayong player ngayon kaya pinatawag tayo dito ni coach , hmp tagal nilang lumabas sa office ah excited na akong malaman kung sino yung sinasabi niyang magaling na player na lumipat dito sa RTU" ani ni Gabb , napabuntong hininga nalang ako for sure di nila magugustuhan kapag nalaman nilang si kielle yung bagong member.

"Buti naman at kompleto na kayo , mag tumpik tumpok na kaya dito bago ang lahat may bad news muna ako bago ang good news , I'm really sad to say na isa sa mga kasama niyo ngayon ang mamaalam na sa grupo at gaya nga ng sabi ng karamihan na kapag may umaalis may dumarating" napatingin naman ang lahat sa bawat isa , nakisabay na din ako para syempre di masyadong halata ba ako yung aalis diba?

"Sino naman po iyon coach? Tsaka bakit siya aalis ng team? Sawa na ba siya sa paglalaro?" Tanong naman ni Kuya ali , pati yung ibang teammates ko ay nagtataka na din kung sino.

"I can't say his name ngayon dahil sabi niya siya na daw bahala magsabi sa inyong lahat anyway let me introduce the new player of the team and he is no other than Kielle Jensen!" Nanlaki naman ang mga mata nila sa gulat na yung lumipat sa amin ay siyang nag mvp nung natalo kami sa semifinals.

Well gulat sila except sa akin dahil alam ko naman na na si Kielle yung lilipat dito sa RTU , more ka bebe time with frances eh no? Sana lang at hindi mo siya saktan dahil pag nagkataon ay lulumpuhin kita.

"What the heck? I can't believe na siya yung bagong player ng RTU? Di ko malimutan yung ginawa ng kapatid niya nakaraan kay jaydee baka maging madumi lang ang laban pag naglaro siya" mahinang sabi ni gabb kay lara hinawakan ko nalang siya sa may balikat upang pakalmahin masyado kasi siyang galit doon kay tiff. Kahit naman ako ay naiinis gayung ako ang labis na nasaktan nung araw na iyun ngunit hindi na bago sa akin ang galawang iyun gayung madumi naman talaga sila maglaro ever since nung nagkakatapat kami sa jhs.

"Okay team! Magkakaroon tayo ng welcome party para kay kielle mamaya at farewell party naman para sa isang magiting na player ng RTU , like I'ved said before Once an RTU warriors will always be a RTU warriors! Maari na kayong bumalik sa pagpapractice ngayon , brei you may lead again" bakas sa mga mukha nila ang pag aalala nagtatanungan sila sa bawat isa kung sino yung aalis sa team , lumapit din sa akin yung tatlo at nagtanong kung nay alam ba ako sa taong aalis sa team ang hindi nila alam ay ako mismo yun.

Im sorry guyz for sure magagalit kayo sa akin dahil sa mabibigong pangako ko na naman pero malaki ang tiwala ko sa inyo giys na kaya niyong magchampion sa International League naniniwala akong kaya niyo , mahal ko kayo at sa ilang taon na magkakasama tayo dito sa basketball team ay naging masaya at napaka memorable ng mga moments nating lahat.

"Gosh? Sino kaya yung aalis ah? Hoy lara hindi naman ikaw ano? Ikaw din Kuya abbiel? Hindi ka din naman aalis diba? At lalo kana jaydee? Hmm sigurado naman akong hindi ikaw yan tol no?" Pagtatanong naman ni Gabbo na siyang ikinangiti ko na lamang ng pilit , mamaya ko na talaga sasabihin gayung nais ko pa silang makasama na walang winoworry na iba.

"Abangan nalang natin mamaya" wika naman ni Kuya abbie at nagpokus na lamang kami sa pinagsasabi pang iba no coach.




Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now