C63

948 109 18
                                    

Jaydee's Pov

Nagising ako nang maramdaman ko ang isang yakap , yakap na hindi ko akalaing magmumula sa taong pinakamamamahal ko.

I can't believe pa din sa nangyari kagabi parang biglaan lang , sobrang unexpected kumbaga.

Sino ba naman kasi mag eexpect nun diba? Pero hindi talaga mangyayari yun kung hindi dahil sa pag uudyok at tulong ng mga tropa kong loko loko.

"I'm sorry nagising ata kita jaydee? Tulog ka nalang ulit hihihi" pagpapaumanhin niya sa akin napangiti nalang ako at niyakap siya pabalik nang napakahigpit.

"I miss you love!" Bulong ko sa may bandang tenga niya , maya maya ay napahiwalay naman na kami sa pagkakayakap nang makarinig kami ng ingay na nanggagaling sa labasan.

"Gising na mga kupal!" Napatawa na lamang ako ng mahina dahil sa aming narinig.

"Tara na sa labas dahil anong oras na din mukhang kanina pa ata tayo hinihintay sa hapagkainan" sabi niya naman tumango nalang ako at unti unting binuksan ang zipper ng tent.

Argh ang ganda naman ng dagat ang sarap tignan pero mas masarap at masaya pa din tignan itong katabi ko ngayon.

"Hoy kayong dalawa?! Ang bagal niyong lumabas! Ano na pumasok na kayo dito sa loob at nang makakain na tayo ng umagahan!" Sigaw naman muli ni ate brei habang nakapamewang pa , napangiti nalang ako dahil nag eye to eye gesture pa siya sa akin.

Naglakad na kami ni frances papuntang loob at nakahawak lang ako sa may bandang beywang niya.

Nang makapasok kami sa loob ay mga tinginan ng mga taong nasa lamesa ang bumungad sa amin.

"Oh bakit kayo ganyan makatingin? Anong meron ah? Sa mga tingin niyong yan parang may ginawa kaming mali ah?" Sabi ko sa kanila na tila bay nagtataka sa mga tinginan nila, naupo na ako at ganun din naman si frances sa may tabi ko.

Siniko naman ako ni lara na katabi ko din sa may kanan at may tinuro siya sa may bandang leegan ko.

"Anong meron bakit ka nakaturo sa may leegan ko? Gusto mo bang iheadlock kita lara mae layar? Butasin ko kaya leegan mo?!" Pagkokompleto ko pa sa pangalan niya , kinuha niya naman yung cellphone niya sa kanyang bulsa at tsaka pinicturan iyon.

"Ayan oh! Grabe sinong tumuklaw na naman niyan jaydee nung nakaraan----" tinignan ko naman si lara na wag na niyang sabihin pa sapagkat baka magtanong si frances about doon.

"Omg?! Hindi ko alam bakit mayroon akong ganito? Wala naman akong natatandaan na ano eh" Takang tanong ko bahagyang napangiti naman itong katabi ko ngayon na nagsisimula nang kumain.

"Ang wild queen ah! Parang kahapon lang kayo naging okay tapos may panuklaw ka nang ginagawa hahaha kay jaydee nang hindi niya nalalaman!" aniya naman ni gabb sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon at tinignan lang si frances na tahimik na kumakain.

"Mag pokus nalang kayo sa pagkain at wag niyo nang pagdiskitahan yang dalawa dahil nasa hapagkainan tayo , mamaya nalang natin tanungin si QUEEN kung ano ba ang ginawa niya kay jaydee ng hindi nito namamalayan" sabi naman ni ate brei halos mabilaukan naman ako dahil doon , napatawa nalang yung iba at nagpokus na din sa pagkain.

A few minutes later ay natapos na kaming kumain , sila ate sela at ate abby ang naghuhugas ng pinagkainan namin.

Sila ate sheki at ate alice ang nagpupunas ng lamesa tapos sila daryll at cole ay naghaharutan lang sa may sofa.

Si laney at coleen tapos si nile ay tahimik lang na nag si cellphone sa may isang sofa din , halos lahat ay may ginagawa maliban lang kay lara na mukhang malalim ang iniisip.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now