C43

912 87 1
                                    

Author's Pov

Game Day!

"Game 2 has been a tough game for the both teams but apparently it goes to the underdogs which is The RTU warriors , will the Orange Archers comeback for their lost in Game 2?! So let's find out here we come the St. Carolina Orange Archers! The starting five are Fey Collins , Hanes Yawn , Miley Courtney , Rye Park and Kim Warley!" Naghiyawan naman ang halos lahat na mga tao dito sa loob ng basketball court sa pag tawag palang ng mga manlalaro sa St. Carolina.

Hindi ito ang kasalukuyang players na nakikita nilang naglalaro sa ngayon ngunit wala na silang choice kundi mag stick dito sapagkat wala na din silang natitirang bench players.

At hindi na nila kakayanin pa kung may maiinjured pang isa sa kanila sapagkat mapupunta sila sa disadvantage na 4v5 o mas mababa doon.

2 sa players ng St. Carolina ay injured na sina Taylor McCartney at Dale Faraway samantalang si Jean Lorry naman at nahatulan ng 2 games Suspension which is makakapaglaro lang siya sa Game 5 ng laro kung aabot pa doon.

Si Jaydee naman na kasalukuyang nasa Manila Philippines pa ay walang kasiguraduhan kung kelan makakabalik sapagkat inaalala niya pa ang kondisyon ng kanyang ama na kasalukuyang comatose na ngayon.

"For the starting five of RTU warriors are Abelaine Trinidad , Gabrielle Skribikin , Lara Layar , Dana Evans Brual and Kielle Jensen"  nawala naman yung hiyawan ng mga tao dito at iilang tao lang ang maririnig mong pumapalakpak sa kanila.

"Okay Archers! As a co captain i just want to say that this game will be dedicated to Taylor and we must do everything to win this game , we'll bounceback this time okay?! Archers! Fight! fight! fight!" Ani naman ni Miley Courtney na kanilang Co Captain , nagpatong patong na silang lahat at sabay sabay nilang itinaas iyun.

Sa kabilang dako naman ay seryosong nag uusap lang sila Abby at Brei tungkol sa gagawin nilang tactics at strategy upang manalong muli sa laban.

"Nanalo na tayo sa kanila so there's no doubt na kaya nating muling manalo laban sa kanila , we had already planned everything na gagawin natin sa laban nato , we'll just need to trust each other and do our best! Warriors Aim High!" Sabi ng Captain nila na si brei hindi man siya kabilang sa starting five pero malaki ang impact na nadadala niya sa team nila.

Nagsimula na ang laban at nakuha ni Fey Collins ang unang ball position , nagpadrible drible lang siya bago ipasa yung bola kay Miley , nag side step naman ito nang bahagyang maiwanan niya ang nagbabantay sa kanya na si Dana.

"What a nice shot for Miley Courtney!" Ani ng emcee dito at tsaka nagsibalikan na yung mga players ng St. Carolina upang dumipensa sa RTU.

Mahigpit ang pagbabantay nila sa bawat players ng RTU kaya nakanakaw ng bola si Fey kay Gabb at successful naman siyang nakatira ng libre sa pamamagitan ng pag lay up.

Ang score ngayon ay 4-0 na at hindi mo makikita ang pagod sa pinapakitang performance ng St. Carolina's Orange Archers.

Hawak na ngayon ni Kielle ang bola medyo nahihirapan siya sa sobrang dikit ng nagbabantay sa kanya kaya naipasa niya na agad kay Gabb yung bola na ipinasa din naman nito agad kay abby na malapit sa may bandang ring.

Nag try naman si abby na ishoot yung bola sa pamamagitan ng pagbanda nito sa boards ngunit na block siya ni Hanes at nakuha nila ang bola.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now