C16

1.1K 108 11
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang nasa videoke bar kami ngayon ng buong team , tamang kantahan at inuman lang ganun , yung ibang mga ka teammates ko ay may kasamang mga bebe and as usual nandito si frances at nakaakbay sa kanya si kielle. Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng makakain ko nagkukuwentuhan lang sila Gabb dito ngayon.

Ako naman tamang dampot lang ng makakain ngayon hanggang sa natigilan ako sa pagpulot ng may humila sa plato na kinukuhanan ko bali hindi kasi ako nakatingin habang kumukuha ng makakain.

"Allergy ka sa nuts jaydee , tignan mo naman yung pagkain na kinukuha mo sa lamesa?!" walang emosyong sabi ni frances , nginitian ko nalang siya dahil kahit papaano concern parin siya sa akin. Never niya akong tinrato ng masama kahit na labis ko siyang nasaktan.

"Thank you!" Ayan nalang ang nasabi ko sa kanya tinignan naman ako ni kielle ng masama ngunit hindi ko na inintindi yun. Medyo nakainom na silang lahat maliban kay Ate sela, ate jem , frances at coleen na nasa tabi ko ngayon.

Uminom na muna ako ng isang boteng alak para naman magkalakas loob ako na sabihin yung dapat kung sabihin. Pagkatapos nun ay ibinagsak ko yung bote ng napakalakas dahilan upang matigil silang lahat sa mga ginagawa nila

"Guys? I want to thank you all sa lahat lahat since nung naging captain ako ay wala man lang ako naging problema sa inyo , I just wanted to say na sa loob ng 5 years na magkakasama tayong lahat ay sobrang napaka memorable nun sa akin , I'm the one who is leaving in the team , I'm sorry and thank you sa memories!" Diretsong sabi ko napatingin naman silang lahat sa akin na tila bay nagtataka kung nagbibiro ba ako o hindi. Ngunit nung nabalot ng katahimikan ay napagtanto nila na hindi ako nagbibiro.

"Ano?! Jaydee please sabihin mong nagbibiro ka lang? Di ba sabi mo sa amin magchachampion tayo ng magkakasama sa International League?" Medyo lasing na sabi ni Kuya abbiel sa akin at bakas din ang pagkagulat sa mga mukha ng teammates ko na ngayon ay parang bumubukas ang bibig.

"I'm sorry Kuya , I don't think na kaya ko pang mag stay , I'll be leaving na next week at sa states na ako mag aaral at dun ko na itutuloy yung basketball journey ko" sabi ko saka nilapitan naman ako nila gabb at lara at sabay na niyakap ako. Naluluha at emosyonal na sila at mahigpit lang na nakayakap sa akin ngayon , masakit pa atang makita silang umiiyak ngayon kesa nung nagdesisyon ako na aalis na sa team.

"Ano ba yan! Pasensya na guys ah sinira ko pa tuloy yung kasiyahan niyo kanina , kanta kana dyan Daryll at wag ka nang umiyak dyan sa gilid" sabi ko kay daryll na panay ang iyak ngayon habang hawak hawak yung microphone dahil kanina nga ay kumakanta siya kasama si Ash.

"Dong bakit ka aalis? Ngayon pa na nakapasok na tayo sa International League ng dahil sa tulong mo , na kahit nasasaktan kana sa sugat mo nakaraan ay nagawa mo parin na ma shoot yung winning shot na sobrang napaka memorable sa amin?!" napahagulgol na sa iyak tong si gabb at napakusot nalang ako ng aking mata dahil naluluha na naman ako , ayokong umiyak sa harap nila at lalo na na nandito si frances sa harapan ko.

"Kailangan gabb eh! Anyway makakaya niyong magchampion kahit wala ako okay? Magagaling kayong player at sobrang sipag niyo pa kaya? Magtiwala kayo na mananalo kayo" wala naman ni isang nagsalita sa kanila dahil halos sa kanila ay nakayuko lang na tila bay malungkot sa kanilang naririnig sa ngayon.

"Mamimiss ka namin dong! Huhuhu group hug muna tayo guyz!" Sigaw naman ni ash at lumapit na yung ibang teammates ko maliban kay dean , kuya brei at kielle.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now