C45

920 84 0
                                    

Author's Pov

Game 4

Nandito na lahat ng mga coaches as well as mga players ng both sides sa court at mas dumami ang nanunuod ngayong do or die game na para sa St. Carolina na undefeated mula play offs at ngayon lang mukhang nahirapan sa finals pa.

Inaasahan ang pagbabalik ng isa nilang manlalaro na si Dale Faraway dahil ilang linggo din itong hindi nakapaglaro sa kanilang team ng St. Carolina sapagkat siya ay injured.

Nakaready na rin sa kabilang panig ang Rtu na sa ngayon ay isang panalo na lamang ang kailangan upang maipanalo ang kampeonato na pinakamimithi nila.

"In just a few minutes the game 4 of the finals will start , stay tune! Warriors fan as well as the Archers fan!" Ani ng emcee na nagpabuhay sa mga fans na nanunuod sa ngayon, todo ang hiyawan nila dito , kanan kaliwa ang pag chicheer ng bawat cheerleaders ng magkaibang team.

"I'm glad that you make it Dale! Okay girls! I have a good news for the team and i think this will be the key for us to win this game and make it to the game 5" masayang sabi ng coach ng St. Carolina sa kakabalik lang na player nila , isa din kasi ito sa key player nila.

"What is it coach west?! Will jaydee play now?" Tanong ni fey napatingin naman ang lahat sa sasabihin ng kanilang coach ngayon.

"Yeah that's right Fey! Jaydee will play now but she'll be late for the game so for now we just need to do our best to be in the lead , I noticed for the past games that we are on the lead on the first to second quarter but we can't finish the game with a win ,. We don't have a substitute player last game but I'll make sure to give you a rest now that jaydee and dale is back,. So okay team! Let's fight and do our best! We are an archers and archers don't give up!" Nagpatong patong na sila ng mga kamay at tsaka sumigaw sila nung itinaas na nil iyun.

Sa kabilang dako naman ay nakangiti na ang mga players ng Rtu,. Medyo nagkaroon na sila ng kumpyansa dahil sa mga nakuha nilang panalo at confident din sila na mananalo na sila ngayong game 4.

"Girls?! Isang panalo nalang ang kailangan natin para maipanalo to kaya let's do our strategy again ,we are not ready para sa mga babalik nila na players but i do think na kakayanin nating mag adjust sa kanila , so ayun naaamoy ko na ang kampeonato ngayon kaya let's take it girls! Warriors?! Aim high!" Ani ng coach nila at nagyakapan ang mga buong players nila ,. Medyo hindi naman nagustuhan nila abby, gabb at lara yung sinabi ng coach nila.

"He wasn't supposed to act like this dahil hindi natin dapat i underestimate yung kakayahang maka comeback ng St. Carolina" mahinang sambit ni gabbo inakbayan naman siya ni abby at tsaka tinapik tapik yung likod nito.

"Tama ka gabb, malakas ang St. Carolina lalo na nung game 1 sadyang kulang lang sila sa players dahil puro injured pero nakakapagtaka lang gabb ah , diba may sinabi yung emcee nakaraan na secret player? Sino kaya yun at kung siya ay isa sa scoring machine ng St. Carolina eh bakit hindi nakakapaglaro?" Sagot naman ni abby kay gabb nakikinig lang sa kanila si lara ngayon habang yung iba nilang mga kakampi ay nagtatawanan dahil hindi pa naman nagsisimula ang laban.

"Ayun din ang ipinagtataka ko ate abby pero malay natin yung secret player na yun ay injured at sana hindi na siya makapaglaro dahil mukhang mahihirapan na tayo kapag bumalik pa siya , need na natin matapos to sa ngayon dahil baka matalo pa tayo sa game 5 ,. Alam naman natin yung kakayahan nung Jean Lorry na yun ate abby at magaling siya na player" nagsisibalikan na kasi yung original players ng St. Carolina at bakas kay gabb at abby ang pangamba.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now