C66

875 113 22
                                    

Frances Pov

Nakatingin lang ako sa may kisame ngayon , alas dose na at hindi man lang nagreply sa akin si jaydee sa text ko sa kanya kanina.

Hmp busy lang siguro siya kaya ganun pero hindi ako mapakali ngayon sa aking pagkakahiga , gustuhin ko man na matulog na ngunit inaantay mismo ng sarili ko yung reply ni jaydee.

Tulog na kaya siya? Itext ko kaya? Tsk wag na dapat siya yung mag text sayo frances kasi ikaw naman yung last na nagtext sa kanya.

Argh makatulog na nga lang, malilintikan siya sa akin bukas pagdating niya dito sa boracay.

Kinabukasan

Nagising ako at agad ko nang kinuha yung phone ko upang tignan kung may update ba galing kay jaydee pero napasimangot ako kasi wala ni isang message na mula sa kanya.

Ano na naman ang trip niya ah? Siguro naging okay sila nung jie tapos narealized niya na si jie nalang yung liligawan niyang muli.

"Frances?! Frances?!" Sigaw naman ng taong kumakatok sa may pintuan ng room ko , bumangon na ako upang pagbuksan iyon.

"Bakit gabb? Nandyan na ba si jaydee?!" Tanong ko sa kanya at napangiti ng bahagya.

"Yiieee hinahanap si jaydee ah! Wala pa si jaydee baka mamaya pa daw siya makarating anyway lumabas kana dyan may nagpadala kasi ng flowers and breakfast dyan sayo sa labas" nakangiting sabi niya sa akin , okay so ito pala yung trip niya ah? Di siya magpaparamdam tapos magpapadala ng kung ano ano.

Lumabas na ako at kinuha ko na yung pinadala daw sa akin , isang malaking bouquet ng rose, chocolates and pagkain for breakfast na para sa lahat ata kasi sobrang dami eh.

Kinuha ko na yung letter at binasa ko yung nakasulat doon,. Good Morning Frances Hope You Like It! Can we see each other later? Sa may bandang playground? Smile if Yes and Do a dislike if not" ayun ang nakalagay argh jaydee anong pakulo na naman to ah?

Napangiti naman ako at napatingin sa may labas at sa paligid nasaan na kaya yung tukmol na yun? Bakit ayaw niya pa magpakita?

"Ngiting ngiti yan ah?! Ano kanino ba galing yan kay jaydee ba?!" Sabi naman ni ate brei sa akin at kinuha yung letter na kakabasa ko lang ngayon.

"Hmp yeah i guess" sabi ko si jaydee lang naman yung nasa isip ko na gagawa ng ganito ganoong pinayagan ko na siyang manligaw.

"Uy ut-ut?! Naks naman ang kabog naman mamigay ni jaydee ah! Mukhang bumabawi talaga ah!' pangangantyaw pa ni coleen , napangiti nalang ako at tinext siya ng salamat.

Ano kayang pwedeng suotin ko mamaya? Dress i guess? Yung mapapa nganga sana si jaydee sa kagandahan ko char.

Argh makapaghanap na nga muna , sabagay mamayang 3pm pa naman yun based sa niya sa akin.

A few hours later

Nakabihis na ako ngayon at sobrang excited na akong pumunta sa may bandang playground may malapit na restau doon.

"Ganda naman! Saan ang punta natin ngayon queen?! Bihis na bihis ka ah" Bungad sa akin ni laney na may dalang baso, kape ata ang laman nun.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now