C19

1.1K 108 7
                                    

Jaydee's Pov

Nasa airport na ako ngayon kasama sila Kuya Abbiel , Gabb , Lara , Ate Sela ,Coleen , Amy at Laney buti nalang talaga at sinamahan nila ako kahit papaano. Nakakalungkot lang dahil mukhang aalis ako ng pilipinas nang hindi man lang nakikita si Frances , argh gusto ko lang naman sana humingi ng tawad sa personal sa nagawa ko sa kanya nung nakaraang araw.

Tama si Kuya brei na dapat hindi ko na sila ginugulo pa kailangan ko nalang talaga tanggapin an hanggang doon nalang kami ni frances and I wish the best for her tsaka sana maging masaya sila ni kielle.

"Dong? Mag iingat ka dun ah! Tawag ka sa amin if need mo nang makakausap tsaka wag ka na sanang gumawa ng kung anong bagay o katarantaduhan doon dahil mag isa ka lang" ani ni Kuya abbie at lumapit sa akin upang bigyan ako ng isang mahigpit na yakap , argh mamimiss ko tong si ate abby lalo na yung pag aalaga niya sa akin.

"Oo nga dong! Wala kami doon para irescue ka hehe anyway I hope na maipagpatuloy mo yung basketball career mo don sa states!" Sabi naman ni lara at nakipag fist bump pa sa akin bago ako niyakap din.

"Oo naman yung pangarap natin ah! Tuparin niyo na magchachampion kayo sa International League! O siya salamat sa paghatid niyo sa akin dito ah" sabi ko sa kanilang tatlo , i pray talaga na sila ang magchampion this International league dahil nga graduating na si Kuya Abbie sa College at pati si Kuya Brei.

"Bhiiee pag balik mo na wala ka pang jowa , tandaan mong nakapila ako ah! Waiting to be your jowa heheh" ani naman ni laney at tsaka sabay lumapit din sa akin at niyakap ako , niyakap ko na din siya pabalik.

"Laney pumila ka sa likuran ko dahil ako ang nauna kay jaydee , diba atawa ko?" Rebat ni amy at tinanggal yung pagkakayakap sa akin ni laney at tsaka siya naman yung pumalit.

Binigyan niya ako ng napakahigpit na yakap at tsaka kiniss niya pa yung pisnge ko , hahaha kalokohan talaga nitong ni amy at laney hindi matapos tapos.

"Hay nako yung kalokahan niyo talagang dalawa! As if naman magjojowa yan si jaydee for sure hihintayin niyan na maghiwalay si kielle tsaka frances para ligawan niya ulit yung si queen" sabi naman ni Coleen at nakipag apir nalang siya sa akin , sobrang thankful nga ako dahil nagkaayos kami at tsaka tinulungan niya ako kay frances pero sad to say hindi effective eh.

"Di natin yan malalaman lalo na at madaming chicks dun sa states , dong! Baka naman ireto mo akong dun ah! For sure madaming pipila sayo dun sa states sayang lang at hindi ako makakasama sayo" rebat naman ni gabb at tsaka umakbay sa may balikat ko, sinamaan nalang siya ng tingin ni coleen bago ito nagsalita.

"Anong sayang pinagsasabi mo gabbo? Kutungan kita dyan eh gusto mo?" Singhal niya kay gabbo napatingin naman ang mga Kuya kay coleen at tila bay nagtataka sa inasal niya.

"Hmp something is fishy coleen ah , anong meron sainyong dalawa na hindi namin nalalaman huh?" Nagtinginan nalang yung dalawa dahil ako palang ata ang nakakaalam na nanliligaw si gabb kay coleen ngayon.

"O siya mga Kuya ingat kayo sa pag uwi ah need ko na talaga mag check in at baka maiwanan pa ako ng eroplano , i love you all tsaka see you soon!" Nag group hug nalang kaming lahat bago ako tuluyang naglakad na papasok.

"Byeee dong!" Sigaw nilang lahat sa akin , napangiti nalang ako bago tuluyang tumalikod.

A few hours later

Sa wakas ay nakarating na ako sa states kasalukuyang naglalakad na ako dito palabas ng airport , tinatawagan ko naman sila tita upang sabihan siya na nakarating na ako ng states ngunit hindi naman niya sinasagot yung tawag ko. Ang last lang na sinabi niya sa akin eh wag daw akong mag alala dahil may nakaabang na daw sa entrance sa akin para sunduin ako at ihatid doon sa mansion. Ewan ko nga kung sino eh wala naman sinabi sila tita pero I'll just wait in the entrance nalang for sure kilala naman ako nung magsusundo sa akin eh.

"Hey jaydee? Omg mas lalo kang pumogi ngayon ah tama nga yung sabi ni Tita Yen" Saad ng isang magandang babae na nasa harapan ko ngayon , napaisip naman ako kung sino siya. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita or nakasama.

"Omg Karla? Ikaw yung magsusundo sa akin ngayon? Fudge si tita talaga sorry at mukhang naabala ka pa niya ah." tumango naman siya at lumapit sa akin upang bigyan ako ng yakap. Niyakap ko na din siya pabalik , actually she's my friend , to be precise a childhood friend of mine. Natatandaan ko pa noon sobrang close namin sa bawat isa.

"Baliw I insist na ako na ang magsundo sayo kasi nagpunta kami dun kanina sa mansiom niyo anyway tara na at kanina ka pa nila inaantay doon sa bahay niyo" sabi niya sabay hawak ng mga kamay ko , ewan ah pero naiilang lang ako sa ganun pero wala naman sigurong meaning tong ginagawa niya.

Nakasakay na kami ng kotse niya at napapansin ko na panay siya tingin sa may side mirror niya at sumusulyap sa akin sa may back seat, di naman ako feelingero ah pero nahuhuli ko talaga siya tapos panay pa siya ngiti pagkatapos. Di ko maitatanggi na mas lalo siyang gumanda ngayon ah kesa dati , nognog pa siya nun eh hahaha anyway mas maganda pa rin si frances sa paningin ko. Siya at siya lang talaga yung pinakamaganda sa akin , nakaramdam naman ako ng antok kaya umidlip na muna ako mukhang malayo pa naman kasi kami papuntang bahay.

________

"Jaydee? Gising na nandito na tayo , uy gising na kung hindi hahalikan kita dyan!" Agad naman ako napabangon sa pagkakahiga ko dito nang bigla niyang sabihin yun.

Nung unang yugyug niya sa akin eh ayaw ko pa talagang gumising kasi sobrang antok pa ako pero nung narinig ko na na hahalikan niya ako pag hindi ako bumangon ay biglang nagising yung diwa ko.

"Hahaha grabe yan sabay bangon ka kaagad ah , anyway tara na sa loob gayung kanina ka pa nila hinihintay?! Nasisigurado kong matutuwa sila na makita ka sa wakas" Tumango nalang ako at isinukbit ko na yung bag ko na ginawa kong unan kanina. Pagkababa ko ay bumungad sa akin sila tita na ngiting ngiti ano na naman kayang trip nito , lagi nalang mukhang may binabalak na kalokohan.

"Ampogi naman ng pamangkin ko! Manang mana sa angkan namin , kamusta ka naman sa pilipinas dong? Mukhang nangayayat ka nang malubha ah. Kumakain ka pa ba ah?" Sambit ni tita sabay yakap sa akin , di ko naman maiwasang hindi malungkot dahil kamukhang kamukha niya talaga si mommy. Para silang pinagbiyak na bunga.

"Okay naman po ako tita , Uhm anyway I need to take a rest na muna tita medyo pagod pa ako sa byahe eh and then mamayang hapon po pakisamahan naman po ako sa puntod ni mommy gusto ko na siya makita eh" sabi ko sa kanya actually I'm not okay tita pero I need to be okay eh in front of you as well as sa ibang relatives natin kasi ayoko namang kaawaan nila ako.

"Sige alam mo naman na yung room mo diba? Gisingin nalang kita mamayang hapon pero bago yun kumain kana ba? Kung hindi pa ay sumabay kana sa amin" Sabi niya sa akin binigyan ko nalang siya ng tipid na ngiti gayung busog pa naman ako at tsaka nakakain naman na ako sa eroplano.

"Opo kumain na ako sa may eroplano tita , sige mamaya nalang po ulit tita , karla thank you sa pagsundo sa akin ah?" sabi ko sabay ngiti kay karla binigyan niya din ako ng matamis na ngiti , mas bagay sa kanya na nakangiti lagi mas lalo siyang gumaganda. Naglakad na ako papuntang room at inilagay ko na sa gilid ng kama ko yung maleta ko , nagpalit na rin muna ako ng damit bago ko tuluyang ibagsak yung katawan ko sa may kama.












Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now