C81

669 89 16
                                    

Frances Pov

Panay ang pagpatak ng luha sa aking mga mata habang nakatitig lang sa may labas , kaya pala nakapagtataka na binigyan niya ako ng purple hyacinth na ang ibig sabihin ay humihingi siya ng tawad.

Dapat sa part pa lang nun ay nag hinala na ako , dapat naging aware na ako na this past few days dahil bawing bawi siya sa pagpaapasaya sa akin.

So eto na nga ang kapalit ng labis na kasiyahan na aking nadama kanina umaga?

Napapunas nalang ako ng mabilis ng matanaw kong nakatingin nang nag aalala si manong driver sa akin , na tila bay parang anak niya yung umiiyak ngayon.

Mabilis lang kaming nakarating sa may bahay at agad na akong kumuha ng pera sa wallet at inabutan si manong driver ng isang libo.

Tinitigan niya lang naman iyun saka hinawakan ang aking kamay upang itikom iyun kasama ang perang hawak ko.

"Free ride nalang po sainyo ma'am! Since december naman na at nalalapit na ang pasko! At tsaka nais ko lang sabihin iha na kung ano man yang pinagdadaanan mo sa ngayon hindi deserve ng taong iniiyakan mo ang iyak mo, hopefully ay maghilom ang sakit na nararamdaman mo" sabi niya sa akin saka tinapik ang bandang balikat ko at tsaka pumasok sa may taxi niya.

Hindi na ako nakapag salita kaagad sa kanya sapagkat mabilis na siyang nakaalis , napakagat labi naman ako dahil sa sinabi niya.

Pagkapasok ko ng gate ay bumungad sa akin si ate brei na mukhang kanina pa ako hinihintay , naglakad ako ng mabilis at yumuko upang sa ganun ay hindi niya makita na mugto ang aking mga mata.

"Hep! Hep! Hep?! Anong nangyari dyan sa mata mo? Akala mo ba na hindi ko mapapansin ah? Tsk! May advantage din kaya ang pagiging pandak frances!" Singhal niya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka ipinaharap sa kanya bigla namang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata.

Ang sakit! Ang sakit sakit sobra! Lagi ko nalang ba tong mararanasan sayo jaydee? Bakit? Bakit kahit ang sakit sakit na mas nanaisin ko pa ding makasama ka? Bakit kahit anong gawin mo parang gusto ko nalang na patawarin ka.

Punong puno na ako sa sakit na naidudulot mo pero bakit? Bakit mahal pa din kita kahit parang nagmumukha na akong tanga.

"Ate brei please let me rest now! I'll talk to you once I'm ready na to talk about it" sabi ko sa kanya at nalungkot naman ang mukha niya dahil doon at binitiwan ako , mabilis akong naglakad papuntang kwarto ko nang sa ganun ay mailabas ko na ang sakit na kanina ko pa pinipigilang ilabas.

Pagkahawak ko ng doorknob ay halos manghina na ang mga tuhod ko pero pinilit ko na iyung buksan at pumasok na sa loob.

Napasandal na ako sa pintuan at doon na nagsimula ang pagtulo ng luha ko , hindi ko ito mapigilan kasi feeling ko ang laki laki ng sugat ng puso ko.

Inilapag ko na sa may kama yung bag ko at tsaka nagsimula na akong magwala sa sobrang galit ko , pinagtatapon ko yung mga cosmetics at ilang bagay na nakikita ko dito ngayon at malapit lang sa akin.

Pinagbabato ko yung salamin at pinagmamasdan ang sarili ko habang umiiyak at labis na nasasaktan.

"Ano! Ano ba ang kulang sa akin ah! You told me that I was enough! But you cheated on me! Not once but twice jaydee! Damn you!" Napahagulgol na ako sa iyak at tsaka napaupo sa may sahig , rinig ko naman ang pag akyat nila mom and dad pati si ate brei.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now