C49

1K 146 24
                                    

Frances Pov

Naisakay na si jaydee sa may ambulansya , wala siyang malay sa ngayon at duguan ang buong katawan nito,. Hawak hawak ng isang babae ang mga kamay niya at siya yung nakasama kanina sa lunch namin.

Di ko alam kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa pero isa lang ang pumapasok sa aking isipan at iyon ay kasalanan ko kung bakit nangyari to kay jaydee.

"Babii hold on?! We're near na sa hospital kaya kapit ka lang ah , im here lang sa tabi mo" Nag aalalang sabi niya medyo maarte yung boses niya , like laking abroad talaga siguro to hmp wait Babi? So sila ngang dalawa? Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa may cellphone ko, kinontak ko na si ate brei.

A few minutes later nakarating na kami ng hospital at dinala na agad si jaydee sa emergency room, nakasunod lang ako habang si jie hawak hawak pa din yung kamay niya.

Gusto kong ako ang hahawak ng kamay niya at samahan siyang maidala doon sa emergency room pero alam kong wala akong karapatan at isa pa isa ako sa rason kung bakit siya nagkaganyan.

Damn it! Napaupo nalang ako sa may waiting chair , naluluha at nagdadasal na sana maging okay si jaydee.

"You may leave ako na ang bahala kay Jaydee" lumapit naman si jie sa akin at biglang nagsalita , umiiyak siya pero pinunasan niya yung mga luha niya bago ako hinarap.

Masama ang mga titig niya sa akin like parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"No i will stay?!" Sabi ko sa kanya alam ko naman na kanina niya pa na ayaw ako makasama pero si jaydee ang ipinunta ko dito at dahilan kung bakit gusto kong mag stay.

"Mag iistay ka?! Alam mo ang kapal din ng mukha mo! Ikaw ang rason kung bakit sinagasaan ng girlfriend mo si Jaydee and then you wanted to stay?! Para ano? Para di ka maguilty kung sakaling maging okay si jaydee?!" Galit na galit na sabi niya kulang nalang ay sabunutan niya ako dahil sa galit niya ngayon.

Napaluha nalang ako dahil sa sinabi niya kahit naman di ako sumama magiguilty at magi guilty ako dahil ako ang punot dulo ng lahat ng ito.

"I know it's my fault that's why im here , ayoko ng gulo at tsaka kaibigan din naman ako ni jaydee kaya hindi mo ako pwedeng paalisin dito , i just want to apologize at wlaa akong ibang intensyon" sabi ko pabalik sa kanya , napataas naman ang kilay nito at tinulak tulak ako ng mahina na dahilan upang mapaatras ako.

"A friend?! Or an ex girlfriend?! I know na ex ka ni jaydee by the word itself na ex please lubayan muna si jaydee , ayokong nasasaktan siya ng dahil sayo frances , maganda ka at mabait as i can see pero hindi mo deserved na mahalin ni jaydee" paano mo namang nasabi na hindi ko deserve mahalin? Alam ko namang ex na ako ni jaydee at hindi mo na kailangang ipamukha yun sa akin.

Hindi naman ako nag stay dito para makipagbalikan kay jaydee kundi para damayan siya , nung mga panahong nasasaktan siya di ko siya nadamayan at sa ngayon na nag aagaw buhay siya i wanted to be here with her.

"Just let me stay,." Naiiyak na sabi ko sa kanya natigilan naman kami sa pag uusap nang biglang dumating sila ate abby, ate brei, gabb ,lara , coleen at iba pa.

"Frances?! What happened?! Damn malubha ba yung lagay niya sa ngayon?" Nag aalalang sabi ni ate brei at niyakap ako, napailing iling nalang si jie dahil alam niyang hindi niya ako mapapaalis.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now