C21

1K 123 19
                                    

Coleen's Pov

Nasa canteen kami ngayon kasama ko si frances as always at si kielle  , third wheel na naman ako as always ahhaha ano pa bang bago coco? Wait asan na ba kasi yung si gabbo antagal ah , nababagot na akong tignan tong dalawang to na naghaharutan sa harap ko pa mismo.

Argh nakakamiss tuloy si jaydee , dati siya yung nagpapasaya kay frances at tsaka hindi siya boring kasama hindi kagaya nitong ni kielle na kala mo walang tao yung nasa paligid. Hindi man lang magawang kausapin ako dito or irespeto na nandito ako , subuan ba naman ng pagkain si frances sa harap ko at itong isa naman namumula , mukhang nagugustuhan niya din yung ka sweetan nitong ni kielle.

"Ut-ut? Ano wala ka bang balak kumain? Kanina ka pa hiwa ng hiwa dyan ng ulam mo pero hindi naman nababawasan yang pagkain mo sa plato" tanong niya sa akin inirapan ko naman siya , di pa ba obvious na nawawalan ako ng gana dahil sa kanilang dalawa? Di ako bitter guyz ah nakakainis lang na ewan.

"Kung bawas bawasan niyo kaya yung ka sweetan niyo ngayon? Respeto naman po sa kasama oh , ahem ahem!" Paubo kong sabi tama pa ba yung desisyon ko na laging sumama kay frances? Nagmumukha akong ewan pag silang magjowa kasama ko.

"Nasaan na ba kasi si gabbo! Bakit kasi hindi pa dumarating nagiging bitter ka na naman eh ha ha ha" natatawang saad niya , napatingin nalang ako sa may pagkain ko. Isa pa yung lalaking yun anong oras na hindi pa nakakarating ng canteen.

"Whatever frances! Anyway magbi birthday na si Kuya Abbie , baka naman pwede mo na akong tulungan para magkaayos na sila nila Kuya brei? Wala naman na si jaydee dito ngayon kaya baka pwede nang maging okay sila? Nadamay lang naman kasi sila diba?" Seryosong ani ko , alam kong galit sila Kuya dean, Kuya ali at lalong lalo na si Kuya brei dahil parang kinampihan nila Kuya abbiel si jaydee sa cheating chuchu.

Pero I guess maiintindihan ko si jaydee ah dahil lasing naman talaga siya nung time na yun kaya hindi niya na alam yung nangyayari. Hanggang ngayon nga ay hinahanap parin nila Kuya yung babaeng naikama ni jaydee , siya lang naman dapat sisihin eh char may kasalanan din si jaydee pero I do think na he deserves another chance.

"Yeah sure ut-ut! I'll make a move or should I say I'll talk to Kuya nalang , I think he's not mad anymore but don't worry , past is past na kaya magkakaayos din yan sila" sabi niya napatingin naman si kielle sa kanya , nakakairita tong mukha ng lalaking to di ko talaga siya bet para kay frances. Pogi siya ah but he's a no for me gayung boring niya kasama.

"Okay ----- wow gabbo ah! Antagal mo patapos na kaming kumain ngayon tapos ngayon ka lang dadating" iritang sabi ko kay gabb nang dumating siya dito at umupo sa may tabi ko at pawis na pawis pa siya , ang hot papie ah.

"Sorry na coco antagal matapos nung practice namin eh , anyway nuod kayo ng basketball game namin next week kalaban namin yung West Virginia College sa semi finals!" ani niya pa sabay punas ng pawis niya kinuha ko na nga agad iyun at ako na ang nagpunas para sa kanya lalo na sa likuran niya.

"Tol? Balita ko matatangkad daw yung mga players dun ah? Pero mukhang kayang kaya naman natin manalo sa kanila. Matangkad sila ngunit mas mabilis tayo." Aba marunong pala magsalita tong ungas na to? Akala ko pipi siya eh tsk yabang.

"Oo nga eh pero si Kuya abbie na bahala mag block sa kanila tol , anyway kaya pala wala ka sa court ah andito kana pala, lagot ka kay coach" pang aasar pa ni gabbo napatawa nalang si kielle , kaya pala ang bilis kong mag abang sa labas ng room namin hindi naman pala umattend ng practice nila.

"Pssh lang tol minsan lang naman at tsaka nag paalam ako kay Kuya brei eh , medyo nananakit kasi yung sa may bandang tuhod ko kaya ipapacheck ko pa mamaya sa doktor ko" sabi pa niya pa kay gabb tumango nalang si gabb at nagsimula na siyang kumain.

________

Gabb's Pov

Pagkatapos kung kumain sa canteen kasama sila coco ay bumalik na agad ako sa may court , argh nakakamiss si jaydee ano na kaya ginagawa ng mukong na yun. Hindi man lang siya nagpaparamdam this past few days paniguradong may bagong chicks na naman yun.

"Gabb? Ikaw na magpi free throw shooting ngayon? Ano tutunganga ka lang dyan?" Sabi ni Kuya abbie sabay tapik sa akin na dahilan upang bumalik ako sa wisyo.

"Kuya abbiel? Malapit na birthday mo ah! Ano balak natin? Paparty na ba tayo sa may bahay niyo or sa condo mo nalang? Hindi dapat mawala ang walwalan ah gayung ayan naman ang gustong gusto ng lahat" Tanong ni lara kay Kuya abbie , shigz oo nga pala next week na birthday ni Kuya abbiel , ang bilis ng panahon ah 2 buwan na pala ang lumipas.

"Birthday ka dyan! Di na uso yun ano , mag inuman nalang tayo sa may condo ko , hays sayang at wala dito si jaydee ngayon. Miss ko na yung dolphin na yun!" malungkot na sabi nito , tawagan ko kaya si jaydee mamaya baka pwede naman siyang magbakasyon man lang dito kahit sa birthday lang ni Kuya abbiel.

"Oh wag kang iiyak batas! Hahaha anyway edi tawagan nalang natin sa birthday mo , baka kasi busy na yun sa bagong jowa niya i guess?" Ani ni lara nabatukan naman siya ni kuya abbiel , nagtungo na ako sa may free throw line dahil kanina pa yung turn ko kaso nga lang nag chikahan pa sila Kuya abbiel kaya nakinig na muna ako.

"Haha mukhang wala sa kondisyon yang kamay mo gabb ah! Puro mintis lahat ng tinira mo , may malalim ka na naman siguro an iniisip dyan ngayon" sabi ni kuya abbiel at napabuntong hininga nalang ako sa sampong tinira ko puro sablay lahat.

"Wala lang siguro sa focus Kuya abbiel kaya ganun pero magpapractice ako ng shooting mamaya sa bahay nang sa ganun ay manumbalik yung pulso ko" sabi ko tinignan naman ako ni lara ngayon yung tingin na nakakaloko at may naisip na kalokahan.

"Ayan nasobrahan kana kasi sa focus kay coco kaya ganyan gabbo , pasmado na ata yang kamay mo ah ano bang pinagkaabalahan mo at mukhang pagod yang kamay mo ngayon" sa pangalawang beses ay nabatukan na naman siya ni Kuya abbiel , ayan ingay mo ah tsaka ang pasmado ng bibig mo larami.

"Ikaw na susunod wag ka nang magsalita ng kung ano mang kabastusan dyan larami" seryosong ani ni Kuya abbiel napangiti nalang ako dahil sa mukha ngayon ni lara hahah parang malakas kasi pagkakabatok sa kanya ni kuya abbiel hahaha.

"Anong bastos dun abbiel? Ikaw huh may iniisip ka kasi na ginagawa mo din siguro kaya nasabi mong bastos" pangangantyaw pa ni lara kay kuya abbie sabay tumakbo na papalayo dahil baka mabatukan siya ulit.

Napatawa na lamang ako gayung ang kulit nilang tignan na maghabulan , yung tipong para mga bata din na tumatakbo habang nagtatampisaw sa ulan.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now