C72

780 96 9
                                    

Jaydee's Pov

Nagmumuni muni lang ako ngayon sa paligid habang inaantay ang pagbabalik ni queen kasama si cole hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung ano na ang ginagawa ngayon ni jie.

The real thing is nag stay talaga ako sa states noon para kay jie sapagkat nakiusap sa akin si tito at tsaka si taylor na din kasi nga about sa sakit ni jie , she has a cancer in her bone marrow na dahilan upang manghina siya at kailangan niya ng taong masasandalan at makakatulong sa kanya sa pag recover.

At ako lang daw ang makakatulong kay jie dahil simula daw nung nagkakasama kami ni jie at lagi akong nasa tabi niya ay naging okay daw yung kalagayan niya.

Maybe nagustuhan ko siya dahil sa nandyan siya sa akin pero nawala agad nang nararamdaman ko sa kanya sa isang iglap lang which means na hindi pa talaga ganun kalalim yung feelings ko para sa kanya kagaya nung nararamdaman niya sa akin.

Napatayo nalang ako saglit at tsaka nagtungo sa may bandang playground na malapit lang dito.

Maya maya pa naman ang alis namin kaya may time pa akong mag swing at mag slide slide ganun na para bang bata.

Nag eenjoy lang ako dito nang biglang sumulpot dito si Nile , niyaya ko naman na siya pero sinenyasan niya ako na mag usap daw kami kaya ayun nag slide na ako pababa.

Naupo siya sa may swing at ganun na din naman ako , nakatingin lang siya sa malayo habang nakikita ko na may namumuong luha sa kanyang mata na ikinapagtaka ko.

"Nile?! Are you okay? May problema ba? Bakit mukhang malungkot ka ah?" Tanong ko sa kanya saka tumayo na ako sa pagkakaupo at pumunta sa may harap niya , hindi ako sanay na makita siyang ganito.

"Jaydee?! Ano kasi---" aniya niya sa akin bakas ang takot sa mukha niya at hindi ko talaga siya maintindihan sa inaakto niya ngayon , panay lang siya tingin sa paligid na para bang may nagmamasid sa amin sa malayo ganun.

"Ano yun nile?! Kumalma ka muna unti nang sa ganun ay masabi mo na yung nais mong sabihin" sabi ko sa kanya sabay hawak din ng mga kamay niya na nanginginig ngayon , ano ba talagang nangyayari nile ah?

"I just want to say sorry sayo at kay frances dahil sa amin nasira ang relasyon niyong dalawa----" natigilan naman siya sa pagsasalita nang bigla kaming makarinig ng isang sigaw mula kay dana na tila bay galit na galit.

Napatakbo na ako sa kinaroroonan nila at iniwan na muna si nile sa may swing , baka kasi kung ano na ang nangyayari kaya nais kong alamin iyon.

Napanganga nalang ako sa gulat habang pinagmamasdan ngayon si Dana na nakapatong kay Laney habang pinagsusuntok ito ng sunod sunod.

"Dana ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo si Laney at kung ano man ang hindi niyo pagkakaintindihan ay pag usapan niyo nalang" sabi ni ate abby habang pilit na inaalis si Dana sa pagkakapatong kay laney na hindi naman makapalag sa kanya.

Luhaan naman si gabb ngayon at nakatingin lang kay Dana na sobrang pulang pula ang mga mata ngayon, ano ba talaga ang nangyayari?

"How come na nagawa niyo to laney ah?! Hindi pa kayo natapos sa ginawa niyo?! Nanakit pa kayo at nandamay ng ibang tao?! Ibalik mo sa pag ka buhay si fritz!! Ibalik mo!!!! Wala kayong puso!!!!" Sigaw ni dana habang napapahagulgul sa iyak, what does she mean? Wala na si fritz na personal detective niya? At no way hindi pwede tong iniisip ko.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now