C73

876 87 8
                                    

Jie's Pov

Nasa bar ako ngayon as always sa bar na pag ma may ari namin at kung saan una kong nakita si jaydee , i think she was 17 years old nung nakita ko siya dito kasama yung mommy niya na lasing na lasing na sinundo niya.

I overheard their conversation at mukhang may problema sa pamilya nila , halata sa mukha ni jaydee yung pagkalungkot at nasasaktan siya habang pinagmamasdan ang kanyang ina na sobrang lasing na.

Doon nagsimula na humanga ako sa kanya at tumibok tong puso ko na akala ko dati ay walang pakiramdam , this bar? Ayokong nagpupunta dito kasi puro mga spoiled brats at mga warfreak yung mga taong nagpupunta dito.

Pero simula nung makita ko siya? Pumayag na ako kay dad na ako na mag manage nito na ikinagulat niya , imagine mo 17 years old din ako nun nung nahulog ako sa kanya.

Nalaman ko naman na may nililigawan siya nung mga time na yun at syempre nabigo ako nun at nung time na yun nag decide na din ako na sa Rtu sana mag aral kaso hindi ko nalang tinuloy kaya nag decide ako na bumalik nalang sa States at mag aral kasama ang pinsan kong si taylor sa St. Carolina.

Imagine mo yun? Ilang taon na ang lumipas at siya pa din talaga laman ng puso ko nung bumalik ako sa pilipinas , naging updated ako sa mga galaw niya through my private investigator.

Akala ko naka move on na ako pero nung makasalubong ko siya sa may Cafe De Esa kasama yung Frances na yun? Dun ako muling nasaktan at nag decide ako na sisirain ko silang dalawa.

Madami akong plinano at nasaktuhan na parang nilalapit ng tadhana si jaydee sa akin kasi nung time na isasagawa ko na yung plano ay nandoon siya sa may bar namin.

Kaso mas nanaig yung konsensya ko kaya hindi ko na ginawa yun , mahal ko siya pero hindi ko pala kayang gumawa ng mas ikakasakit niya.

Kring! Kring! Kring!

"Jie?! Natulala kana dyan? May tumatawag sa phone mo ngayon baka gusto mo namang sagutin ano?! Baka kasi emergency yan or what" sabi naman ni rianna , siya ang kasama ko ngayon na ang iinom, pasimple ko namang pinunasan yung mga luhang papatak na sana sa mga mata ko.

OTPC

"Jie?! Asan ka ngayon? Nasa presinto ngayon si laney at nile sapagkat dinakip sila dito sa boracay , Otw na kami pumunta ka na din doon ngayon kailangan kita upang mailabas sa presinto si Laney" nagpapanic na sabi ni Zandro ngayon , so nalaman na nga nila jaydee yung ginawa nilang dalawa.

"Kaya niyo na yan zandro , labas naman na ako dyan sa pinagawa ni sofia , don't worry I'll call the precinct san ba sila dinala?" Walang emosyong sabi ko ngayon sa kanya, may kapit kasi ang pamilya namin sa lahat ng police station kaya makakalabas kami kaagad kung sakaling may gawin man kaming gulo.

Pero ako ang mas may upperhand sa kanilang tatlo sapagkat anak ako ng Matsumoto , pinsan ko lang kasi sila sa smith side.

"Jie please pakibilisan sapagkat malalagot si Laney pag umabot to kay Lolo Dad" nag aalalang sabi niya talagang malalagot si laney kapag nalaman niya ito, pati si sofia ay madadamay pag sinabi ni laney dito kung bakit ba sila napaimbestigahan.

"I'll do my best" sabi ko sabay pinatay na yung tawag, nag taas naman ako ng kamay dito sa taong nasa harapan.

EOTPC

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now