C25

975 85 6
                                    

Gabb's Pov

Nagkakasiyahan na kami dito sa loob ng condo ni ate abby ngayon , buo na ang magtotropa ngayon at tanging si jaydee nalang talaga ang kulang.

"Ey! ey! party! party! Hoy gabbo tumayo ka nga dyan kanina ka pa dutdut ng dutdut dyan sa cellphone mo!" Singhal sa akin ni ate abby , baliw kasi na jaydee yun hindi ko makontak anong oras na ngayon.

Ang sabi niya mga 8pm nandito na siya sa pilipinas pero malapit na mag 9 oh tapos hindi ko pa siya makontak.

"Oo nga gabbo andyan na nga yung bebe mo sa tabi mo tapos may kausap kapa dyan sa phone mo , aba maging loyal ka naman hindi yung paiba iba ang babae mo" pang aasar din ni dana sa akin , itong katabi ko naman inirapan lang ako tapos biglang tumayo hay nako nagpapaniwala na naman si coleen sa mga sinasabi nilang dalawa.

"Hoy mga baliw kayo , uminom lang muna kayo dyan may inaasikaso pa ako ngayon , babae ka dyan nag iisa lang ang babae ko no!" for sure matutuwa si ate abby nito sa surpresa ko sa kanya pero ewan ko nalang kila ate brei , dana at frances ah.

"O siya magbigayan na muna tayo ng gifts at mamaya nalang natin ituloy yung walwalan!" Sabi naman ni jem at sumang ayon naman ang lahat nagsigalaw na sila upang kuhanin yung mga regalo nila.

"Sinong mauuna aber? Ikaw na muna sheki by height tayo para masaya hahaha" pangangantyaw pa ni ate brei kay sheki hahah tawang tawa naman kami dahil sa sinabi niya mukhang may tama na din silang dalawa.

"Wow kapal mo brei! Magkapareho lang tayo ng height no , wag ka nga mag feeling matangkad dyan. Kung by kagandahan ako na ang mauuna" rebat naman ni sheki kay ate brei , nagsukatan pa sila ng height sa harap namin.

"Hahaha mag bato bato pick nalang kayong dalawa ombeng at bonitah! Andami niyong dama na dalawa pag kayo nagkatuluyan ah!" Sabi naman ni ate sela na ikinabigla namin , napatingin nalang ako kay lara na tahimik lang na umiinom ng alak ngayon.

For sure affected pa din siya at mahal niya pa din si ate brei , ang hindi ko lang mawari ay okay na nga kaming magtotropa pero hindi pa din siya gumagawa ng way upang makuhang muli si ate brei.

Pero hindi ko din siya masisisi kung ayaw niya nasaktan din naman kasi siya ng sobra sa mga nasabi sa kanya ni ate brei.

"Yuck/Ew! Kadiri ka naman marsela! Wag nalang kung si brei lang ang mapupunta sa akin." Sabay nilang sabi at nakapamewang na ngayon si ate brei na namumula na din ang pisnge.

"Wow huh luging lugi ka pa ba sa akin sheki? Kapal mo din ano?!" sabi niya naman kay sheki bigla namang bumungad si alice ngayon at lumapit sa kanila.

Lumabas na ang legal na jowa ni bonitah hahah may eksena na naman to for sure hahaha.

"Anong lugi pinagsasabi niyo dyan ah! Abay nakakalimutan niyo atang nandito pa ako , jowa ko yang si bonitah wala namang sulutan harap harap ombeng" medyo inis na sabi ni alice natawa naman kaming lahat kasi medyo pagiwang giwang na siya.

"Hala gago! Lasing na si alice , tama na nga yang pang aasar niyo sa dalawa" sabi naman ni ate abelaine at pinaghiwalay na nila yung dalawa baka kasi magkainitan pa ngayon na lasing na din sila.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now