C75

1K 114 7
                                    

Jaydee's Pov

"Frances?! Uy sorry na hindi na mauulit promise ko sayo yan , please papasukin mo na ako at inaantok na ako , sige na Love?! Love?! Buksan mo na please?" Pagmamakaawang tawag ko kay frances na ngayon ay nasa loob ng kwarto , apat lang kasi yung kwarto dito at na occupy na ng bawat couple yung kwarto like sila ni ate sela at ate abby , si ate jem at dana at lastly si ate brei at ate lara tapos yung isa na natira ay para sa aming dalawa ni queen.

Nakatayo lang ako dito sa may harap ng kwarto at unti unti ko namang naririnig ang mga yapak galing sa loob , binuksan niya na yung pinto at napangiti naman ako ng makita ang mukha niya.

Akmang papasok na ako nang biglang sumapol sa mukha ko yung unan at tsaka yung kumot sabay isinarado niya yung pintuan ng kwarto.

Napahawak nalang ako sa may mata ko at tsaka unti unti nang kinuha yung unan at kumot sa may sahig.

"Queen?! Sure ka na ba na ayaw mo ako katabi? Sige ka may multong tatabi dyan sayo nako , ikaw din" pananakot ko pa sa kanya pero hindi niya binuksan yung pintuan, alam ko kasi na matatakutin siyanat kapag inaasar ko siya noon ng mga ganito ay agad yang yayakap sa akin pero ngayon ata ay hindi na siya ganun katakot , baka napag isip isip niya na hindi naman talaga nakakatakot yung multo.

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan yung pintuan at medyo nagbabakasakali na buksan niya ito pero argh matindi ang topak ng Reyna ko ah , mukhang sa sala nga talaga ang magiging tulugan ko ngayong gabi, unti unti na akong naglakad at napapigil nalang ng tawa si Lara ng makita niya akong may dalang kumot at unan.

"Hindi pa kayo pero may suyuan nang nagaganap ah? Haha ayan sa sala ka tuloy matutulog hahahah kawawa ka naman dong! Ang lamig pa naman dito ngayon at siguradong hindi ka dyan kakasya sa liit ng sofa na yan" pangangantyaw niya pa sa akin, tinignan ko naman siya ng masama dahil doon, nagawa niya pa talagang mang asar ah.

"Oh saan punta niyo ate alice? Uuwi ba kayong apat?" Tanong ko nang makita sila ate alice , ate sheki na inaalalayan si Gabb na sobrang lasing at kasama na din si coco.

"May duty kasi ako bukas sa hospital ni Lolo Dad kaya need ko munang umuwi , babalik nalang kami bukas ni sheki , siya nga pala ihahatid na muna namin tong si Gabrielle sa bahay nila dahil hinahanap siya ng Daddy niya" mahabang sabi naman ni ate alice napatango nalang ako at sinabihan sila na mag ingat sa pag uwi gayong mag aalas dos na ng madaling araw.

"O siya alis na kami jaydee?! Haha suyo well kay queen sobrang topakin pa naman nun ni Ut-ut" sabi naman ni coleen saka tinapik yung balikat ko at nag sign pa ng goodluck.

Lumabas na sila at kasabay nun ay ang pag buntong hininga ko nung makaupo ng sofa , lumipat naman na sa kabilang sofa si lara nang sa ganun ay mailatag ko na yung magiging higaan ko.

Argh for sure mananakit mga buto buto ko nito sa iksi ba naman ng sofa na to baka nga sa baba ko nalang ilagay yung paa ko.

"Dee?! Gusto mo bang uminom?" Tanong naman ni Lara sabay tayo at kukuha siguro ng Alak sa may ref yung binili niya kanina.

"Ay pasensya na Lang? Hindi pwede eh baka mas madagdagan galit ni Queen pag nalaman niyang uminom ako ngayon, nangako pa naman ako na magpapahinga ako sa pag inom ngayong araw" pagtatanggi ko sa offer niya ,ayoko na ngang dagdagan yung inis na nararamdaman ni Queen dahil sa naging ganap kanina.

Nasanay na kasi ako sa states na makipag pa picture sa isang fan ko kasi nga for example may idolo ako at tsaka kaharap ko na mismo yun syempre mag papa picture talaga ako at masakit sa part ko yun kung i rereject nung idol ko yung request ko na makapag pa picture sa kanya.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now