C69

998 111 4
                                    

Author's Pov

Nasa swimming pool na lahat ang magbabarkada at tahimik lang na nakamasid sa kanila sila zandro at sofia kasama si laney.

"Alam mo zandro ka tali talino mong tao pero ang bobo ng ginawa mo kanina! Alam mo ba yun huh?!" Iritang aniya ni sofia sa kanyang pinsan na diretso lang na nakatingin sa kinaroroonan nila jaydee at frances na masayang nag uusap habang magka holding hands.

"Ako lang ba ang bobo sa atin huh sofia?! Kayong tatlo ni jie at laney? Hindi ba kayo ganun? Magpipinsan kayo pero ano?! Pinag aagawan niyo yung Garcia na yan! Kailan ba kayo magigising sa katotohanan ah? Ikaw laney anong balak mo dyan sa isa mong kasama?!" Kalmado pero may inis na din niyang sabi sa kaniyang pinsan na panay lang reklamo sa ginawa niyang confession kanina kay frances which is nareject siya.

"Ako ang naunang nagkagusto sa kanya! Nakisali lang naman tong sila jie at sofia sa akin" sabat naman ni laney na ngayon ay naka swimming attire na , nasa may tago silang lugar at madilim doon kung kaya ay malabong may makakita sa kanila.

"Wow huh?! Ano to paunahan? Hindi kami updated na may race pala sa pagmamahal?!" Sabat namang muli ni sofia kay laney na naiirita na din sa kanyang nakikita.

"As you can see masaya na sila , bakit pa ba natin sila guguluhin? If you love someone you need to sacrifice na ipaubaya sila gayung in the first place hindi naman natin sila pagmamay ari" malungkot na saad ni zandro sa dalawang pinsan niya habang napataas naman ang kilay nilang dalawa dahil roon.

"Kung gusto mong sumuko sa pag ibig mo kay frances then go! Hindi ka naman namin kasama sa plano namin sadyang nagulat lang kami na kakalipat mo palang dun sa RTU ay nagkagusto ka kaagad sa kanya , na timingan lang na siya ang ex girlfriend ni jaydee" sabi naman ni sofia kayq zandro , walang planong naganap sa kanila sadyang nagulat lang ang kaniyang mga pinsan sa nalaman nila na may gusto si zandro sa ex ni jaydee.

"Si Jie , mas kailangan niya si jaydee kaya itigil niyo na itong dalawa,. Mag focus ka nalang sa magiging kabiyak mo Sofia at ikaw naman laney , mag move on kana din kay jaydee nandyan naman si amanda para sayo , hindi mo ba napapansin yun? Nandyan na sa tabi niyo yung mga nagkakagusto sainyo at handang mahalin kayo kaya wag na sana kayong maghanap pa ng ibang tao na hindi naman kayang suklian yung pagmamahal na ibinibigay niyo" seryosong sabi ni zandro nasasaktan siya ng sobra pero hindi niya nais na ipaalam iyon sa mga pinsan niya.

Gusto niyang maliwanagan ang kanyang pinsan nang sa ganun ay hindi na sila panay habol sa taong wala namang paki sa kanila.

Hindi din tama sa pananaw niya na may ginagawa na hindi maganda ang mga pinsan niya dahil lang sa pagmamahal.

"Wow zandro? Alam kong mabait ka pero hindi ko naman akalain na ganito ka kabuti? Ano na yung sinasabi mong gagawin mo ang lahat para magustuhan ka niya?" Pagbabalik usapan na sabi ni sofia kay zandro sabay tinusok tusok ang dibdib nito.

"Masaya na siya sa iba at yun ang mahalaga----" malungkot na sabi niya habang napatingin nalang kay sofia at laney.

"Pwes kami hindi zandro! Hindi kami masaya sa kanilang dalawa! Total nasimulan na namin yung plano edi itutuloy na namin to hanggang dulo!" Galit na sabi ni laney kay zandro,. Nakayukom ang mga kamay nito dahil sa inis at galit na nadarama.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now