SPECIAL CHAPTER SNEAK PEEK

241K 5.9K 11.4K
                                    

MAXWELL'S POV

"MAXWELL, SWEETHEART, please open the gate, anak. Nasa labas na siguro si Yaz." Iyon ang bungad ni mommy nang makababa ako, tutok sa binabasang diyaryo at humihigop sa coffee cup ang mga mata niya.

Lahat sila ay nasa mahabang dining table at nagbe-breakfast. Nangunot ang noo ko nang masulyapan sina daddy at Mokz na nakangisi na sa 'kin.

"Why?" tanong ko saka lumapit at humalik sa sentido ni mommy.

Nagkibit-balikat ang dalawang matanda ngunit nginisihan ang isa't na para bang hindi ko sila nakikita.

"Dad," tinapik ko si daddy sa likuran bilang pagbati saka ako tumango kay Mokz. Nilingon ko rin sina Maxpein, at Maxrill na sinusubuan ang alagang aso.

"Yaz is going to stay here for the meantime," noon lang sumagot si mommy, natigilan ako. "Tulungan mo siyang buhatin ang mga gamit niya. Thank you, maji."

"Why?" muling tugon ko.

"What do you mean why, Maxwell?" sagot ni mommy.

"Why is she going to stay here?"

"I asked her a favor, to stay here while we're away. Besides, our home is closer to her workplace."

"Why Yaz?" patuloy ko.

Dahilan para alisin ni mommy ang paningin sa binabasa at ilapag ang tasa ng kape upang tingnan ako. Napabuntong-hininga ako nang masalubong ang matalas na tingin niya. Ibig sabihin no'n, hindi na dapat ako magtanong at sa halip ay sumunod na lang. Tatawa-tawa sina daddy at Mokz nang masulyapan ko.

Magsasalita na sana ako nang tumayo si Maxrill. "Hyung just woke up, mom, maybe he's tired. I'll do it. I'll help her."

Humarang ako sa daraanan niya. "It's okay, I'll do it."

Nagkatitigan kami ni Maxrill saka siya natatawang bumalik sa silya. "Pretending to be nice because our parents are here, huh?"

"Just finish your breakfast, baby brother," ngiwi ko saka tinalikuran ang lahat para lumabas.

Sa patio pa lang, natanaw ko na si Yaz na hirap na hirap, bigat na bigat sa maletang binababa mula sa trunk ng vintage sedan niya. Napatitig ako sa mukha niya at napangiti. Parang walang nagbago pero lalo rin siyang gumanda sa paningin ko, ang weird. Her skin got a little lighter and her hair a little longer. She looks extra tall right now and a little skinnier. But one thing's for sure, she's still maingay. Pinakamagandang maingay na nakilala ko.

Napabuntong-hininga ako nang muling panoorin ang ginagawa niya. Lalo siyang nahihirapan dahil isang kamay lang ang gamit niya para magbuhat. Habang ang isa ay nakasuporta sa trunk lid.

Marahan akong naglakad at sa sobrang abala niya, hindi niya ako naramdamang lumabas sa gate. Umangat ang gilid ng labi ko nang pasadahan ng tingin ang kabuuan niya mula sa hapit at maiksing dress hanggang sa mataas na takong. Napapailing akong nag-iwas ng tingin.

Pabuntong-hininga akong pumuwesto sa likuran niya nang may dumaang sasakyan, na sinadyang bagalan nang matanaw siyang nakayuko sa trunk at kinukuha ang hindi mabilang niyang bags.

What? Inis kong tanong sa isip, habang nakatingin sa nagmamaneho ng dumaraang sasakyan matapos ako nitong tingnan. Pinaharurot nito palayo ang sasakyan.

"Let me help you, Yaz," sabi ko nang tuluyang makalapit.

Inangat ko nang todo ang trunk lid ng vintage car niya dahil sa tingin ko, hindi sapat ang pagkakabukas niyon sa laki ng boxes niya. Paano niyang napagkasya ang lahat ng 'yon sa compartment? I can't believe this girl.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon