CHAPTER 62

1.1M 43.7K 65.2K
                                    

CHAPTER 62

"BABY..."

NAKANGUSO akong lumapit kay Maxwell na kasalukuyang nahihirapan magluto ng paella. Alas dos na nang madaling araw pero talagang gusto kong kumain no'n. Ngayon pa lang ay nasisiguro ko nang hindi ako makakatulog nang hindi kumakain ng paella.

"Hmm?" tugon niya na halatang pilit na lang nagpapasensya. Kompleto ang rekados pero ang kaalaman sa pagluluto ng paella ang wala siyang ideya.

"Ayaw mo na ba sa 'kin?" nakanguso kong tanong.

Nagugulat niya akong nilingon. "What? No..."

"Ayaw mo na?" nagugulat ko ring tugon.

"No, I mean, gusto..." pilit niyang pinahinahon ang sarili. "Just give me a few more minutes, okay?"

"You cannot cook paella in a few minutes, Maxwell."

"I mean give me a few minutes to figure out how to cook that thing."

"It's not a thing," inis kong sabi.

"Yeah, of course, it is paella."

Ngumiti ako kahit narinig ko siyang bumuntong-hininga. "I love you."

Kinuha niya ang malaking kutsilyo saka nakangiting ginayat ang chorizo. "I love you."

Lumapit ako at yumakap sa kaniyang likuran. "Parang ang sarap ng chorizo..."

"Hmm."

"Parang gusto ko na rin ng sinangag..."

Nagugulat siyang nahinto saka ako nilingon. "What?"

Tumango ako. "Gusto ko rin no'n, Maxwell. Masarap ang sinangag kung merong chorizo."

Napamaang siya sa 'kin saka malalim na bumuntong-hininga. "Okay, baby," mahina niyang tugon, walang magawa, walang magagawa.

Nakangiti akong naupo sa high chair at saka pinanood siya. Nakapangalumbaba at pinasasayaw ang parehong paa. Noong una ay nalilibang pa ako, paano kasi ay ang paborito kong likuran niya ang aking natatanaw. Nangingiti ako sa bawat galaw niyon, kunyari ko pang hinahaplos. Pero nang dumaan ang mahabang sandali nang panonood ay naiyuko ko ang aking ulo sa kitchen island table at nakatulog. Namalayan ko na lang 'yon nang marinig ko ang kaniyang bulong.

"Baby, wake up..." hindi ko alam kung ilang beses niya nang ipinakiusap 'yon. "Baby..."

"Oo, alam ko!" inis kong tugon.

Nagugulat niyang mukha ang namulatan ko. "Why are you mad?"

"Because you woke me up," simangot ko.

"The food is ready," pabuntong-hininga niyang sabi saka isinenyas ang long table.

Namangha ako sa ganda ng preparation. Nangingiti ko siyang nilingon saka ako patili na bumaba sa high chair.

"Zaimin Yaz!" asik niya sa ikinilos ko. "I asked you to be careful."

"I am fine," sabi ko na sinundot ng daliri ang paella saka tinikman ang hintuturo. "OMG! This is so fetch, Maxwell!"

Umiiling siyang bumuntong-hininga saka hinila ang chair para sa akin. Naroon sa pagkain ang aking paningin nang maupo. Kumuha ako ng plate at wala sa sariling pinunasan iyon at inilapag sa harap niya.

Nagugulat niya akong sinulyapan. "I'm not hungry."

"Eat with me," sabi ko saka siya ipinagsandok.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now