CHAPTER TWO

2M 62.9K 67K
                                    




          

GANO'N NA lang ang excitement kong pumasok kinabukasan. Kahapon pa lang ay nabanggit na sa amin ni Dra. Keziah na babalik si Maxwell doon para mag-perform ng surgery. Dati-rati ay halos isumpa ko ang paggising nang maaga. Bago kasi mag-alas sais ng umaga ay kailangang nasa ospital na para sa endorsements. Pero ngayon ay nauna pa akong magising sa alarm clock ko. 'Yong ngiti ko kagabi ay mas nadagdagan pa ngayon. Halos tumalon-talon ako sa paglalakad papunta sa dining area.

Nakakatuwa talaga ang pamilyang Moon. Saulo na nila ang oras ng trabaho ko. At kahit anong aga no'n ay bumabangon silang lahat para sabayan akong mag-breakfast.

"Good morning, you look happy," nakangiting bati ni Maze.

Humalakhak ako na para bang luka-luka. "Mahal na yata ako ng panganay ninyo, tita!" bulalas ko, nagtawanan ang mga Moon.

"Maigi kung gano'n," ani Mokz. "Magandang balita iyan."

"'Ku!" intrimitida talaga ang kapatid ko. Bagaman iyon pa lang ang sinasabi niya ay alam ko nang kokontra siya. "'Wag kayong naniniwala diyan kay ate, ipinanganak 'yang assuming."

Mataray akong namaywang. "Excuse me! May pagkakaintindihan kaming dalawa kahapon!" Niyakap at inihele ko ang sarili.

"Gano'n nga," nakangiwing ani Zarnaih. "May sinabi siya, nag-assume ka, gano'n 'yon, ate! 'Yong tipong 'yong topic ninyo ay iisa, pero 'yong intindi ninyo, magkaiba. Gano'n 'yon, maniwala ka."

Lumaylay ang mga balikat ko. "Ikaw, may anak ka na't lahat, hindi pa rin nagbabago 'yang ugali mo." Hindi ko makuhang magtaray, ayaw kong masira ang araw ko.

"They're on their way here," ani More, gwapong-gwapo sa suot na suit. Noon ko lang napansin kung gaano kapormal ang mga suot nila.

"My Maxwell?" nagugulat kong tanong.

Nakangiting tumango si More. "Eat your breakfast. Mabilis ang sasakyan ng isang 'yon."

Maarte akong naupo at mas maarte pang sumandok ng agahan. Keep breathing, then! Aye-aye, baby!

"Bilisan mo raw, at mabilis magmaneho si bayaw," asik ni Zarnaih. "Kapag dumating 'yon, gutom ang beauty mo."

Sinimangutan ko siya. "Ayaw ni Maxwell nang nalilipasan ako ng gutom. Ayaw rin niya nang minamadali ko ang pagkain." Natawa ako sa sariling gawa-gawa.

"Nakita mo na? Ganiyan ka mag-assume. Sa una, masaya, kasi ikaw pa lang ang may alam. Kapag nakarating na sa kaniya, do'n ka na masasaktan."

Sinamaan ko ng tingin si Zarnaih. "Ano ba?" mataray kong tugon. "Boto ka ba talaga sa 'min o ano?"

Humalakhak siya. "Ganiyan ka rin sa 'kin no'ng sabihin ko sa 'yo 'yong feelings ko kay Lee. Ipinaparamdam ko lang sa 'yo 'yong pinagdaanan ko diyan sa bibig mo, ate."

"Excuse me, suportado kita no'n, 'no!"

"O, sige na, kumain ka na. Ang pangit mo."

Panay lang ang pagtawa sa 'min ng mga Moon, lalo na si Mokz, syempre. Masarap lang sa pakiramdam na mas ayaw pa nila kaming paalisin sa mansyon kaysa sa sarili nilang mga anak. Halos pangunahan nila si Maxrill sa pagpapatayo ng sariling bahay. Kumuha pa ng sariling engineer si More para sa bunso. Sa huli ay iginiit ni Maxrill na si Deib Lohr ang gusto niyang humawak sa magiging bahay niya. Samantalang noong malaman nilang aalis na kami ni Zarnaih, mas emosyonal pa si Maze kaysa kay mommy.

Habang kumakain ay nagpaalam na si Zarnaih sa mga Moon. Bukas ng gabi kasi ay dederetso na kami pauwi sa bahay nila ni Lee matapos ang dinner party. Lalabas kami kasama ang pamilyang Moon, iyon na ang munting celebration nila sa pagbalik. Imbitado ang malalapit nilang kaibigan. Bukod naman sa nasa convocation si Lee for three days, pumayag itong manatili kami sa bahay ng mga Moon habang wala siya. Hahabol lang ito sa dinner party at isasabay na rin kami pauwi.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now