CHAPTER FIVE

2.2M 62K 97.3K
                                    




WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.

DUMAMPOT NG roba si Maxwell sa mesa ng mga twalya habang papalayo kami. Halos paliparin niya iyon sa hangin bago ibalot sa 'kin, nagpapasikat. 'Ayun na naman iyong mga galaw niya na nagdudulot ng kilig sa akin. Napangiti ako sa gano'ng simpleng kilos niya. Wala siyang ginawa nang gabing iyon na inaasahan ko. Tila ba dininig ang lahat ng hiling ko sa isang gabi. Para bang naabot ko nang sandaling iyon ang ilan sa mga pangarap ko.

"Do you want to eat something?" tanong niya nang alalayan ako papasok.

"No, I'm full. Thanks."

This is so not him! What's happening? Is the world still spinning? Hindi na siya nagsalita pa. Iginiya niya ako paakyat dahilan upang kabahan ako. Don't tell me, isasama niya ako sa kwarto? Namilog ang bibig ko at nagugulat na tumingala sa kaniya. Tutok ang kaniyang paningin sa hagdan. But that would be so fetch! Nahawakan ko ang dibdib at bigay na bigay na lumunok.

Nilingon ko ang pinanggalingan namin. At ipinagtaka kung bakit hindi na sumunod pa sina Maxpein at Maxrill sa amin.

Tahimik akong nagpatianod hanggang sa labas ng kaniyang kwarto. Hindi ko nagawang tumuloy. Naestatwa ako at nakakilos lang matapos niyang lingunin.

Nagmukha akong luka-luka sa pilit kong tawa. "Good night, baby!" sinubukan kong maging kaswal. Pero nabigo ako. Para akong nauupos sa mga tingin niya.

Matagal siyang tumitig sa akin saka natawa, hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko ay noon ko lang siya napanood na tumawa nang ganoon kanatural. May kung anong natunaw sa dibdib ko.

"Come in," kaswal na anyaya niya, na para bang sala ang papasukin naming dalawa.

Nanlambot ang tuhod ko. "Hindi ka nagpapapasok sa kwarto mo, baby."

Ngumisi siya. "A stroke of luck I guess."

"Hmm," pabiro ko siyang nginiwian. "Iba na 'yan, ah!" Napangiwi ako. Walang luck-luck sa in love!

Nawala ang ngiti sa labi niya. "So you wanna be with Maxrill?"

What? Tinaasan ko siya ng kilay. "Did I say that? I didn't say that! Did I? Oh, come on!" histerya ko.

Naglapat ang mga labi niya. Nasisiguro kong naiingayan na naman siya sa bibig ko. "Then come inside."

Namilog ang bibig ko saka nakamaang na nahawakan ang dibdib. "Pagagalitan tayo ng parents mo, Maxwell," hindi ko malaman kung matatawa ako o mahihiya sa sitwasyong iyon. Hindi na naman magawang umiral nang natural na kapal ng mukha ko.

"Then you really wanna be with him," pinagkrus niya ang mga braso at nanunuyang tumitig sa 'kin.

Are you still drunk or what? "No," giit ko. Bahagya akong tumagilid upang maitago ang tawa.

"I'll take you home, then."

Akma siyang lalabas nang pigilan ko. "What? I can stay. I wanna stay."

"Stay with me, then."

"Sa guest room ako."

"No."

"Why not?"

Bumuntong-hininga siya saka nag-iwas ng tingin. "Baka maisahan ako ni Maxrill."

Namilog ang labi ko saka ako natawa. "You can't be serious, Maxwell," inilingan ko siya. "I still can't believe you."

"I'll prove it to you."

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now