CHAPTER TEN

1.5M 39.9K 32K
                                    


KAPAPASOK KO palang sa hospital nang matanawan ko ang nagmamadaling nurses papasok sa emergency room. Tumuloy ako papalapit sa pinto upang mas makita kung ano ang posibleng nangyayari sa loob.

"Excuse me,"anang tinig mula sa aking likuran. Awtomatiko akong tumabi at nilingon ang nagsalita.

Ganoon nalang ang hiya ko nang maharapan ang grupo ng mga doktor. Naharangan ko ang kanilang daan. Mas nahiya pa ako nang makita si Maxwell. Tumango siya sa akin at nagmamadaling pumasok sa emergency room.

"Yaz,"bigla ay nahimigan ko si Keziah sa aking likuran. "Come with us,"nagmamadaling aniya nang lingunin ko.

"Ha?"nalito ako bigla. Ngunit nang mangibabaw ang pag-aanunsyo ng code sa speaker ay awtomatiko akong sumunod sa kaniya.

Nagulat ako sa sitwasyon ng ER. Literal na nagkakagulo. Naghahalo ang masangsang na amoy ng duwal at dumi ng tao. Maingay at masikip. Kaliwa't kanan ang palitan ng mga doktor at nurses. Paikot-ikot ang ilang taong marahil ay kamag-anakan ng pasyenteng hindi ko matukoy ang bilang. Nakaririndi ang sirena ng kararating lang na ambulansya mula sa labas ng kabilang entrada ng ER.

"What happened to them?" wala sa sariling naitanong ko sa nurse na dumaan sa aking harapan.

Pero sa halip na sagutin agad ako ay nilingon ako nito at hinila ang e-cart. "Dinala ang mga estudyanteng ito dahil sa pagsusuka at pagdurumi. Pare-pareho ring sumasakit ang kanilang mga tiyan. Excuse me,"aniya na nilingon ang mga pasyenteng nasa hospital bed saka dinulugan ng tulong ang pinakamalapit sa kaniya.

Kabado kong iginala ang aking paningin. Bigla ay hindi ko malaman kung saan magsisimula dahil napakarami nila. Bukod sa mga batang iyon ay may iba pang pasyente na dinala sa ER na nauna sa kanila, at hindi nila kasama. Hindi sapat ang espasyo ng emergency room sa bilang nila at patuloy na pagdating ng iba pa.

Noon ay nalingunan ko si Maxwell na kahanga-hangang kalmado pa rin bagaman mababasa sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. Isa-isa niyang nilapitan ang mga bata upang tingnan ang kalagayan ng mga ito. Saka niya sinasabi sa mga kasamang doktor ang dapat na gawin. Kulang na kulang ang mga doktor at staff sa laki ng bilang ng pasyente.

Natinag lamang ako nang sumubok si Maxwell na dulugan ang isa ngunit nasukahan siya. Agad akong kumilos. Inilapag ko ang gamit ko sa pinakamalapit na mesa saka lumapit sa kanila. Sandaling nagulat si Maxwell nang makita ako. Agad kong tinulungan ang batang umiiyak habang dumuduwal. Napabuntong-hininga ako nang makitang matalimsikan ang damit ni Maxwell ng magkahalong dilaw at berdeng idinuwal ng bata.

"Ako na,"presinta ko nang akma niyang kukunin ang basin nang muling sumuka ang bata.

Napakalalim ng buntong-hininga ko. Iisang bata palang ang nalalapitan ko ay komplikado na ang sitwasyon. Gustuhin ko mang lapitan agad ang iba, hindi ko magawa. Sa isa palang ay hindi na ako makaalis. Kulang na kulang ang staff.

Hindi na maipaliwanag ang amoy ng ER sa sandaling iyon palang. Kung patuloy na duduwal at dudumi ang mga batang ito ay pare-pareho silang made-dehydrate.

"Thank you,"mahinahong tugon ni Maxwell tuluyang tiningnan ang bata nang mahigang muli ito."May masakit ba sa iyo?"

"Masakit po ang tiyan ko,"namimilipit na tugon ng bata.

Napabuntong-hininga si Maxwell at saka nilingon ang kapapasok lang na mga bata, na may kaparehong sitwasyon sa nasa aming harapan ngayon.

"This is food poisoning," ani Maxwell sa kasamang doktor.

Iyon din ang hula ko. Madaling agapan ang kasong iyon. Nasisiguro kong napakadali lamang kay Maxwell na solusyunan ang sitwasyong iyon. Sadyang kulang lamang kami para madulugan agad ang mga bata.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon