CHAPTER 33

987K 31.9K 25.1K
                                    

CHAPTER 33

PANAY ANG titig ko kay Maxwell habang nakikipagbiruan sa mga bata. Itim na shirt at faded jeans lang ang suot niya pero angat na angat sa lahat ang kagwapuhan niya. Parang bagong ligo. Hindi ko na naman tuloy malaman kung ano ba ang nagustuhan sa 'kin ng lalaking ito. At sinabihan pa ako ng mabango!

"Baka naman matunaw," biro ni Susy.

Natawa ako. "Grabe, ang gwapo ng boyfriend ko."

"Gwapo nga."

"Boyfriend ko 'yan," dinunggol ko siya, kinikilig sa sarili.

"Swerte mo nga. 'Wag mo nang pakawalan."

"Baliw na nga lang ang magpapakawala sa ganito kagwapong nilalang," nakangiti akong bumuntong-hininga at parang baliw na nakitawa sa hindi ko naman na-gets na joke ni Maxwell sa mikropono.

Kakaiba talaga ang magkakapatid na 'to. Hindi siguro kasama sa proseso ng paglaki nila ang matuto nang magandang biro. Ito 'yong mga masasakit kung magbiro pero dahil tawang-tawa sila ay madadala ka na lang. Hindi dahil sa nakakatawa ang joke, madalas nga ay foul. Kundi dahil sa nakakahawa nilang tawa na para bang 'yon na ang pinakamagandang biro sa buong mundo.

"What do you wanna do first, kumain o magpalinis ng teeth kay Ate Ganda?" tanong ni Maxwell sa mikropono, panay na naman tuloy ang ngiti at kagat-labi ko.

"Kain muna po, doc!" anang mga bata.

Tingnan mo ang lokong 'to... Nasa plano nang mauuna ang oral treatment bago ang feeding program, tinanong na naman niya ang mga bata, tuloy ay nagbago ang plano.

"Sige, baka hindi pa rin kumakain si Ate Ganda," ngiti ni Maxwell saka lumingon sa 'kin, napilitan akong ngumiti. "Kakain muna raw sila." Sinabi niya nang wala na ang mikropono, na para bang hindi ko narinig na sinabi niya 'yon sa mga bata dahil nasa magkaiba kaming dimensyon.

"Narinig ko," nakangiwi kong sabi.

Gano'n na lang ulit ang paghanga ko nang hindi lang pala handa, relief goods at oral kits ang dala ni Maxwell. Nagbitbit siya ng mga tauhan na tumulong sa amin nang sandaling iyon. Imbes tuloy na kami ang mamigay sa mga bata ay ang mga tauhan na ang gumawa no'n. Sa huli tuloy ay sabay-sabay kaming kumain at mukhang mas marami ang magagawa namin ngayong araw.

Kumuha ako ng pagkain para sa akin at kay Maxwell saka dumeretso sa mesa kung saan naroon ang mga kasama namin.

"No, I'm planning to marry her soon,"dinig kong sabi ni Maxwell.

"Ay, kigwa!" dahilan upang maihulog ko ang disposable spoon na bitbit ko.

Awtomatikong napalingon si Maxwell sa akin at tumayo para tulungan ako. "Why didn't you call me?"

Sa halip na sumagot ay napatingala ako sa kaniya at napatitig. Pakakasalan ako ng nilalang na ito... May kung anong umalon-alon sa dibdib ko. Gusto kong maiyak nang sandaling iyon dahil sa halo-halong nararamdaman pero paniguradong hindi nila lubos na maiintindihan kung tuwa at saya lang ang idadahilan ko. Baka sa huli ay mag-alala lang sila o baka asarin akong wala pa namang proposal.

"You're this hungry, huh?" natatawang aniya nang makita kung gaano karami ang dala kong pagkain. Kinuha niya ang pareho kong dala saka ako inalalayang maupo.

"Most are desserts," sabi ko, hindi pa rin maalis ang tingin sa kaniya.

Nilagyan ko ng food ang plate niya at hindi pa doon nakontento, sinubuan ko talaga siya sa harap ng gano'n karaming tao. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin pero idinaan na lang iyon sa ngiti. Halatang mas lamang ang tumitingin kay Maxwell kaysa sa 'kin. Pero wala akong pakialam, sa sandaling 'yon ay ayaw kong alisin ang paningin sa kaniya.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon