CHAPTER 53

1.3M 37.6K 37.2K
                                    

CHAPTER 53

"HELLO, SEOUL!" nakapikit akong nagpaikot-ikot pagkababa pa lang sa airport. "We're getting married," sabi ko matapos imulat ang mga mata.

Hindi ko malaman kung nangingiti o natatawa sa 'kin si Maxwell nang lingunin ko siya. Pero gusto ko na ring matawa nang makita ang parehong luggage namin na naroon sa magkabilang gilid niya. Nakapatong doon ang parehong kamay niya. Habang ang passport niya ay nakaipit sa dalawang daliri.

"Welcome to South Korea," ngiti niya.

"I can't believe we're going to stay here for a month," namamangha pa rin ako.

"I love you, baby," bulong niya.

Na-touch ako. "I love you more, baby,"masaya kong sinabi. "Salamat sa vacation,"wala pa man ay gano'n na lang sinabi ko.

"All for you."

Lalong lumapad ang pagkakangiti ko saka patakbong lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang luggage ko saka hinila 'yon. Wala kaming kasamang tauhan, talagang kaming dalawa lang ang narito ngayon. Kaya hindi ako pwedeng mag-inarte. Hindi ko pwedeng iasa sa kaniya lahat dahil hindi niya pa maaaring pwersahin 'yong isa niyang kamay. Bukod sa kailangan ko nang paghandaan ang pagiging asawa kay Maxwell.

Ibig sabihin niyon ay hindi lang siya ang may obligasyon, pareho kami. Na hindi dahil ako ang babae ay iaasa ko na lang ang lahat sa pagiging lalaki niya. Ibig sabihin no'n ay hindi na lang ako ang iniisip at iniintindi niya. Na pareho naming responsibilidad ang bawat isa. Na walang timbang ang pagmamahal, tiwala, obligasyon, responsibilidad, kakayahan at karapatan namin sa isa't isa. Na pantay kami at iisa kaya kailangang magbigayan.

Pumara siya ng taxi at yumuko sa passenger's seat nang buksan ng driver ang bintana doon. Humanga ako nang magsalita siya sa lenggwahe ng bansang iyon gayong madalas ko naman siyang marinig magsalita niyon. Namangha lang talaga siguro ako dahil iyon talaga ang lenggwahe sa bansang iyon.

"Ang galing, 'no?" sabi ko habang nasa byahe na kami papunta sa hotel na tutuluyan namin. "Magkaibang bansa kayo pero pareho ng salita."

Tumango siya. "We have a very different accent. We also use vocabularies that differs from theirs. But still, we can understand each other. For sure nahulaan niyang hindi ako taga-rito," ngisi niya. "Na taga-ro'n ako sa kabila."

"I see," hindi matapos ang paghanga ko. "Hindi ba't takot sila sa inyo?" naiilang man ay itinanong ko 'yon.

Bahagya siyang tumango. "Hmm, most of them. But please don't mention the reason why. Baka ikapahamak natin," ngiti niya na iniakbay ang kamay sa 'kin at inabot ang aking pisngi. "I'm hungry."

"Me, too," nguso ko.

"I'll take you different places."

Impit akong tumili. "I'm excited, Maxwell!"

Lalo siyang ngumiti saka nagbaba ng tingin sa 'kin. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Pareho nang hindi nawala ang ngiti sa mga labi namin.

Kaliwa't kanan ang paghanga ko, lalo na nang madaanan namin ang iba't ibang kulay ng mga puno. Pa-end na ang spring season sa bansang iyon at papasok na ang panahon ng summer. Pero kahit anong season yata ang meron doon, hahangaan ko ang kagandahan ng lugar.

"Wow," para akong ignorante sa lugar na 'yon, nakakahiya man ay hindi ko talaga mapigilan. "I've been in different places but...wow, this building is stunning!"

"Hmm," pagsang-ayon niya nang sabay kaming tumingala doon. Kinuha niya ang kamay ko at saka kami sabay na tumuloy.

Gusto kong matawa nang makita kung gaano karaming mata ang naagaw niya. Kung malakas ang dating ng lalaking ito sa Pilipinas ay mukhang mas matindi doon. Dahil hindi lang simpleng pagtingin ang dumapo sa kaniya. Ang iba ay nasaksihan kong magkandirit sa kinatatayuan na animong nakakita ng artista.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon