CHAPTER THREE

1.9M 60.9K 116K
                                    




           

"WHICH ONE is better, ate? Itong yellow or itong blue? Tsk, ito ang hirap kapag magaganda, habang namimili nang isusuot, lalong gumaganda."

Panay ang buntong-hininga ko habang nakatulala sa blinking text cursor. Hindi ko na malaman ang takbo ng case presentation na ginagawa ko. Ang mga daliri ko ay panay lang ang kuskos sa mga letra ng laptop. Wala ako sa sarili. Hindi mawala sa isip ko ang masasakit na sinabi ni Maxwell.

"'Oy, ate!" Nakakarindi talaga ang boses ni Zarnaih.

"What?" malamya kong baling sa kaniya.

"Alin ang mas bagay sa 'kin? Kasi hirap na hirap na 'kong pumili! Parang bawat damit, mas lumalabas ang ganda ko."

Napabuntong-hininga ako. "'Yong blue."

"Talaga?" Ipinatong niya sa sarili ang asul na bestida saka humarap sa salamin. "Feeling ko mas maggo-glow ang beauty ko sa yellow."

"Then wear the yellow one," pairap kong inalis ang paningin sa kaniya.

"Bakit hindi ka pa mag-ready? Alas singko na."

Minsan ko pang bumuntong-hininga. "'Wag na lang kaya akong sumama?" hindi ko siya nilingon. "May kailangan akong tapusin, sa Friday na 'to, eh."

"Ay, nakakapanibago 'yan, ah?"

"What?"

"Ipagpapalit mo ang isang del Valle sa case pre? Cannot be, ate. Si Maxwell ang inspirasyon mo, at nandoon siya sa dinner."

"Oo nga," ngumuso ako.

Naramdaman ko siyang lumapit. "Hmm," nakangiwi niya akong tinutuktukan sa noo. "Nag-away kayo, 'no?"

"Ni Maxwell?"

"Malamang! Alangang ma-depress ka nang ganiyan kay Maxpein? Duh?" Hindi ko siya kinibo. "Besides, si Maxwell lang naman ang umaaway sa 'yo kasi ayaw niya sa 'yo."

Sininghalan ko siya ng tingin saka ako sumimangot. "Hindi, ah." Mabilis kong sininop ang mga gamit ko.

"Hindi raw," nakangiwi niyang bulong. "What happened?"

"Wala nga," nameka ako ng tawa.

"'Sus! 'Pag sure, 'oy!" Pinagkrus niya ang mga braso at inilingan ako. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo, ilang beses na. 'Wag mong sobrahan ang pagdikit-dikit kay Maxwell at mabilis 'yong maalibadbaran! Maulaw pud ka, 'te!"

Napabuntong-hininga ako. "Nahihiya na nga ako," wala sa sarili kong sinabi.

"Ano ba kasing ginawa mo?"

"Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga," muli akong nameke ng tawa. "Sige na, maliligo na 'ko."

"Anong isusuot mo?" habol niya.

"Kahit na ano."

"Wow, ha? That's so not you! Sa arte mo, three days before pa lang ay prepared na ang outfit mo. How come hindi ka prepared ngayon?"

Nakapamaywang ko siyang hinarap. "Dahil ang gandang meron ako, bumabagay ang kahit na anong isuot ko. Hindi gaya niyang ganda mo, may binabagayan."

"Ugh! Excuse me?"

"Charot!" natatawang sabi ko saka kumaway papunta sa banyo.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon