CHAPTER 32

933K 33.8K 43.1K
                                    

CHAPTER 32

GANO'N NA lang katindi ang kaba ko nang dakmain ni Maxwell ang kwelyo nito ngunit sa isang mabilis na kilos ay nagawa siya nitong itulak! Patalikod na nadulas si Maxwell, dinedepensahan ang sarili.

"Maxwell!" awtomatiko akong kumilos upang tulungan siyang tumayo. "Ano ba'ng kailangan mo?!" sigaw ko rito.

Nakangisi akong pinukol ng tingin ng tinawag ni Maxwell na Hwang. Sinuri nito ng tingin ang kabuuan ko. May kung anong kilabot na dulot ang paraan nito ng pagtingin sa 'kin, hindi ko magawang labanan at tagalan!

"What do you want?!" gigil, takot na takot kong sigaw ngunit hindi ako niyon sinagot. "Why are you doing this? What do you want?"

"Stay on my back," asik na bulong ni Maxwell, pilit niyang iniharang ang sarili sa 'kin.

"Maxwell, please be careful," ganting bulong ko. Hindi ko magawang bitiwan ang pagkakahawak ko sa kaniyang likuran. "Don't come near him, please," pagmamakaawa ko.

Muli iyong kinausap ni Maxwell gamit ang ibang lenggwahe. Ngunit ang Hwang na iyon ay nakakaloko lamang na pinagtawanan ang lahat ng tanong niya.

"Nag-aral pa 'ko ng ibang lenggwahe upang maunawaan kayo, ngunit heto ka't kinakausap ako sa ating lenggwahe, Moon," ani Hwang. "Kahit anong sikap mong iharang ang iyong sarili sa babaeng nasa likuran mo ay hindi mo siya mapoprotektahan sa akin. Alam nating pareho na sa ganitong sitwasyon...ikaw ang pinakamahina sa lahat ng Moon."

Ako ang nanggigil sa sinabi ng lalaking iyon. Fencing lang ang alam ko at kakaunting self-defense. Pero dahil sa paulit-ulit kong pagsali sa mga practice nila noon ay natuto ako. Doon ko rin nasaksihan ang ilan sa mga kakayahan ni Maxwell. Kaya paano nito nasasabing si Maxwell ang pinakamahina sa kanilang pamilya? Dahil kung ako ang tatanungin ay walang mahina sa kanila. Maliban na lang kung gano'n na lang talaga kahusay ang Hwang na ito para magsalita nang ganito.

"Wala kang pinagkaiba sa iyong ama," ngisi ni Hwang. "Mahina." Iyon na ang sagot sa naisip ko. Kung sinasabi nitong mahina si Tito More, gano'n na nga lang talaga siguro kagaling ang Hwang na ito. Lalo akong kinabahan.

"Paano kang nakapasok dito?" kaswal na tanong ni Maxwell, pinapagpagan ang shorts niyang animong naalikabukan. Napapikit ako sa frustration! Sa ganoong sitwasyon, hindi ko inaasahang maiisip niya pa ring linisin ang sarili!

Ngumisi lalo ang Hwang na iyon. "Hindi ba't sa pinto ang daan papasok dito?" Tinanaw nito ang pintuan. "Doon lang din ang daan ko. Bakit ko pa pahihirapan ang aking sarili na dumaan sa mga bintana gayong wala namang kandado ang mga pinto mo?"

Napapikit ako sa inis. Bigla ay gusto kong pagsabihan si Maxwell dahil sa madalas niyang pag-iiwas ng pinto nang hindi naka-lock! Gano'n na lang siguro ang kompyansa niyang walang susubok na manghimasok sa penthouse niya gayong may security sa 'baba. Ngunit hindi gano'n kahigpit ang security, walang sinabi sa tauhan ng pamilyang Moon. Normal na security guards lang ang mga 'yon sapagkat kahit gano'n, myembro pa rin ng pamilyang Moon si Maxwell. Ang paniniwala nila ay sila ang dapat na katakutan. Ngunit mukhang hindi sa uri ng taong tulad ni Hwang. Dahil nagmula rin ito sa kanilang bansa. Hindi na dapat ako magtaka, hindi na dapat ako magtanong, sa halip, dapat kong asahan na may kakayahan itong gaya nila.

"Hindi naman ako haharangin sa 'baba kung sasabihin kong...pasyente ako,"nakangising dagdag niyon. "Hindi ba?"

Napapikit ako, iyon na nga ang hula ko. Kung magpapanggap itong pasyente ay hindi talaga ito mahihirapang makapasok sa ospital. At wala sinomang makakakita sa kaniya kung gagamit siya ng elevator or stairs papunta sa penthouse na siyang nasa pinakamataas na floor ng building. Maliban na lang kung tutok sa panonood sa CCTV ang security. Ngunit gabi at sa payapang lugar ng Palawan, sino ang mag-aakala sa ganitong klase ng tao?

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon