CHAPTER SIX

2.3M 61.7K 112K
                                    

NARAMDAMAN KO lang ang lungkot nang nasa daan na kami pauwi. Hindi ko malaman ang mararamdaman. Naghahalo ang lungkot at saya sa puso ko. Saya, dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Maxwell. At lungkot, dahil hindi ko alam kung babalik pa siya.

Kinapa ko ang sariling damdamin. Wala man lang akong maramdamang takot. Dahil ang kalooban ko mismo ang nagsasabi na ginusto ko ang lahat nang nangyari. Talagang wala akong pinagsisisihan sa mga iyon.

Anuman ang plano ni Maxwell ay hindi ko alam. Maging ang nararamdaman niya ay hindi ko inaaalala. Masaya na ako sa kung anong namagitan sa 'min.

"Tsk, bilhan mo na nga ng teether si Spaun, babe? Please!" angil ni Deib Lohr nang makarating kami sa mansyon.

Natawa si Maxpein. "What's it for?"

"Para 'yon na lang ang ilagay niya sa bibig niya," saka ngumisi si Deib Lohr sa asawa. "'Wag 'yong sa 'kin. Tch."

"Dibdib mo ba isinusubo, ha?" inis na angil ni Maxpein.

"Tsk, ang slow mo, babe! Ang slow-slow mo," nakangusong kinuha ni Deib Lohr ang anak sa asawa.

"Wow, coming from a pagong like you," bulong ni Maxpein.

"Kay daddy ka lagi sasama, anak, ha? Para lumaki kang mabait, mahaba at gwapo."

"Mahaba, ah?" natatawang ani Maxpein.

Natawa rin si Deib Lohr. "Mahaba ang pasensya. Tch."

Tinunghayan ni Maxpein ang anak habang karga ito ng ama. "Tatapusin lang ni mommy ang mga inaasikaso niya. Tapos tututukan na kita. Kapag sa akin ka lumaki, sigurado na ang kasarian mo. Hindi ka pwedeng lumaki sa ama mo, Spaun."

"Tch. Bakit naman?" Binalingan din ni Deib Lohr ang anak. Natatawa ko silang inilingan. "Sa akin ka dapat lumaki, Spaun."

"Kapag diyan ka sa daddy mo, lalaki kang bully. Iyaking bully, bading na bully," kinausap ni Maxpein ang anak. "Paglaki mo, huwag kang mambu-bully. Masama 'yon."

"Mam-bully ka, Spaun. Do'n ko nakuha ang mommy mo."

Hinampas ni Maxpein sa braso ang asawa. "Puro ka kalokohan!"

"Babe naman..."

"Alis," banta ni Maxpein, seryoso.

Ngumiwi si Deib Lohr, walang takot. "Pakasalan uli kita diyan, eh."

"Naku, sundan na 'yan!" buyo ni Zarnaih. Natawa ang buong pamilya.

Iiling-iling ko silang tinalikuran, natatawa na lang. Ang sarap nilang panoorin, ang sarap nilang tingnan. Nakakainggit. Na kina Deib Lohr at Maxpein ang pangarap kong pamilya. Lalo pa ngayon na tila umiikot ang mundo ng mga Moon sa baby ng kanilang pamilya. Nakakatuwa dahil walang sandaling hindi sila masaya.

Hindi ko na naman napigilang makaramdam ng lungkot. Sa estado ng nararamdaman ko, kung saan handa akong magpauto, magparaya, magpaloko, magpagamit kay Maxwell. Iyong kahit wala siyang nararamdaman basta maglaan siya nang kaunting panahon sa 'kin, mahirap. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin ako humihingi nang higit pa ro'n. Iyong para bang kontento na ako na may nangyaring gano'n, kahit pa umalis siya at hindi na magpakita.

Nakakalungkot na kontento na ako sa gano'n sitwasyon. Nakakalungkot na wala akong balak maghabol. Nakakalungkot na desperada ako sa kakakarampot na nangyari. Nakakalungkot na maramot ako sa sarili ko. Nakakalungkot na ganito lang ako.

Dumulog ang lahat sa mesa. Nakahanda na ang dinner kaya mabilis kaming nakapagsimulang kumain. Pero wala ro'n ang utak ko. Wala sa kahit na kanino doon ang atensyon ko. Hindi ko man lang namalayang nakatulala na pala ako, habang paulit-ulit na pinipisil ang sariling labi.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon