CHAPTER 57

1.1M 40.6K 71.2K
                                    

CHAPTER 57

BUMILIS ANG aking paghinga habang pinanonood si Maxwell na tumawa habang kausap si Keziah. Napuno ng kung ano-anong tanong ang isip ko dahilan para mablanko ang pandinig ko at hindi ko na marinig ang alinman sa mga sinasabi niya. Nanatili akong ganoon hanggang sa ibalik ni Maxwell sa akin ang cellphone.

"Thanks, Yaz," bumuntong-hininga siya saka ngumiti sa pamilya. Nakamot ko ang aking noo saka napatitig muli sa kaniya.

Hindi ko maintindihan...

Unti-unti akong nakaramdam ng panghihina. Kung gaano siya katagal dito, ganoon na rin katagal na walang maayos na tulog dahil sa pagbabantay sa kaniya. Kahit kasi pilitin ako ng parehong magulang namin na magpahinga ay nagigising ako at pumupunta sa kaniya.

"Maxwell..." wala sa sariling sambit ko.

"Hmm?" inosente siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.

Hindi ko namalayan ang mga luha kong patuloy pa rin pala sa pagtulo. Dali-dali ko iyong napunasan.

"Why are you crying, Yaz?" nakangiti man ay puno ng pagtataka si Maxwell.

Why am crying? Gusto ko iyong isatinig but I have to consider his situation. Hindi ko lang talaga maintindihan. Mas inaasahan ko pang itanong niya kung nasaan siya, bakit siya narito...'yong mga gano'ng tanong. Pero 'yong hanapin si Keziah...at umasta na para bang normal na tao lang ako sa kaniya...hindi ko maintindihan.

"Bakit hindi muna natin iwanan sina Yaz at Maxwell?" nakangiting suhestiyon ni Tito More bago pa lumalim ang usapan namin.

Pinilit kong ngumiti. "Salamat, tito." Pero ang paningin ko ay nanatili kay Maxwell.

Nakangiti nilang nilingon si Maxwell, nakangiti rin siya pero kwestiyonable ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Para bang may mali sa suhestiyon ng kaniyang ama para maging gano'n ang kaniyang reaksyon. Na para bang may mali sa mga kilos ko para magtaka siya nang ganoon. Pilit kong iniiwasang mag-isip ng kung ano pero binibigyan niya talaga ako ng dahilan para magtaka. Kaunti na lang ay parang tatama na ang aking hula.

"Where's my nailcutter and wallet?" bigla ay pahabol ni Maxwell.

"It's with me," sagot ni Tito More.

"Cool," ngiwi ni Maxwell saka muling tumingin sa 'kin, ang pagtataka ay 'ayun na naman sa mga mata niya.

"Are you okay, Maxwell?" hindi ko na napigilang magtanong.

"Yeah," kunot-noo, tila nangangapa pa ring tugon niya. "It's just that..." Nakangiti siyang umiling, parang nalilito.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Maxpein, lumapit sa kapatid.

Marahang nabura ang ngiti sa labi ni Maxwell saka kunot-noong nag-angat ng tingin sa kapatid. Napanood ko nang sumulyap siya sa 'kin, mas rumehistro ang pagtataka sa mukha niya saka napapailing na nagbaba ng tingin.

"Nothing," pabuntong-hiningang tugon ni Maxwell.

Sandaling natahimik ang kwarto. Nakababa ang tingin ni Maxwell habang lahat kami ay nakatingin sa kaniya. Dinig kong bumuntong-hininga si Maxpein saka humakbang ulit papalapit sa kama ni Maxwell, malapit sa akin.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito, Maxwell Laurent?" kunot-noong tanong ni Maxpein.

Nalilitong nag-angat ng tingin si Maxwell sa kapatid. "Yeah, of course, Maxpein Zin. Because of Hwang."

Nakahinga nang maluwang si Maxpein. "He's dead."

Bahagyang nagulat si Maxwell. "What happened to him?"

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon