CHAPTER 64

790K 34.7K 80.9K
                                    

CHAPTER 64

Makalipas ang ilang buwan. . .

"MAXWELL..." nakangipikit at nangingiwi ko siyang inuga. "Maxwell!" pagsigaw ko kasabay nang paghilab ng aking tiyan.

Awtomatiko siyang napabalikwas ng bangon. Tumitig at tumango siya sa 'kin na para bang inaalam pa kung ano ang nangyayari.

"Manganganak na 'ko!" pagsigaw ko nang humilab muli ang tiyan ko na halos agawin ang lahat ng lakas na meron ako.

Panay ang pagtulo ng mga luha ko. Ilang araw nang humihilab ang tiyan ko pero sa sandaling ito ang pinakamatindi. Ubos na ubos ang lakas ko, hindi pa man ako nagsisimulang umiri.

"Maxwell!" muling pagsigaw ko nang makuha pa ng amaw na magsepilyo! "Pagdali diha, manganak na ko!" Pakiramdam ko ay sinakop na ng boses ko ang buong mansyon ng pamilyang Moon.

Kasunod no'n ay narinig ko na ang magkakasunod na yabag papalapit sa kwarto namin. Ngunit alinman sa mga yabag na 'yon ay walang bahid ng pagmamadali. Kaya naman lalo akong napasigaw nang muling humilab ang tiyan ko nang magsipagngitian pa ang pamilyang Moon sa akin. Napahiyaw na ako sa pagmamakaawa nang magsipagbatian pa nang magandang gabi sa akin ang mga ito!

Pastilan! "Manganganak na 'ko!" nakapikit kong sigaw.

"Natural lang 'yan kasi buntis ka, Yaz." Iyon ang walang habas na isinagot sa akin ni Maxpein.

Napapikit ako saka magkakasunod na bumuga ng hangin. Sa bawat maliit na pagmulat ko upang silipin siya ay gano'n na lang kalapad ang pagkakangiti niya habang naghuhugas ng kamay.

Naka-set na ang lahat sa master's bedroom. Kung ano-anong makina na ang naroon na gagamitin ko, kompleto ang kagamitan. Walang buwan o linggo akong hindi bumisita sa ibang bansa para sa check-up ko. Maliban na lang sa huling buwan, iyong doktor na ang bumibisita para tingnan ako.

Nasunod ang inaasahang petsa ng panganganak ko, ngayong araw 'yon ng September.

"Open the window," utos ni Maxpein na agad sinunod ni Maxrill.

Hirap na hirap man ay nilingon ko rin ang bintana. Madilim pa ang kalangitan at nasisiguro kong kasisimula lang lumalim ng gabi.

Gano'n na lang ang pagbuga ko ng hininga, magkakasunod at may ritmo, ayon sa itinuro sa 'kin ng mga doktor at ni Maxpein.

"The harvest moon," mahinang ani Maxpein, batid kong nakangiti siya. "The minimoon." Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya.

"Manganganak na 'ko, Maxpein!" muling sigaw ko, na sa sobrang hirap ay parang tuluyan nang naubos ang hininga ko.

Isinuot ni Maxwell ang gown kay Maxpein at saka nagsuot ng gloves at face mask sa sarili. Saka niya tinulungan ang kapatid na magsuot ng mga iyon.

Pero wala ni isa sa kanila ang nakinig sa 'kin. Sa halip ay mabilis na naghanda ng suwero si Maxwell at nagsalita lang nang magpaalam na ituturok na iyon sa akin.

Amaw! Hindi ko man lang maramdaman ang suwerong kinatatakutan ko. Naturingan akong nurse pero takot ako sa kahit anong injection.

"'Ayan na naman!" kumuyom ang palad ko sa bed sheet nang muling humilab ang tiyan ko!

Hindi ko na alam kung paanong pupwesto nang ayos sa pagkakahiga. Sa t'wing hihilab ay para bang lalabas na baby ko. Umaarko nang kusa ang katawan ko. Pero sa t'wing huhupa iyon ay napapaliyad ako sa kakaunting ginhawang nararamdaman. Pero hindi pa man ako nakakabawi ng lakas ay muli na naman iyong hihilab para ubusin ang lakas ko.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon