CHAPTER 24

1M 35K 39.9K
                                    

CHAPTER 24

DINALA KO sa Pescador Island si Maxwell nang sumunod na araw. Gaya ng inaasahan ay hindi mabilang ang kislap sa mga mata niya dahil sa excitement. Masaya ako na gano'n ang reaction niya. May kung anong kiliti iyong idinudulot sa puso ko. Sinasabi ng isip ko na bukod sa kalikasan ay ako ang kaligayahan at pahinga ng taong 'to.

And yet...I'm hurting him.

Umiling ako. Ipinangako ko sa sarili kong ibubuhos ang lahat ng oras at emosyon para mapasaya si Maxwell. Para bumalik sa dati ang daloy ng pag-iisip ko. Ayaw kong mag-isip ng iba. Ayaw kong mas lumala ang lungkot at sakit na idinudulot ko sa kaniya. Kailangang maging normal ulit ang samahan naming dalawa.

"Madalas dito sina daddy, of course dahil sa negosyo naming sardines," natatawang sabi ko nang makababa kami.

Hindi kalakihan ang islang iyon. Parang isang tumpok lamang iyon nang malaking bato na natatakpan halos ng mga puno at iba't ibang halaman kung titingnan mula sa 'taas. Kulay berde ang tubig na siyang pinakamalapit sa isla. Ngunit ang sumunod doon ay purong asul na tubig ng buong karagatan. Iba't iba at daan-daang isda ang makikita sa ilalim niyon. Bukod sa makasaysayang kuweba na makikita rin sa kalaliman.

Tahimik na iginala ni Maxwell ang paningin. Naglakad-lakad siya at hindi maalis ang mga mata sa kalikasan. Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko matandaan kung anong oras niya ako huling tiningnan.

Pero hindi ako sumuko. "Ang ibig sabihin ng Pescador ay fisherman," nakangiting sabi ko. "Spanish word 'yon," dagdag ko pa habang nakasunod sa kaniya.

Nagpatuloy sa paglalakad si Maxwell, hindi ako sinagot at hindi pa rin ako tinitingnan. Ang paningin niya ay naroon at naglilikot lang sa paligid.

Naglakad siya hanggang sa marating ay masukal na parte ng isla. Malulungkot na sana ako pero hindi nakaligtas sa atensyon ko ang maliliit na bagay na ginagawa pa rin niya. Hinawi niya ng paa ang malalaking tapak na bato at nakakalat na sanga ng kahoy sa lalakaran ko. Panay ang palihim na sulyap niya sa paanan ko, tila inaalam kung may matatapakan akong ikapapahamak ko.

Nang makarating kami sa gitna kung saan nakapalibot ang hindi-kilalang mga punongkahoy ay tumingala siya at pumikit. Nakangiti ko siyang pinagmasdan. Tila ninanamnam niya ang masarap na hangin at pakiramdam.

Lumapit ako at yumakap sa kaniya. "Ang sarap ng hangin, 'no? Wala masyadong tao kasi maaga pa. Mayamaya, paniguradong marami nang turista,"muli ay sabi ko.

Nagbaba siya ng tingin ngunit hindi nagsalubong ang mga mata namin. Nakagat ko ang aking labi nang mabasa ang lungkot niya. Marahan akong kumalas at idinaan na lang 'yon sa buntong-hininga.

Sa layo ng nilakad namin ay napadpad kami sa bandang dulo, kung saan alam kong napakalalim ng tubig. Malinaw man ay tanging ibabaw ang makikita sa parteng 'yon, hindi gaya sa ibang parte na makikita ang mga isda.

"Turtle point kung tawagin nila iyan, of course dahil maraming turles," muli ay sabi ko.

Napabuntong-hininga ulit ako dahil wala siyang tugon, hindi rin niya ako nilingon. Pakiramdam ko tuloy ay walang kasaysay-saysay ang sinasabi ko, na hindi siya interesado.

Psh! Kahit alam mo naman sa sarili mong natulog kayo nang hindi nagkakaayos kagabi, at 'yon ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon, Yaz.

"Sayang, hindi tayo nagdala ng camera,"nakangusong sabi ko. "Sana ay nakapag-picture tayo together. Para na rin ma-capture mo 'yong moments and view while we're here. Para may babalikan tayong memories, para may mai-share tayo sa iba."

"I don't like taking pictures," sa wakas ay nagsalita siya. Sa gulat nga ay nalingon ko siya bigla.

Hindi siya tumingin sa 'kin. At bagaman nagsalita nga, wala namang kasinlamig ang tinig niya.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon